Bound III: Mapangahas na kilos
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Napatigil sa isang puno ng acacia si Kyle. Hingal na hingal ito at pilit na hinahabol ang kanyang pag-hinga. Ngayon lamang niya kasi nasubukang tumakbo ng mabilis at walang tigil. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang dibdib sabay tapik dito. Kailangan pa niyang
bilisan ang pagtakbo, baka kasi mas lalong umigting ang nadaramang sakit ng naiwan niyang batang lalaki sa may batisan. Buo na ang determinasyon nang ito'y maisip, tumakbo muli si Kyle sa kanilang tahanan. Mga ilang minuto rin ang lumipas bago niya marating ang
kanilang hardin. Pag-kadating ay nakita niya agad sa di kalayuan ang kanyang yaya na hanggang ngayon ay hinahanap pa rin siya.
"Young master!! Parang-awa niyo na po magpakita na po kayo, malapit na po umuwi ang mga magulang lang niyo! 'Tena na at pumasok na tayo sa loob!" Ang sigaw ng mayordoma, nakatalikod ito sa direksyon ni Kyle kaya di niya napansin ang walang-ingay at maingat
nitong pagpasok sa loob.
'Pasensya na po yaya Felly, kinakailangan ko talaga itong gawin' Ang sa loob-loob ni Kyle habang hinahanap ang first aid kit. Nakita niya ito sa isang tokador sa loob ng banyo, hindi nga lang ito abot ni Kyle dahil sa kanyang kaliitan. Malawak ang kanilang comfort room
dahil meron itong bath tub, shower room, powder room at jacuzzi . . . waring nasa spa lang ang dating. Sa isang sulok ay may nakita siyang isang upuang, kinuha niya ito at itinapat sa harapan ng mataas na tokador. Umakyat siya rito . . . at sa wakas, nakuha na rin niya ang
pulang box na may puting krus. Tinignan niya muna kung naroon nga ba sa box ang mga kakailanganin . . . Nang masiguro niyang andun na ang lahat ay dali-dali na siyang umalis at tinungo naman ang kanyang kwarto. Doon ay kumuha siya ng mga damit na sa tingin niya
ay kakasya sa lalaki, mga jacket at kumot, pati na rin ang isang flashlight at pack ng batteries. Nilagay niya itong lahat sa isang backpack at paalis na sana nang-
'Hmm . . . Paano kung nabored siya doon?' Nilingon niya ang kanyang queen-sized bed kung saan nakaupo ang paborito niyang stuff toy, isang white bunny plushie. Hindi siya nagdudang kunin ito at agad nang lumabas sa kwarto niya. Habang mabilis na naglalakad ay iniisip
niya kung ano pa ba ang kulang . . . hmm . . . aha! pagkain nga pala! Nang matiyak niyang nasa labas pa din ang yaya niya ay binilisan na nito ang pagbaba sa pa-spiral nilang hagdan. Dumiretso na siya sa malawak nilang kusina, kampante siyang hindi mahuhuli dahil siya
lang, ang yaya, at ang mga magulang niya (na kadalasan ay wala) ang tanging nakatira lamang sa mansyong iyon. Isa pa ay naroon pa din sa labas ang mayordoma na magpasa-hanggang ngayon ay walang kaalam-alam na nakabalik na ang alaga niya kaya pinaghahanap pa
rin niya ang akala'y nawawala pa ding bata.
BINABASA MO ANG
Blindly Bound to Him (BoyxBoy/Yaoi) #ON-HOLD
Teen FictionMadilim, nababalot ng kadiliman ang kanyang buong paligid . . . Nararamdaman niya ang kamay na bakal na nakahawak ng mahigpit sa kanyang mga palad . . . Pinipigilan ang karapatan niyang maigalaw ito ng malaya, Tila ayaw siyang bitawan nito . . . Hab...