Bound IV.2: Liwanag laban sa Kadiliman
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
"MOMMY!!"
Bang! Bang!
Maiingay na baril ang walang tigil na umaalingawngaw sa gitna ng tahimik na daan
"ANAK!!"
Klang! Klang! . . . . . Tsuk!
Kasabay nito ang kalansing ng mga nagtatagisang balisong at katana . . . isa o dalawa rito ay tumama sa-
"Anak, bilisan mo . . . tumakbo ka na! umalis ka na rito!"
Mga nakahandusay na katawan . . . mga dugong unti-unting pumipintura sa aspaltong daan . . . . mga sira at gulo-gulong sasakyan, karamihan ay may tama ng bala . . . Mga naka-itim na lalaki na nakikipaglaban sa isa't-isa . . . isa-isa din silang nagbagsakan . . .
"Anak!"
Sa gitna ng kaguluhan at kuko ng kamatayan ay isang nilalang ang tila naiiba't nangingibabaw sa lahat. Mahahaba at maalon-along itim na buhok, mapupungay ngunit may kimkim na determinasyon sa mata, mapupulang labi na nakatikom at tila nagkokonsentra. Nakasuot siya ng puting bestida na ang haba'y hanggang sa baba ng tuhod. Sa kabuuan ay malalamang isang enigma ng kagandahan at pagkabusilak ang babaeng nakatayo sa gitna ng kaguluhang ito. Kailanma'y hindi madudungisan ang kariktang-taglay ng binibini . . . Kahit na may bakas na ng dumadaloy na dugo sa kanyang tagiliran.
BINABASA MO ANG
Blindly Bound to Him (BoyxBoy/Yaoi) #ON-HOLD
Teen FictionMadilim, nababalot ng kadiliman ang kanyang buong paligid . . . Nararamdaman niya ang kamay na bakal na nakahawak ng mahigpit sa kanyang mga palad . . . Pinipigilan ang karapatan niyang maigalaw ito ng malaya, Tila ayaw siyang bitawan nito . . . Hab...