Chapter 1

9.2K 126 47
                                    

A/N: Grabe ang talkshit ko talaga. Sabi ko 8-9pm ako mag uupdate tas 10pm na tas heto ako pa-update pa lang. Sorry po! Anyways here's the new chapter one! Mejo edited siya so if I were you basahin niyo uli.

Twitter: @kokisnkrem

Chapter 1

“Chloe? Clows gising na.” Nakaramdam ako ng pagtapik sa kaliwang balikat ko.

“Hmm…” Tumagilid ako para mas maging komportable ang paghiga ko.

“Hoy Clows, gising na!” Lalong lumakas yung pagtapik neto saakin kaya medyo nakaramdam ako ng inis.

Dahan dahan kong dinilat yun mga mata ko. Unang bumungad saakin ay ang nakangunot noong mukha ni Liana. Sabi na e, siya lang naman yung tumatawag saaking Clows.

“Sa sofa ka na naman natulog.”

Umupo na ako kasi alam kong hindi na ako titigilan ni Liana. Ang sakit ng batok at likod ko. Sumandal ako sa inuupuan ko at humikab.

“Puyat ka na naman no?” Umupo siya sa tabi ko. “By the way, may pinadala akong pagkain kay Manang. Alam ko namang sawang sawa ka na sa mga pagkain dito sa hospital kaya nagpadala ako. Don’t worry maya maya nandito na yun si Manang, may binalikan lang kasi siya sa kotse kaya nauna na ako pumunta rito.”

“Salamat Lia.” Sinilip ko yung taong nakahiga sa kamang nasa harapan namin. Napabuntong hininga na lang ako nang makitang ganun pa rin ang kalagayan niya.

“Any improvements?” Napatingin ako sakanya at malungkot na umiling.

“Ganun pa rin.”

“Don’t worry Clows, babalik din tayo sa dati. Magiging maayos ulit ang lahat.” Pang-eencourage niya. Nginitian ko lang siya.

Ganyan na ganyan din yung sinabi niya saakin last month.

“Sana nga.”

“Gusto mo bang umuwi? Ako muna ang magbabantay dito kung gusto mo.”

Mabilis akong umling. “Ayoko.”

“Sigurado ka?” Ngumiti ako at tumango.

“Wala ka bang balak na pumuntang CR?”

“Huh? Bakit?”

“Hindi ko alam na may mas chachaka pa pala sa mukha!” Tumawa siya. Tiningnan ko siya ng masama.

“Joke lang! Ito naman masyadong seryoso!” Natatawang sabi niya. Inirapan ko na lang siya at pumunta ng CR.

Pagkapasok ko sa CR, tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. Ang gulo ng buhok ko at may muta pa ako sa mata. Ang oily ko na rin. Napabuntong hininga na lang ako at naghilamos at nagmumog na.

Tiningnan ko ulit yung sarili ko sa salamin. Maya maya pa’t hindi ko na napigilang hindi umiyak. Two months na kami rito, at hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising.

Bwiset!

Totoo palang pag nakaramdam ka ng sobrang saya, babawiin din ito agad.

My Cold HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon