Nilangaw na Puso

897 26 5
                                    

Nairita na si Dok Gary sa kakatawag kay Deborah, ring lang ng ring ang phone nito. Narindi na rin ang tenga niya dahil puro ringtone lang ng "Somewhere Down the Road" ang naririnig nito. Na call-divert na naman siya ni Deborah.

At san lupalop na kaya si Deborah? Badtrip na badtrip si Dok Gary, Pambihira namang babaeng 'to, bigla na lang nawala, siya naman nag sched ng lakad. Napano kaya 'yon?

Worried na worried ang hunky doktor. Minsan di niya gets ang mga moodswings ni Deborah. Si Dok Gary kasi yung tipo na sweet lover na kung may tampuhan, eh aayusin kaagad. Ayoko nya kase yung simpleng mga bagay ay pinapalaki pa, simmered in sama ng loob until sumabog. Yes, iwas siya sa mga ganung sitwasyon, ang mga babae na naging gelpren nya ay may mga ga'nong tendencies, hindi magsasalita until sumabog-in-your-face na levels ang galit.

Baket pa ba ako magpapakasal? Ayoko na ng babae. Stress lang 'to sa buhay jusko.

Kungdi lang sa mga hot nights nila ni Deborah, siguro matagal na silang nagkahiwalay. May mga bagay-bagay talaga sa buhay na men can't live without.

Inadjust na naman ni Dok Gary ang kanyang pants, hirap paghapit yung skinny jeans tapos nagka-boner ng wala sa oras. Ganito talaga ang epekto ni Deborah pag na-stre-stress siya. Naiisip lang niya ang kanyang gelpren, nag-hi-hi-ho-silver away na ang kanyang long ranger.

Nag ring ang phone ni Dok Gary.

"Hello Deb," ani nito.

"Gary, si Lea 'to."

"Aah sorry, akala ko-"

"Okay lang, won't take up your time, nasa Robinsons Place kami ng mga bata. Baka kasi magulat ka pag-uwi mo eh, wala pa kami." Apologetic si Lea, "Antrapik kasi."

"Well that's good though, nag-malling kayo. You know what daanan ko na lang kayo dyan, pauwi na rin naman ako. Just give me 3 hours. Trapik kasi."

"Okay lang, nood muna kami ng sine."

"Sige, bye Lea."

"Bye Dok."

"Lea, just Gary."

"Okay, Gary."

- click -

Itinago na ni Dok Gary ang kanyang phone, halos hindi niya ito masuksok dahil ansikip talaga ng kanyang skinny jeans.

6 years and ngayon lang niyang inoffer kay Lea na tawagin siyang Gary. Though minsan pag may heated arguments sila ay tinatawag sha ni Lea na Doktor Garywell Bolivar. Yung full name nya. Nakakarindi nga naman, nakakataas ng blood pressure, alam ni Lea kung pa'no siya inisin ng todo. Though six years na ang kanilang patient-doktor relationship ay never sila naging close, like close friends, or chummy friends or even the slightest bit intimate. Ang relationship nila ay parang pren-of-a-pren lang, yung tipong kabarkadang inuwi ng kuya mo sa bahay kasi lasing na at di makauwi. Tapos ikaw yung magpapainom ng kape para matanggal ang amats. Well parang ganun ang relationship ni Lea at Gary.

Nag-drive na papuntang Antipolo si Gary. First stop, Robinsons Place. May inexplicable smile si Dok Gary sa face, looking forward sha makahalubilo si Ojie at Maya.

Gamechanger nga ang sitwasyon ngayon, maaaring maging close friends na sila ni Lea since nasa iisang bubong na sila from now on. Cute para kay Dok Gary ang konseptong may adopted family siya.

Well, actually, yung dinadala ni Lea is family.

Blut ist dicker als Wasser, naisip ni Dok Gary ang katagang Deutsch na yon, Blood is thicker than water. Kin-blood has stronger ties and needs. And hindi papabayaan ni Gary ang kanyang kindred. Pero hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ni Lea ang lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tiyanak, Tiyanak Pa'No Ka Ginawa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon