A/N: Here's the new chapter 2! Kung reader na kita dati at nabasa mo na yung part na to dati, I suggest na basahin mo ito uli kasi may dinagdag akong parts na tingin ko naman ay importante at makakabago sa takbo ng story na'to. Anyways, may nagbabasa pa ba? Comment naman kayo jan! I just want to know your thoughts. Follow niyo rin ako ng sa twitter and mamimili ako ron ng reader at idededicate ko sakanya yung next chapter.
Twitter: @kokisnkrem
Chapter 2
“Princess Chloe Mercado, ikaw ba yan?”
Nanlalaki ang mga mata neto habang tinuturo ako. Napangiti na lang ako at napailing.
“Hindi mo ba ako papapasukin?” Nandito lang kasi ako sa labas ng gate.
Pumikit pikit pa siya bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa at paa hanggang ulo. Lumabas pa ang loko at inikutan ako. Talagang kinilatis ako netong mabuti.
Ano bang problema neto?
“Nahihilo ako sa’yo.” Naiinis na sabi ko.
“Ikaw ba talaga yan?”
“Hindi, anino ko lang to.” Pilosopong sabi ko.
“Ah,” Napakamot siya sa batok. “ Sabi na e. Sige, ikamusta mo na lang ako sakanya! Bye!” At bigla siyang pumasok sa gate at sinara ito.
Anak ng--
“HOY CHAD BUKSAN MO NGA TONG GA—“
Biglang bumukas yung gate, “Ikaw nga!” At talagang natuwa pa siya?!
“Tumabi ka nga jan!” Tinulak ko siya papasok at dire-diretsyo na akong pumasok sa loob.
Pagod na nga ako sa byahe tas ganito pa yung bubungad saakin? Imbes na nagpapahinga na ako sa loob e!
“Teka sandali lang—“
Natigilan ako ng may makita akong aso. “Grrrr, arf arf!” Maliit lang ito at may kapayatan.
Kailan pa kami nagkaroon ng aso?
“Sabi ko sa’yo sandali lang e.” Binuhat niya yung aso at hinimas sa ulo. “Michelle! Friend siya okay?” Sabi pa niya. Napailing na lang ako at dumiretsyo na papasok sa loob.
“Good boy.” Rinig ko pang sabi neto.
Michelle tapos good boy?
“Ma?” Tawag ko pagkapasok na pagkapasok ko. Hinanap ng mata ko si mama pero hindi ko siya makita.
Nasaan kaya yun?
“Si Mama?” Tanong ko kay Chad ng makapasok na siya sa bahay.
“Nasa kusina, naghahanda ng tanghalian.” Tumango na lang ako at pinapatuloy yung pagpasok ko sa loob.
Nanibago ako bigla. Madaming nadagdag na gamit at may iilang nabawas din. Napangiti naman ako ng makita ko pa rin yung mga pictures namin na nakasabit sa dingding.
Sobrang namiss ko to. Ang tagal ko na rin hindi bumalik dito. Simula kasi nong kinasal kami ni Andrew e don na kami tumira sa sarili naming bahay. Iba pa rin talaga pag nasa kinalakihan mong bahay ka.
“Bakit ang tagal mo sa labas, Chading?” Natawa naman ako sa narinig ko. Chading is Chad’s weird nickname.
Lumabas si Mama sa kusina. Nakita kong natigilan siya ng dumako saakin yung mga mata niya. Nginitian ko siya. Dahan dahang nilapag ni Mama yung hawak niyang mangkok sa lamesa ng hindi pinuputol yung tingin niya saakin.
BINABASA MO ANG
My Cold Husband
RomanceNasasaktan na si Chloe emotionally and physically ng kanyang asawa pero hindi pa rin siya pumapayag na makipaghiwalay dito. Umaasa pa rin kasi siya na babalik ang asawa niya sa dati, yung dating mahal na mahal siya. Pero habang patagal ng patagal ay...