Chapter 6

18 0 0
                                    


Nagising ako sa pagtunog ng alarm. Ang sarap ihampas dahil ayoko pang gumising. Nakakatamad.

"Ugh, Monday na naman! School sucks." Wala na akong ibang choice kundi gumising dahil ayaw kong ma-late sa klase. Pinapahalagahan ko ang imahe kong "early bird" sa school. Masaya kaya na maaga kang dadating sa school. Makakagawa ka pa ng mga assignments, makakareview ka pa para sa mga upcoming quiz at higit sa lahat, ang sarap sarap tumambay sa library at matulog doon. Malamig sa library dahil sa dalawang aircon at napakatahimik pa! A perfect place to sleep.

Pagkatapos kong kumain at naligo, pinasabugan talaga ako ng sermon nina mommy. And for punishment, no phone for 1 week at grounded ako until next week. Tinanggap ko naman yung punishment not because of "I deserve it" feeling but because of being an incognito. Hindi alam ni mommy na may dalawa pa akong phones na naka-reserve in case na ico-confiscate nila ang main phone ko.

I don't worry much about the 'grounded' thing dahil makakasama at makakabonding ko naman sina Maggie at Earl sa school. Alam kong may punishments din ang dalawang iyon. Tatanungin ko nalang sila mamaya.

Napatingin ako sa wristwatch ko;  it's 6:24 am. Napabuntong-hininga nalang ako dahil sobrang nabobored na ako dito. Ayoko kasing matulog sa library kasi strikto yung nagbabantay ngayon. Dalawa kasi yung librarian namin. Yung isa kasi mabait at pumapayag siyang matulog ako doon pero dahil yung masungit na librarian ang may shift ngayon, ayoko nang pumunta pa doon, baka sigawan pa ako.

Nagikot-ikot lang ako sa buong campus at naglalabas-pasok sa bawat classroom na nadadaanan ko. Napadpad na ako sa Elementary Building at nakakasalubong ko din ang mga elementary students na hila-hila ang mga malalaki nilang school bag. "Uy! Bakit ka nandito sa Elementary Building, Reigan? " Hinarap ko ang isa sa mga schoolmate kong si Blanche. "Ah wala. Bored kasi ako kaya nagikot-ikot muna ako dito." Ngumiti lang ako at tumango naman siya. Nagpaalam na siya dahil ihahatid niya pa ang nakakabatang kapatid niya na si Xeinah sa classroom nito.

Tumambay muna ako sa isang bench malapit sa canteen at nilabas ang paborito kong libro. Ikauling ulit ko na itong nabasa ngunit hindi talaga ako nagsasawa na basahin ito. Isang novel na tungkol sa pagmamahalan ng tao at ng alien. Ang ganda lang. Anything about Astronomy at Extraterrestrial beings ang pinakapaborito ko sa lahat. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagbabasa nang marinig ko ang pagtunog ng bell sa Highschool Building. Hudyat na 8 am na at magsisimula na ang klase.

Pagpasok ko sa classroom, nakita kong nagwawalis si Alethea; ang responsableng class president namin. Sa kabilang dulo naman ng classroom, nakita kong nags-strum ng gitara ang dalawa kong classmate na si Raph at Karl. Sinalubong naman ako ng yakap nina Maggie at Earl.  Yes, they are my classmates.

"Reigan! Nagawa mo ba yung assignment natin sa Filipino? "  tanong ng masayahin kong classmate na si Rita. "Yan? Gagawa ng assignment? Naku Rita, alam mo namang di talaga sumasagot ng mga assignment itong si Reigan. Puro gala lang yan sa buong weekend niya eh." sabat ni Earl na sinikmura ko ng mahina sa tiyan. "Eh gago ka pala eh! Nagsalita ang pasimuno sa mga gala natin." Inirapan ko nalang si Earl na ngayoy kinakalikot ang phone niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon