Chapter 1

60 1 0
                                    

Xander Pov

"Son, are you sure na you want to stay there??" nag- aalalang tanong ni mommy sa kabilang linya.

"Yes mom I want to stay here"  malungkot kong sabi at narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Fine, goodluck son" pag susukong sabi niya tsaka ko ibinaba ang linya.

Bumaba na ako ng kotse tsaka pumunta sa main gate ng International Academy. Bumuntong hininga ako nang makita ko ang napakataas na gate nito. Pinagmasdan ko muna ito tsaka pumasok. Iba't ibang klase ng estudyante ang nakita ko.

"Siya ba yun???"

"Oo siya yun! Grabe ang gwapo niya pala."

"Grabe he is so perfect"

Marami akong narinig na bulong bulongan sa bawat dadaanan ko. Hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko ang aking silid. Pumasok ako ng aming silid dahilan upang mapagtanto ko na nag uumpisa na ang aming klase.

"Are you belong in this class?" tanong ng lecturer dahilan upang mapaayos ako ng upo. Ngumiti ito saakin tsaka ako sinenyasan na pumasok.

"So kindly introduce your self" nakangiting sabi ng lec dahilan upang bumuntong hininga ako.

"Im Xander" pormal kong pagpapakilala. Tsaka humarap sa lec na parang hindi pa nakokontento sa sinabi ko.

"Thats it?" kunot noong tanong ng lec at tumango ako.

"O..okay, may dalawang vacant jan pwede kang pumili kung saan ang gusto mo" nakangiting sabi ng lec kaya tumango ako. Inilibot ko ang paningin ko tsaka naglakad papunta sa hulihan malapit sa bintana.

"Ang gwapo niya OMG"

"May girlfriend na kaya siya"

"Okay so class bago tayo magsi-----" naputol ang sinasabi ng lec nang biglang kumalabog ang pintuan at pumasok ang isang babae.

"Badmorning psh" sigang sabi ng babae.

"A...a...amm are you also belong in this class" tanong ng lec kaya agad siyang tinaasan ng kilay ng babae.

"What do you think?? Tss" matamlay na sabi ng babae.

"Ohh... Plss introduce your self" ani ng Lec kaya natawa ang babae.

"Im Hyacint Jane S. Concepcion and you are not allowed to call my name, Lady Master yun ang itatawag niyo saakin!!! At alam kong alam niyo na kung bakit!!" nakakakilabot na sabi nito tsaka ngumisi. Nagtama ang paningin namin kung kaya't natigilan ako tsaka umiwas ng tingin.

"Hoy palit tayo! Ako jan" sigang sabi niya kaya natigilan ako tsaka dahan dahang tumingin sakanya.

"Ano titingnan mo na lang ako tss alis!!" inis niyang sabi kung kaya't dali dali akong tumayo tsaka lumipat sa kabilang upuan.

Lalong naging malinaw ang itsura niya. Itim lahat ang suot niya. Itim na sandals, itim na pants, itim na damit at ITIM na lipstick.

"Shit! Siya ang leader ng Black Hood Gang"

"O M G totoo nga ang balita, nakakatakot siya!"

Halos manlamig ako sa mga naririnig ko tungkol sakanya. Ang leader ng Black Hood Gang. May mga naririnig ako tungkol sa grupo na iyan pero hindi ko inaasahan na siya ang leader.

"Okay our topic for today is all about DNA nanotechnology, so who can give me the deffinition of DNA nanotechnology?" tanong ng lec. Tahimik ang mga kaklase kong nagbukas ng libro habang ako naman ay tuumingin sa katabi ko na parang walang pakialam sa disscussion.

Mr. Perfect and The Lady MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon