The First Abortion

949 27 13
                                    

11 months and 6 years ago...

Umuulan sa labas ng clinic.

Isa itong maliit na paanakan. Pero yung mga doktor dito sa Pasay may well-known sideline. kung hindi umobra ang Cytotec at Pamparegla syrups sa Quiapo, dito ang bagsak mo, sa isang masalimoot na klinika na sinasadya ng mga desperado.

Andito si Lea para magpa-abort.

Bukod sa hindi siya financially ready magsilang ng isa pang palamunin, wala rin siyang baby daddy na mapapakilala sa friends and family. Hindi normal ang pregnancy na ito, masyadong strange, yun ang saloobin ni Lea.

Isang katerbang Cytotec na ang kanyang nainom, humilab lang ang kanyang puson at nautot. Walang bleeding na nangyari. Walang lumabas. Life's not fair.

"Ikaw ba si Lea?" Suspicious sa kanya ang receptionist, "Pano mo nalaman klinik namen?"

"Referral po." maamo na sagot ni Lea.

"Sino nag refer?" May follow up question pa.

"Yung opismeyt ko po si Peggy."

Napatango ang receptionist, "Takot kami ma raid eh. Kaya careful kami."

Inabot sa kanya ng receptionist ang patient scrubs, yung hospital gown ba na bukas sa likod at expose ang pwet mo, hesitantly kinuha ito ni Lea.

"Si Peggy pala, yeah suki nga siya ni Dok." sabi ng receptionist matter-of-factly, "May discount card na nga si Peggy dito, naka oven toaster na nga siya sa dami ng points na naipon."

Natahimik na lang si Lea. Wala siyang balak mag ipon ng shopping points, gusto lang nya matapos ang kanyang nightmare.

"Dok, will see you now Lea."

Tumayo si Lea at sinundan ang receptionist. Pumasok sila sa isang silid, may mga reproductive charts ang mga walls nito, may kama na may stirrups at may mga used na kagamitan na may dugo-dugo pa. Itinabi ito ng receptionist.

"Peak season kasi kami ngayon," nag-clatter ang mga used basins at mga bloody medical instruments, binagsak lahat ito ng receptionist sa isang sink at binuksan ang faucet. "shet ubos na ang Joy dishwashing liquid."

Isinira na lang niya ang faucet at hinarap nito si Lea, "Magtanggal ka na ng panty Lea at iangat mo na ang mga paa mo sa metal stirrups."

Lumabas na ang receptionist sa kwarto. Sinunod naman ni Lea ang commands. Hindi niya makuhang mag relaks. Finally, pumasok ang doktor.

"Hello Miss Lea. Ilang buwan ka na?"

"5 months na po."

Napaismid si Dok.

"Baket ngayon ka lang pumunta? Hinintay mo pang mag 2nd trimester." Kinapa ng doktor ang kanyang tiyan, "Malaki na ang ulo nito, naka breech ang posisyon sa ngayon."

Lalong ni-nerbyos si Lea."Gawin niyo na lang po ang kailangan gawin."

The doktor nodded.

Pumunta ito sa table sa gilid ng bed, may isang suction machine dun at mga kung anu-anong forceps. Kumuha ito ng IV line at tinurukan ng needle sa wrist si Lea. Sinabit niya ang IV drip sa tabi ng bedstand ni Lea.

"You paid for the full treatment, so naka-IV line na ang anaesthesia mo. Swerte ka dahil usually yung mga regular dito, dilat at gising, walang pampamanhid."

"Relaks, Leah." Fininger sha ni Dok, checking the state of the cervix."You're not in anyway dilated. Sigurado ka ba you drank all those pills we asked?"

"Opo."

"Very well, aantukin ka any moment now Leah. Don't worry pag gising mo tapos na ang lahat." The doktor assured her.

At nakatulog nga si Leah. Nag gloves na si Dok.

Mabilis siya na bulatlat ni Dok with a regular speculum at tinurn ON ang suction machine. Pinasok nito ang loop-shaped na curette ng aspirator at ang catheter tubing na pang drain ng fluids sa cervix ng pasyente. Pero na stuck ito, ayaw ng pumasok any further.

Nagtaka ang doktor.

Hinila niya palabas ang elastik tubing, putol ito. Parang kinagat ng kung ano. Sumunod nun nahulog ang curette sa floor.

Nanlaki ang mata ni dok.

Kumuha ito ng bivalve vaginal speculum na pang open lalo ng cervix, finorce niya na mag dilate ang pukengkeng ni Lea.

Mga ilang centimeters din ang nilaki enough to hold the gap and free his surgical hands, nagmamadali si Dok kasi hahabol pa ito sa Mater Dei prayer meeting ng kanyang asawa. Hinanda nito ang hemostatic forceps at ang Jardine's decapitation hook with knife na pang severe ng vetebrae at other very soft tissues. Hopefully in a few minutes, he wil finally get things done.

Then nakita niyang gumalaw ang tiyan ni Leah, pinagmasdan niya ito, may kakaibang movement ang nangyayari sa tiyan ni Lea.

Hindi na ito nagpaligoyligoy pa, isinuksok muli ni Dok ang curette ng suction machine sa loob ng vajayjay. Naghihintay na lang ito na magflow ang dugo palabas, pero wala. Instead tumigil ang motor ng suction machine, stuck ang prong sa loob, hindi niya mahila palabas.

"Anak ni Janis, naman oh." ani ni Dok sa sarili.

Pinasok ni Dok ang kanyang fingers sa loob, kinapa niya kung saan na stuck ang prong. Pero iba ang nakapa niya, naramdaman niya na may sumipsip sa kanyang fingers. Parang baby na gusto mag thumbsuck. B-baby?

Kinilabutan bigla si Dok.

Hindi na niya mailabas pa ang kanyang fingers. Sumigaw ito sa sakit, hinila niya palabas ang kanyang kamay ng full-force. He then held his hand up against the light of the lamp. Butas na ang gloves at wala na ang kanyang thumb and forefinger. Para itong ninaknak ng kagat ng isang gutom at wild na hayop.  Anu bang pukengkers ito may sa demonyo!?

Napatingin si Dok sa pwerta ni Lea, lalo lumaki ang dilated na cervix, madilim ang loob nito from his angle. Pinagmasdan ni Dok ang pwerta ng mabuti, saka niya biglang naramdaman na parang may nanonood sa kanya. Then it happened, nag crowning.

Niluwa ng cervix ang suction prong, ang drain pipe at sumunod dito nag-crowning ang ulo ng fetus. Kusa ito niluwal ng katawan ni Lea. Nahulog ang duguang fetus sa floor. Napa-step back si Dok.

Natawa sa sarili. Anu ba ang kinakatakutan niya? Maliit na fetus? Pang ilang abortions na niya ito.

Nagtataka niyang pinulot ang fetus, hinila niya itong pataas gamit ang umibilikal cord nito. Deformed ang baby parang mishmash of flesh. Parang teratoma na tinubuan ng face and limbs. Eeew. Kumuha ng scissors si Dok, puputulin na niya ang umbilikal ng biglang gumalaw ang fetus.

Natigilan ang doktor.

Nasa harap ng mukha niya ang naka-dangle na fetus. Umikot ang puny nitong ulo at hinarap siya. Nakita ng doktor ang mala-demonyo nitong glowing red eyes.

Hilakbot na hilakbot ang doktor, gusto nitong sumigaw pero napangunahan siya ng takot. Bigla pumulupot sa kamay niya ang umbilikal, humaba ng humaba ito hanggang umabot sa leeg niya.

Nagpipiglas ang doktor.

Hindi na ito makahinga sa higpit ng litid ng umbilikal sa kanyang neck. Then ginapangan sha ng fetus sa mukha, nanlilisik ang mga maliliit nitong mga mata. Ito na nga ang kanyang katapusan!

Isang malakas na sigaw ang narinig ng receptionist, dali-dali itong pumasok sa silid. Nangilabot siya sa kanya nakita, halos maihi ang receptionist sa salawal. Unti-unti siyang nilapitan ng maligno, gumapang ito towards her. Pero hindi siya maabot nito dahil nakadugtung ang umbilikal nito sa katawan ni Lea. Chance na niyang tumakas. Pero too late dahil humaba muli ang litid ng umbilikal, kumapit sa kanya ang maligno, hinubaran siya gamit ang fangs at hinanap ang kanyang suso. Napasigaw ang receptionist.

Gutom nga naman ang sanggol naghahanap ng gatas ng ina.

--- --- ---

Hours later, nagising si Lea.

Napabalikwas ito, nagulat dahil nasa tabi niya sa kama si Dok. Yung pugot na ulo ni Dok.

Pinilit ni Lea ibangon ang sarili, nanghihina pa siya dahil sa anaesthesia. Napaluhod ito sa floor, dun niya nakita ang dami ng dugo.

Dugo everywhere. Dugo ba niya ito? O dugo ni dok?

Dito na nakita ni Lea ang lasog-lasug na katawan ng doktor. Pieces of him nakasambulat na parang inabort na laman loob.

Napasigaw si Lea.

Tumakbo ito papuntang pinto. Wala siyang panty at masakit ang kanyang pwerta. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang isa pang patay, ang receptionist na dilat ang mata, nakabukaka ang legs at duguan ang suso na parang winarak ng isang hayup. Nasuka si Lea sa nakita. Hindi na niya makuha pang magbihis, kinuha na lang niya ang kanyang bag at tumakbo palabas suot pa rin ang patient scrubs.

Tumakbo si Lea sa kadiliman ng Pasig. Wala pa rin siya sa katinuan. Anu ba ang nangyayari?

Natigilan si Lea. Humilab ang tyan nito. Dito niya na realized na buntis pa rin siya. Buo pa rin at snug sa loob ng matris niya ang baby. Nasa sinapupunan pa niya ang batang hindi niya alam pa'no nagawa?

Nadapa si Lea, sukong-suko na siya, masaket talaga ang pekers niya parang namamaga.

Naiyak ito.

Biglang out of nowhere may tumambad na headlights ng kotse. Lumabas dito ang isang makisig na lalaki, yung OB Gyne na ayaw niya, si Dr. Gary Bolivar.

"Lea, come with me." Inalalayan siya ni Dok Gary, "Can you walk?"

Nanghihina si Lea, binuhat na lang siya ni Gary papunta sa kotse. Ang heroic naman!

"Anu nangyayari?" helpless na helpless si Lea, "Why me?"

"Don't worry, Lea." Gary assured him in his soft, soothing voice, "Let's talk about it sa kotse. We need to get you out of here."

Not far, maririnig ang wang-wang ng ambulansya at kapulisan. May point nga naman si Gary. Anu nga naman gagawin niya? Maghintay sa abortion clinic ng rescue? Makukulong pa siya sa lagay nito.

They drove away from Pasay city as fast as they could. Sa front seat, nonstop ang pag-iyak ni Lea.

Tiyanak, Tiyanak Pa'No Ka Ginawa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon