Chapter 22

15 0 0
                                    


Hyacint Pov

"Lady Master handa na ang lahat" nakangising sabi ni Nathalie kaya tumawa ako.

"Magaling tara na" nakangisi kong sabi tsaka bumaba ng kotse at taas noong pumasok sa kuta ng Red Dragon Gang. Nakita ko ang nakalupasay na miyembro ng RDG kaya natawa na lamang ako..

"Mukhang magiging masaya si Leo nito lady master" nakangising sabi ni Nathalie.

"Hahaha inaasahan ko na yan" natatawa kong sabi tsaka inililibot ang paningin sa mga mahihinang tauhan ni Leo.

Masyado kayong nagtatapang tapangan...

Bibigyan ko kayo ng leksyon kung ganun...

"Nasa loob siya lady master, hindi niya inaasahan ang pagdating niyo" ani ng isang espiya kaya agad ko siyang tinanguan. Taas noo akong pumasok at nakita ko si Leo na nakapikit ang mata at mukhang nagpapahinga. Pumasok ako at naupo sa upuan na katapat ng mesa niya.

"Nakakaistorbo ba kami??" malakas kong sabi dahilan para mapabalikwas siya sa pagbangon at inis akong tingnan at agad iyon napalitan ng gulat.

"L-lady master??" mahinang usal niya kaya agad akong ngumisi.

"Kamusta Leo?? Mukhang nakatulog ka ng mahimbing" nakangisi kong sabi kung kaya't agad nanlisik ang mata nito.

"Anong ginagawa niyo dito!" inis niyang tanong kaya sabay kaming tumawa ni Nathalie.

"Ano sa tingin mo??" nakangisi kong tanong.

"Umalis ka na ngayon sa teritoryo ko Lady Master kung gusto mo pang mabuhay" gigil niyang sabi saakin pero tinawanan lang namin siya.

"Nakakatakot ka naman Leo tsk tsk tsk nandito lang naman ako para makita sa personal ang magiging reaksyon mo kapag nalaman mo na ang ginawa ko" nakangisi kong sabi at agad siyang natigilan.

"Anong ibig mong sabihin" kabadong tanong niya kaya lalo akong humalakhak.

"Handa ka na ba??" nakangisi kong tanong kaya agad nanglisik ang mga mata niya.

"Tarantado ka Hyacint!!!!!" galit niyang sigaw saakin kaya bigla kong sinipa ang mukha niya gamit ang isa kong paa habang nakaupo.

"Its Lady Master" mariin kong sabi kaya agad siyang natahimik. Napangisi ako ng punasan niya ang dugo sa ilong niya dahil sa pagsipa ko.

"Well.. maganda ang kuta mo Leo pero mas gusto ko ang mga pasugalan mo" nakangising sabi ko na ikinatahimik niya.

"Anong ibig mong sabihin??"

"Alam mo bang kaya kong pasabugin yun ng sabay sabay gamit lamang ang ballpen na ito??" nakangisi kong tanong na ikinahalakhak niya.

"Nagdodroga ka ata lady master?? Napakaimposible ng sinasabi mo hahahaha" tumatawa niyang sabi kaya agad akong ngumisi.

"Hindi ka naniniwala??" tanong ko na ikinahalakhak niya.

"Sige lang lady master tsk tsk tsk mukhang maling lipstick ata ang nagamit mo" pang aasar niya.

"Ikaw bahala" nakangisi kong sabi at pinindut ko ang ballpen tsaka ito itinago.

"Yun na yun??" gulat niyang tanong at agad akong tumango pero ngumisi ako nang bigla siyang tumawa..

"Hahahahhaaha sinasayang mo ang oras ko lady master" tumatawang sabi niya pero nahinto ito nang may tumawag at agad niyang sinagot. Napangisi ako nang makuta ko ang pagbago ng mukha niya at galit na tumingin saakin tsaka ibinaba ang linya.

"Animal ka!!! Bakit mo pinasabog ang lahat ng casino ko!!!" galit na sigaw niya saakin kaya natawa ako.

"May tira pa naman yun, isa nga lang" natatawa kong sabi pero tinutukan niya ako ng baril na agad namang pinaputukan ni Nathalie dahilan para mawasak ito.

"Pagbabayaran mo to lady master!!!!' galit na sigaw niya saakin at agad ko siyang tinaliman ng mata.

"Yan ang napapala ng mga kumakalaban saakin Leo! Kilala mo ako! Hindi ako basta basta pumapatay!! Hindi pa ako nag uumpisa Leo! Patikim palang yan" nakangisi kong sabi tsaka siya iniwan at naramdaman ko ang pagsunod ni Nathalie.

"Maghanda para sa susunod na target" sabi ko kay Nathalie at agad siyang tumango. Agad kaming sumakay ng kotse tsaka ngumisi nang pasabugin ko ang harapan ng kuta ni Leo.

"Tsk tsk tsk"

"Ihatid mo na ako, bukas na natin pag usapan ang susunod na plano" mahinang usal ko at agad siyang tumango. Agad kami nakarating bahay na tinutuluyan ko. Ibinigay ito saakin ni Gang Master para may matirahan ako. Malaki ang bahay at siya na rin ang tumutustos ng pangangailangan ko.

"Bukas ulit lady master" nakangising sabi ni Nathalie at agad ko siyang tinanguan bago lumabas ng kotse. Hinintay ko pang umalis siya bago naglakad papasok. Pero hindi pa ako nakakalapit sa gate nang tawagin ang pangalan ko ng isang napakafamiliar na boses.

"Hyacint!!!" ani nito kaya dahan dahan akong lumingon at hindi nga ako nagkamali.

"Your Majesty" mahinang usal ko tsaka tumango.

"Hyacint dear you dont need to that" ani nito tsaka lumapit saakin. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin at napahagulhol kaya nakaramdam ako ng kaba.

"Ammm your majesty" tawag ko sakanya kaya kumalas siya sa pagkayakap at malungkit na tumingin saakin.

"You've change a lot" nakangiting sabi niya habang lumuluha kaya agad akong umiwas ng tingin.

"What brings you here Queen Amberly"  tanong ko pero nangunot ang noo ko nang umiyak ito at hinawakan ang kamay ko.

"Anong nangyari sakanya??" kunot noong tanong ko kaya lalo siyang umiyak.

"Bumalik ang sakit niya" mahinang usal niya tsaka tuluyang umiyak. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko dahil sa sinabi niya.

"Pero naoperahan na siya" mahinang usal ko.

"Yan rin ang akala namin, na once maoperahan na siya hindi na babalik ang sakit niya pero ayun sa doktor dito bumalik na naman and in a very critical stage" umiiyak niyang sabi kaya lalo akong lumuha.

"Hyacint I need your help plsss, kailangan ka ng anak ko, kailangan ka niya" umiiyak niyang sabi habang hinahawakan ang kamay ko.

"Tita matagal na kaming wala" mahinang usal ko kaya nalulumo siyang tumingin saakin.

"Pero mahal na mahal ka pa rin ng anak ko.. Hyacint dear ayaw niyang pumayag magpaopera" umiiyak na sabi niya kaya nangunot ang noo ko.

"Bakit naman ayaw niyang magpaopera!!! Nababaliw na ba siya!!" inis kong sabi kaya agad siyang tumungo.

"Sabi niya wala na daw saysay ang buhay niya.. Hyacint plsss help us.. Tulungan mo kaming kumbinsihin siya na magpaopera kasi sayo lang siya susunod plss" nagmamakaawa niyang sabi kaya agad akong natigilan.

"Kalokohan yan!" inis kong sabi.

"Plsss Hyacint dear plsss hindi pa siya kumakain simula noong magising siya at makakasama iyon sakanya.. Ginawa na namin ang lahat pero ayaw niya talaga" umiiyak niyang sabi at halos lumuhod na siya sa harapan ko dahil sa pagmamakaawa. Kaya hinawakan ko ang kamay niya at hinila ito patayo tsaka ako pilut na ngumiti.

"Lets go" mahinang usal ko at natigilan ako nang bigla niya akong yakapin.

"Thank you dear, thank you" bulong niya habang akap akap niya ako.

Mr. Perfect and The Lady MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon