Bound V: Magkasalo sa lamig at init
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
"Hah . . . . . Hah . . . . ."
Sa gitna ng kagubatan, Isang batang lalaki ang kanina pa hingal na hingal na tumatakbo . . . tila nakikipaglaban siya sa takbo ng oras. Tinignan ni Kyle ang kalagayan ng kalangitan . . . madilim na . . . ang haring-araw ay nasa kanluran na't nakalubog, inihahanda na ang sarili nito sa pagdating ng buwan. Medyo nakaramdam ng kaba si Kyle hindi lang dahil sa alam niyang mapapagalitan siya ng kanyang yaya't mga magulang pag-uwi niya kundi pati na rin sa kalagayan ng batang lalaking iniwan niya sa batisan. Nag-aalala siya rito . . .
"Ayos pa din kaya siya? Sana hindi na lumala yung mga natamo niyang sugat . . . hayst!"
Nakikita na niya ang bukana ng batisan . . . binilisan pa niya lalo ang kanyang pagtakbo, bawat segundo ay importante . . . wala dapat sinasayang na oras sa ganitong sitwasyon! Tumatakbo pa lang ay nakita na niya ang unti-unting pagbagsak ng batang lalaki mula sa kanyang pagkakaupo, Nanlaki ang kanyang mga mata at sinagad na ang pagkaripas. Hindi siya nagdalawang isip na bitawan ang first aid kit at ang bunny plushie sa lupa para asikasuhin ang ngayo'y walang malay uling bata.
"Uy! gising! ano- "
Hahawakan sana ni Kyle ang bata para yugyugin ito nang bigla nitong naiatras ang sariling mga palad mula sa ngayon ay nag-iinit na balat ng estranghero . . . . 'Lagot! may lagnat siya!' Ang pagkataranta niya. Nakasalampak siya sa tabi ng bata, kinakabahan at nag-iisip kung ano ang mauna dapat na gawin . . . pinagmamasdan niya ang itsura ngayon ng bata: Medyo namumula ang kanyang mga pisngi't balat, hindi lang dahil sa nakuha nitong mga sugat kundi dahil sa sobrang init nito . . . pinagpapawisan din ito at panay ang mahina nitong paghingal at panginginig. Mariin namang nakapikit ang mga mata nito, hirap na hirap ang pinapakitang emosyon ng nakahandusay na bata sa lupa. Niyakap ni Kyle ang bata, hindi niya kayang makita ang paghihirap na nararamdaman ng hindi kilala na nilalang. Hinaplos na lamang niya ang ulo nito bilang simbolo ng kanyang pag-comfort rito kasabay ng . . .
"Ssshh . . . andito na ako, magiging okay din ang lahat . . ."
". . . Krr-k-Kyle . . . ?"
Napasinghap si Kyle sa kanyang narinig, akala niya kasi ay walang-malay ang batang yakap niya, matama niya itong tinignan at napansin na medyo nakapikit pa ng kunti ang mata nito ngunit naaaninag pa rin dito ang itim na pupil nito. Napangiti rito si Kyle sabay haplos sa pisngi nito na kahit na nakakapaso ay hindi niya ininda. Parang isang tuta ay dinama ng batang lalaki ang nakakaginhawang mga palad ng batang nagligtas sa kanya.
" . . . m-mainit . . . "
Ang boses na iyon ang nagpabalik sa ulirat ni Kyle sa kakatitig sa batang nasa kandungan niya. Kailangan na niyang kumilos . . . dahan-dahan niyang inilapag sa lupa ang batang lalaki.
" . . . T-teka lang, ayan kr-ka ngh . . . na naman eh, ss-san ka punta?"
"Kumalma ka muna, may kukunin lang ako. Dito lang ako sa tabi mo."
Pagkasabi ng mga linyang iyon ay unti-unti ngang kumalma ang ekspresyon ng batang lalaki. Kinuha naman ni Kyle sa loob ng dala niyang backpack ang tatlong malaking kumot at dalawang bimpo. Nilatag na muna niya ang mga kumot sa tuyong lupa. Nang babalikan na niya ang batang lalaki ay wala na naman itong malay. Napakamot ng ulo rito si Kyle, tila mahihirapan siya ritong hilahin ito patungo sa kumot . . . . kahit may pag-aalinlangan ay ginawa pa rin niya ito. Nang matapos naman niya ito (kahit na hingal na hingal siya dahil sa kalakihan at kabigatan ng bata) ay sinimulan na niyang tanggalan ng damit ang bata. Kahit na may kaunting punit ang ibang parte ng damit at punong-puno ito ng bahid ng dugo ay mapapansin mo naman na de-kalibre at maganda ang tela nito. Sunod niyang kinuha ang isa pang kumot at jacket bilang pantapal pansamantala sa nanginginig na katawan ng bata.
BINABASA MO ANG
Blindly Bound to Him (BoyxBoy/Yaoi) #ON-HOLD
Novela JuvenilMadilim, nababalot ng kadiliman ang kanyang buong paligid . . . Nararamdaman niya ang kamay na bakal na nakahawak ng mahigpit sa kanyang mga palad . . . Pinipigilan ang karapatan niyang maigalaw ito ng malaya, Tila ayaw siyang bitawan nito . . . Hab...