Chapter 18

18 0 0
                                    

Xander Pov

"Nathalie!" tawag ko dito at inosente itong tumingin saakin.

"Oh Xander anong ginagawa mo dito??" inosente niyang tanong pero hindi ko ito pinansin.

"Totoo ba??" mariin kong tanong sakanya kaya kumunot ang noo niya.

"Ang alin??"

"Na ikaw ang kanang kamay ni hyacint!!" gigil kong sabi na ikinatawa niya.

"Oo" mabilis niyang sagot kaya natigilan ako.

"Kaya ba marami kang alam tungkol sakanya?? Kaya ba alam mo ang tungkol saamin?? Kaya ba parang hindi ka natatakot sakanya??" sunod sunod kong tanong kaya mapait siyang tumawa.

"Tama marami akong alam tungkol sakanya dahil ako ang kanang kamay niya. Alam ko rin ang tungkol sainyo at alam ko rin kung sino ka Prince Alxander. At mali dahil lahat ng tao ay dapat matakot kay lady master kahit ako na kang kamay niya" mariin niyang sagot kaya natigilan ako.

Hindi ako makapaniwala....

"Speechless??? Alam ko naman na yan ang mararamdaman mo" nakangising sabi niya.

Ibang Nathalie ang kaharap ko ngayon...

Hindi ang Nathalie na nakasanayan ko..

Hindi ang Nathalie na palagi kong kasama...

Hindi ang Nathalie na kadamay ko..

Kundi ang Nathalie na kanang kamay ni Hyacint..

Ang matamis niyang ngiti ay napalitan ng ngisi.

Ang malaanghel niyang mukha ay napalitan ng nakakatakot na itsura..

"Bakit ka lumalapit saakin kung ganun??? Inutusan ka ni Hyacint??" inis kong tanomg kaya humalakhak siya.

"Yan ba sa tingin mo??" nakangisi niyang sabi kaya natigilan ako tsaka tumungo.

"Gusto mong malaman ang lahat??" tanong niya kaya nag angat ako ng tingin tsaka tumango.

"Sumama ka saakin" ani niya tsaka ako tinalikuran at mabilis ko siyang sinundan. Sinenyasan niya ako na sumakay ng kotse at agad akong sumunod.

"Saan tayo pupunta??" tanong ko na ikinangisi niya.

"Sa kuta namin, sa totoong kuta" nakangising sabi niya kaya nangunot ang noo ko.

"Ibig sabihin may peking kuta??" tanong ko agad siyang tumango.

"Sampu ang kuta ng BHG dito sa Bicol. Kalat kasi ang grupo namin at bawat chapter merong itinalaga si lady master na leader. At mahigit isang daan naman ang kuta namin dito sa pilipinas. Sa totoo lang kami talaga ang pinakamakapangyarihang gang sa buong mundo pero sekreto iyon dahil sa mga kalaban. Si lady master ang namamahala ng gang dito sa pilipinas habang ang totoong gang master ang namamahala sa labas ng bansa. Wala pang nakakakilala sa Gang Master dahil napakapribado niya pero may isa daw na nakakaalam kung sino at ano siya pero walang nakakaalam kung sino. Kasing lupit niya si lady master at parehas ng ugali"

"Wait wait wait... Babae ba yan o lalaki??" kunot noong tanong ko.

"Babae, wait patapusin mo muna ako" sagot niya kaya natahimik ako.

"Tahimik din si Gang Master katulad ni Lady Master. Mabait sila pareho pero demonyo kapag ginago mo. Kahit si Lady Master hindi alam kung sino siya. So yun na nga ang main na kuta dito sa pilipinas ay ang pupuntahan natin. Iilang tao lang ang pwedeng pumasok dun"

Mr. Perfect and The Lady MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon