Chapter 3

3.9K 91 31
                                    


Chapter 3

Victoria.

Kahit hindi malinaw ang pagkakasabi niya, alam kong yun yung unang sinabi niya.

Victoria, hindi Chloe. Victoria, hindi prinsesa ko.

Anong meron sa pangalang Victoria at yun yung unang niyang sinabi? As long as I can remember, wala akong kakilalang Victoria.

I sighed.

Malalaman ko rin naman yung sagot pagkagising niya.

Nandito ako ngayon sa labas ng room niya. Nakausap ko na rin naman yung doctor kanina at sabi niya ay may himalang nangyari daw dahil pati siya ay hindi inaasahang magigising ito ngayon. Nagundergo pa siya ng ilang test para malaman kung ano talagang nangyare at kung bakit siya nagkamalay bigla.

Napabuntong hininga ako. Ang importante ngayon ay nagising na siya. Two months na siyang walang malay tapos ngayon na nagising na siya magiging ganito pa ako? Pero kasi..

Sino bang hindi magugulat kung ibang pangalan ng babae ang maririnig mo sa asawa mo?

Umayos ako ng upo. Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto niya. Ayoko munang pumasok. Gulong gulo pa yung utak ko at kailangan ko munang magisip isip.

"Chloe?"

"Tito." Napatayo ako agad ng makita ko yung daddy ni Andrew.

Nginitian niya ako. "Tito pa rin? Sabi ko naman sayo tawagin mo akong Daddy e."

"Sorry po, hindi lang po ako sanay Daddy." Nahihiyang sabi ko.

Siya yung stepfather ni Andrew. Siya yung tumayong tatay ng asawa ko simula nong mamatay yung totoong tatay ni Andrew. Kahit hindi totoong anak ni Tito, well I mean Daddy si Andrew e tinuring pa rin niya itong sariling anak and that's amaze me a lot. As far as I know hindi naging madali yung pinagdaanan nila dati pero the important part is, okay na sila.

Siya yung unang tinawagan ko kasi I know na may emergency na pinuntahan si Mommy---which is yung Mommy ni Andrew pero tinext ko na rin naman siya.

"Don't be sorry for that Chloe. By the way, kamusta na si Andrew?" Then sumilip siya sa loob. "And why are you here? You supposed to be inside."

"The doctor said he's fine. Tinurukan lang siya ng pampakalma kaya wala po siyang malay ngayon. And about me here outside? Nag-iisip isip lang po ako kaya ako nandito."

Hindi naman na siguro niya kailangan malaman yung nangyare kanina.

"Alam na ba ni Karen to?"

"Hindi ko pa po alam kasi tinext ko lang po siya. Hindi ko na po siya tinawagan kasi may emergency daw po siyang pupuntahan."

"I see, sige I'll just talk to her later." Umupo siya sa inuupuan ko kanina kaya naman umupo na rin ako sa tabi niya.

"Kamusta ka naman?"

"Okay lang naman po ako.

"Pumayat ka ata ah?" Tumawa ako ng mahina.

"Madami na rin pong nagsasabi niyan."

"Pinapabayaan mo na yata yang sarili mo. Nako, lagot ako neto kay Andrew pag gising niya. Baka isipin non pinapabayaan namin yung prinsesa niya." Umarte pa siyang takot na takot. Natawa naman ako.

"Ako na pong bahala sakanya Dad."

"Kumain ka na ba?"

Tumingin ako sa wrist watch ko. 9:32 am na rin pala. Ang bilis ng oras. Mukhang napatagal yung pag stay ko rito sa labas.

My Cold HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon