Bound II: Ngiti ng Isang Anghel

815 13 2
                                    

Bound II: Ngiti ng Isang Anghel

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Nagulat si Kyle , akala niya ay walang malay ang bata ngunit tila nagkamali siya. Hindi pa rin iniaalis ng batang lalaki ang pagkakahawak niya kay Kyle. Pinilit nitong bumangon mula sa kanyang pagkakahiga. Napahigpit lalo ang hawak nito, napakislot naman si Kyle sa 

higpit ng hawak ng bata.

"T-Teka lang, 'wag ka munang gumalaw," ang malumanay na pag-suway ni Kyle.

Napahinto ang batang lalaki, Hindi dahil sa paalala ni Kyle kung hindi sa naramdaman nitong hapdi sa kanyang buong katawan. Bumagsak muli siya sa mga nalalatagang dahon sa lupa, kasabay nito ang pag-bitiw niya sa braso ni Kyle.

"Tsss . . . !" Ang pag-ngiwi ng batang lalaki sa sakit habang sapo-sapo niya ang kanyang katawan.

"A-ano . . . Ayos k-ka lang b-ba?" Ang pag-aalinlangan ngunit may halong pag-aalala na tanong ni Kyle habang minamasahe ang tila naabuso niyang braso na kanina lang ay hawak ng bata. Napatingin ng masama sa kanya ang lalaki.

"Sa tingin mo ba mukha akong-OUCH! . . . . okay sa itsura ko ngayon?!" Ang sarkastiko nitong tanong habang inaanalisa ang mga natamong sugat.

Umiling si Kyle bilang tugon.

"Yun naman pala eh, tinatanong mo p- hssss . . . ." Ang muling daing ng bata ng biglang naramdaman niya ang kirot sa kanyang mga sugat. Napakunot noo si Kyle rito.

"A-uhmm . . . sandali lang, d-dito ka muna ha" Ang sambit ni Kyle sabay tayo niya at aktong aalis na muli-

.

.

.

KLAP!

.

.

.

Sa pangalawang pagkakataon ay may isang kamay uli na pumigil sa pag-alis niya, nilingon niya ito.

"Sino ka nga?! Saan ka pupunta??!" Ang matapang na tanong ng bata ngunit kabaligtaran naman ang mababakas sa kanyang mata at katawan. Kahit na nanghihina na ay buong lakas pa ring nakakapit sa kanya ang lalaki. Ang ekspresyon ng mga matang iyon ay alam na 

alam ni Kyle . . . 'pagkat ganun din ang ibinibigay niya sa kanyang mga magulang sa tuwing aalis sila, tanging likod lang nila ang isinasagot sa kanya. Palaging nagtatagal ang kaniyang mga magulang sa kanilang trabaho na umaabot ng isa, tatlo o anim na buwan bago 

makauwi muli. Ang mga matang iyon . . . 

Nagulat ang batang lalaki 'pagkat isang malambot na kamay ang lumapag sa kanyang buhok na may kaunting bakas pa ng dugo, hinihimas ng mga palad na ito ang bawat hibla ng kanyang ulo . . . may halong pag-aaruga at pag-iingat ang bawat dampi nito. Nanlaki ang mata 

ng lalaki at tila napapapikit sa kanyang nasasaksihang liwanag . . . Isang nakakasilaw ngunit maamong ngiti ang ibinigay ni Kyle sa bata sabay sabing:

"Ako nga pala si Kyle, Kyle Lorenzana. Huwag kang mag-alala, hinding-hindi kita iiwan . . . Babalik at babalik din ako sa iyo, Pangako iyon."

Dahan-dahan na binitiwan ng batang lalaki si Kyle.Siya din namang pagsisimula ni Kyle maglakad palayo rito, ngunit bigla itong lumingon. 

"Basta andyan ka pa din ha pagbalik ko okay, 'wag kang aalis kukuha lang ako ng lunas . . . Sige!" sabay ang tuluyang pagtakbo ni Kyle papunta sa direksyon ng kanilang bahay, may ngiti ito sa kaniyang labi. Sinundan lamang siya ng tingin ng bata.

tbc . . .

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

A/N :

Ayun, i bet bitin ang pagbasa niyo sa chapter 2 na ito ng Blindly Bound to Him. Hehe wag kayong mag-alala kasunod na nito ang Chapter 3. Salamat sa pagbasa ✌(◕‿-)✌

 

(Yung nakikita niyo sa pic, yan yung misteryosong bata. don't worry buhay pa siya :D)

tandaan, kaibigan niyo ang vote, comment, at reading list buttons XDD

Blindly Bound to Him (BoyxBoy/Yaoi) #ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon