Bound I: Unang Pagkikita
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
"Young master Kyle, Nasaan na po kayo?"
Isang matandang babae na nakapangsuot ng mayordomang damit ang kasalukuyan na nasa malawak na hardin ng Pamilyang Lorenzana. Ang hardin na ito ay hitik sa mga naglalakihan at nag-gagandahang mga uri ng bulaklak, halaman at mga puno. Ang sino mang makapunta rito ay masasabing mala-paraiso ang itsura nito, tamang-tama lang sa mga nais magpahinga at kumalma ang kalooban. Ngunit kabaligtaran ito ng nararamdaman ng isang ginang na ngayon ay hindi pa rin makita ang kanyang hinahanap.
"Young Master Kyle!? Pakiusap po lumabas na kayo sa pinagtataguan niyo po! mga ilang oras lamang ay padating na ang mga magulang niyo!"
Ito ang paulit-ulit na panaghoy ng ngayo'y kinakabahan na mayordoma. Kahit saan man niya kasi ito hanapin ay tila mailap at ayaw magpakita ng bata na kahit sakitin ay napakalikot pa din. Sinubukan na niyang hinawi ang mga halamanan, sumilip sa mga naglalakihang bato at tumingala sa mga sanga ng puno ngunit 'ni kahit anino nito'y di man lang maaninag. Tiyak hindi lang siya ang mapapagalitan ng kanyang amo kundi pati na rin ang kanyang alaga.
"Young Master Kyle . . . Asan ka na po kasi . ." Ang paghihimutok nang ginang na ngayon ay nililigid ang mga mata sa buong paligid. Ang sikat ng araw ay nasa gawing Kanluran na . . . Napakataas, masakit sa balat sa tuwing tumatama ang sinag nito . . . ngunit sa bawat pagpatak ng oras ay unti-unting lumulubog ito para sa pagdating ng buwan.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
"La . . La . . La . . La . ."
Habang ang matanda ay patuloy sa paghahagilap sa nawawalang bata ay hindi niya namamalayan na malayo na pala ang nalalakbay ng kanyang alaga na ngayon ay nasa masukal na parte na ng mga lupain ng Lorenzana. Ang mala-mansyong tahanan ng pamilyang ito ay nakatirik sa gitna ng kagubatan, malayo sa sibilisasyon at lungsod ngunit magkagayon man ay updated pa rin sila sa Latest news at Technology. Sadya lang talagang hindi nila nais makihalubilo masyado sa karamihan. Habang binabagtas ng walong-taong gulang na si Kyle ang buong kagubatan ay punong-puno ito ng kasiyahan at satispaksyon sa sarili. Ngayon lang kasi uli siya nakadalaw sa bandang parte na ito, palagi kasi siyang pinagbabawalan ng kanyang mga magulang at yaya na lumabas dahil sa kanyang mahinang kalusugan. Hindi naman siya makatutol kasi sermon ang magiging abot niya sa kanila . . . Tuloy, pakiramdam niya ngayon siya'y nasa labas na ay parang isa siyang ibon na muling nakawala at nakalipad mula sa pagkakahawla niya. Nais niyang mapatunayan sa kanila na hindi siya mahina, na siya ay may lakas para tumapak sa sarili niyang mga paa.
Buong ngiti niyang nilalakad ang bagtas patungo sa isang batis kung saan iba't-ibang uri ng maliliit na isda ang makikita. Dinadama niya ang bawat gaspang ng mga punong nadadaanan niya, sinasamyo ang halimuyak ng mga nadadaanan na bulaklak na waring ngayon lang niya nakita. Pilit niyang kinakabisa sa kanyang isipan ang lahat ng kanyang nae-experience ngayon sapagkat sa loob-loob nito'y alam niya na panandalian lamang iyon . . . na siya muli ay ibabalik sa kanyang nadedekorasyonang hawla . . . Hindi alam kung kelan muli siya makakawala.
BINABASA MO ANG
Blindly Bound to Him (BoyxBoy/Yaoi) #ON-HOLD
Teen FictionMadilim, nababalot ng kadiliman ang kanyang buong paligid . . . Nararamdaman niya ang kamay na bakal na nakahawak ng mahigpit sa kanyang mga palad . . . Pinipigilan ang karapatan niyang maigalaw ito ng malaya, Tila ayaw siyang bitawan nito . . . Hab...