Chapter 15

17 0 0
                                    


Xander Pov

Ano bang pwede kong gawin para makalimutan ko ang nararamdaman ko sayo....

"Limang beer" ani ng isang napakapamilyar na boses. Agad kong nilingon ang katabi ko at tama nga ang hinala ko.

"Tsk bakit nandito ka??? Baka may makakita sayo dito pagsisihan mo" nakangisi niyang sabi tsaka mabilis na tinungga ang beer na nangangalahati na.

"Gusto ko lang makalimot sa sakit na pinagdadaanan ko" malungkot kong sabi pero hindi niya ako pinansin.

"Ahhhh talaga ako kasi gusto kong makalimot sa problema" ani niya kaya bumuntong hininga ako.

"Kaya mong ubusin yan??" kunot noo kong tanong dahil naubos niya na ang isang beer. Nakita ko ang pag ngisi niya tsaka sinuri ang bote ng beer.

"Oo naman masyado mong minamaliit ang kakayan ko huh nakalimutan ko wala ka nga palang tiwala saakin!" nakangising sabi niya saakin kaya napatungo ako.

"Im just worried okay" nakatungong sabi ko at mapait itong humalakhak.

"You dont have to, wala na tayo"

"Pero hindi ibig sabihin nun hindi na ako pwedeng mag alala sayo" sagot ko pero hindi na siya sumagot.

"Tss paano ka makakalimot kung nag aalala ka saakin" ani niya kaya bumuntong hininga ako.

"Ano kaya kung hindi tayo nagkakilala?" biglang tanong niya.

"Edi miserable pa rin ang buhay ko, baka hanggang ngayon wala pa ring patutunguhan ang buhay ko" sagot ko kaya natigilan siya.

"Hindi mo ba pinagsisisihan na nagkakilala tayo?" tanong niya.

"Kahit kailan hinding hindi ko pinagsisisihan ang mga bagay na may kinalaman sayo, you made my life an adventure" ani ko kaya natigilan siya.

"Lets have a game" nakangising sabi niya. Sa tono ng pananalita nito parang lasing na siya ng konti.

"Game??" kunot noo kong tanong at tumango ito. Tumayo ito tsaka sinenyasan ang waiter at naglakad siya papunta sa isang VIP room at agad akong sumunod. Umupo siya sa isang sofa at ako sa katapat niya.

"Kapag naubos mo ang isang bote ng beer pwede kang magtanong saakin ng kahit ano, at kapag naubos ko ang isang bote ng beer pwede akong magtanong sayo ng kahit ano" nakangising sabi niya kaya napangiwi ako.

"Game" nakangiwi kong sabi.

"Simulan na natin" nakangising sabi niya at agad akong tumango at nilantakan ang isang bote ng beer. Nangangalahati palang ako nang bawas pero siya ubos na agad kaya agad akong tumigil.

"Dinadaya mo ba ako??" kunot noo kong tanong kaya natawa siya.

"Gago ka ba! Paano kita dadayain aber!! Tss ang sabihin mo kupad ka lang kung uminom" sacrastikong sabi niya kaya ngumuso ako.

"Ge ge ge tanong na" ani ko kaya ngumisi siya.

"Bakit hindi mo ako pinaniwalaan?" seryosong tanong niya kaya natigilan ako. Alam ko sa tono ng boses niya na may tama pa siya pero nagagawa niya pa ring mag seryoso.

"Gustong gusto kitang paniwalaan, gustong gusto kong makinig sayo pero ang hirap, ang hirap hirap kasi may ebidensya.. Sobrang nasaktan ako sa nakita ko sa picture kaya hindi na ako nakapag isip ng maayos kasi mahal kita.. Sobra ang sakit ang naramdaman ko nang sabihin saakin ng tita mo na totoo ang nasa picture sobra ang sakit na naidulot nun saakin... Sobra sobra" emosyonal kong sabi pero tinitigan niya lang ako.

"Tss, continue" ani niya tsaka nilantakan ang beer at inubos ko na ang beer na natira saakin. Kaya agad siyang huminto at nginisihan ako.

"Bakit hindi ka man lang nag efort na magpaliwanag saakin??? Hinintay kita, umasa ako sa wala" malungkot kong sabi at kita ko ang gulat sa mata niya at agad yung napalitan ng galit.

"Hindi nag effort!!! Hindi!!! Nagmakaawa ako sa taong kinamumuhian ko, lumuhod ako sa taong sumira ng buhay ko pero kagaya ng inaasahan ko hindi niya ako pinagbigyan... Nagsumikap ako para makapunta ng London!!! Nagtrabaho ako makapera!!! Nagpakahirap ako para makapag ipon!!! Nagutom ako dahil imbes na ipangkain ko itinatago ko nalang kasi sayang!! Bumagsak ang grades ko kasi hindi na ako ako makapagfucos sa lesson kasi limang trabaho sa isang araw!! Palaging puyat!! Palaging pagod!! Palaging malungkot!! Palaging iba ang iniisip!!! Kinamuhian lalo ako nina mommy!!! Hanggang sa wakas nakaipon na ako ng pamasahe papuntang London. Pumunta ako ng London at agad kang hinanap. Sabik na sabik ako nun  kaso hindi ako pinapapasok ng guwardiya sa palasyo niyo. Ilang beses akong nagmakaawa pero mahigpit sila masyado. Hanggang sa makita kitang may kasamang ibang babae. Sabi nila princessa daw ang kasama mo kaya sobrang nasaktan ako nun. Nag iwan ako ng sulat Akexander.. Nag iwan ako pero hindi ka sumagot. Inisip ko na siguro nakahanap ka na ng bago. Dun ko na realize na hindi tayo pa sa isa't isa. Na bagay kayo kasi parehas ang antas niyo sa buhay. Princessa siya at ikaw principe samantalang ako ito... Isang hamak na ampon.. Kaya simula nun natuto akong lumugar" emosyonal na sabi niya kaya lalo akong natigilan.

"Hyacint hindi totoo yan..." mahinang usal ko pero ngumisi lang siya.

"Lets continue" nakangising sbai niya tsaka tumungga at ako namang pinilit kong habulin siya pero nabigo ako.

"Bakit ka pa bumalik?" tanong niya kaya natigilan ako.

"Bumalik ako para sayo, bumalik ako para itama ang mali ko. Bumalik ako kasi narealize ko na hindi ko kayang mabuhay na wala ka, bumalik ako kasi ikaw ang gusto kong maging reyna" sagot ko at natigilan siya. Agad kong tinungga ang beer hanggang sa maubos ko.

"Bakit hindi mo ako mapatawad?" malungkot kong tanong.

"Napakahirap magpatawad Xander, ang hirap hirap. Isang salita lamang iyon pero napakabigat ng kahulugan. Sa sakit ng napagdaanan ko namuo ang galit." sagot niya at may kung anong saya akong naramdaman. Agad niyang ininom ang alak at nakita ko sa mata niya na may tama na siya.

"Bakit parang ang dali para sayo na hilingin na patawarin kita?? Hindi mo man lang ba naisip na nasasaktan rin ako?? Hindi mo man lang ba naisip na nahihirapan rin ako??" seryoso niyang tanong kaya lalo akong natigilan.

"Kasi mahal na mahal kita, ayokong nagagalit ka saakin. Ayokong nakikita kitang nasasaktan ng dahil saakin"

"Pero sinaktan mo na ako! Sinasaktan mo na ako" emosyonal niyang sabi.

"Kaya nga nag sosorry diba"

"Pero bakit hindi nababawasan ang sakit" ani niya kaya napatungo ako. Naramdaman kong uminom siya kaya agad akong uminom kaya natapos ako.

"Bakit hindi mo ako kayang bigyan ng second chance???" tanong ko kaya tinitigan niya ako

"Sa totoo lang kahit ako hindi ko alam, siguro nasaktan ako ng sobra sobra.... Bago ko marating kung nasaan man ako ngayon. Bago ako maging lady master naging miserable muna ako. Nagpalaboy laboy ako sa kalye kasi pinalayas ako ni tita dahil sa pagsunod ko sayo sa London. Ilang araw akong hindi kumain hanggang sa napagdesisyonan ko na mamulot ng mga tira tira at maruruming pagkain. Nanglimos ako, nagmakaawa at kung ano ano pa ang ginawa ko. Yung mga kaibigan ko wala ehh mga plastic tss.. Hanggang sa nameet ko ang dating leader ng BHG. Siya ang nagturo saaking lumaban. Siya ang nagturo saakin kung paano bumangon. Siya ang nagturo saakin kung paano maging matapang. Naging bato ang puso ko dahil sa hirap. Naging manhid ako dahil sa sakit. Kaya kung tatanongin mo ako kung bakit ang hirap para saakin ang bigyan ka ng isa pang pagkakataon?? Siguro hindi pa ako handa.. Siguro hindi ko pa kaya.. Natatakot ako.. Natatakot ako na baka maulit na naman ang nangyari noong nakaraan. Baka mas malala pa ang sakit na dadanasin ko... Ang hirap kasi natatakot ako.. Ang hirap kasi tao rin ako. Nasasaktan, nahihirapan, sumusuko, napapagod, nagagalit, natatakot" emosyonal na sabi niya habang pinupunasan ang luha.

"Hindi ko alam Hyacint im sorry" umiiyak kong sabi pero pait niya akong nginitian.

"Hindi mo naman kailangang malaman" matamlay na sabi niya tsaka umalis. Gusto ko siyang sundan pero hindi ko magawa. Naduwag ako dahil sa mga sinabi niya.. Dahil naiintindihan ko siya.

Ang tanga tanga ko.....

Naging miserable ang buhay niya ng dahil saakin....

Im sorry Hyacint my love..

Mr. Perfect and The Lady MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon