9 months and 6 years ago

1.1K 34 5
                                    

O sige, mag-throwback tayo, as in superduper throwback Thursday- flashback to 9 months and 6 years ago.

Like I said and want reiterate, our maternal horror story begins 9 months and 6 years ago noong una ramdaman ni Lea ang early signs of paglilihi.

That day medj nahihilo siya sa MRT at late na siya sa work. Medj humihilab puson nito parang may dysmenorrhoea lang, yun bang masakit ang puson to the max (dahil possibly hindi ka na virgin at nakaladkad na ng tren ang inside ng matris mo). Pero tiis tiis lang dahil basics yan ng pagiging babae, walang kinalaman ang virginity sa dysmenorrhoea FYI, talagang natural lang na kalbaryo ang pains ng monthly puson.

In case, one week delayed na siya ever since... ever since that night. ZOMG!

Dun niya na realize what this could possibly be, medj di niya na take ang possibility that she might be preggers with her 3rd child.

Guadalupe station, Guadalupe station...ani ng announcer sa MRT station.

Yun na ang huling narinig ni Lea at bumigay na ang pangangasim nito at sa isang iglap, sinukahan lahat ng katabi at katapat niya sa MRT. BLAAAHRRRGGGH!

Nag sigawan ang mga tao, nag panic dahil parang hose ng bumbero ang lakas ng buga ng suka. Amoy acid din ito parang balut na binabad sa sukang pinakurat.

Eventually natumba din si Lea, basang-basa sa sariling suka na may konting bits pa ng mais, gulay at extra rice. Dahil madami siyang nasukahan, walang tumulong dito. Lahat ng tao nanlilimahid sa kakaibang asido ng suka ni Lea. Hinintay na lang ng mga pasahero ang emergency services ng MRT.

Nagising na lang si Lea sa MRT ticket office, pinapaypayan siya ng isang babaeng sekyu at wini-wisikan ng white flower. Nahimasmasan na rin siya sa wakas.

"What happened?" aniya, medj nanghihina pa ang loka.

"Hintay ka lang dito, puno pa ang mga ambulansya sa baba." Nakapag-roger roger pa ang ladyguard sa kanyang radyo, in between sa paghithit ng white flower at aruga kay Lea. Multi-tasker ang sekyu.

"Madami nalason. Hindi kami sure. May nangyari sa loob ng 4th cart, yun sinakyan mo. Ikaw lang nag-survive."

"Hah!?" shock so much si Lea.

"Most of them nawalan ng malay, nag seizure, kumbulsyon, nagsuka ng dugo. Tingin namin nalason ang mga ito in some way." ani ng babaeng sekyu in all seriousness, matalino siya in fairness dahil sa gabi nag-aaral ito ng kriminology sa Cubao. One day, she might in her brightest dreams become an NBI agent.

Pero at that very moment humilab ang puson ni Lea, hindi ito magandang pangitain.

"Alicer," sabay hawak ni Lea sa kuwelyo ng ladyguard. Dahil sa pain nakatutok na lang ang  paningin ni Lea sa embroidery ng badge nito. E. Alicer ang nakalagay at ang security agency nito ay ang Aglipay SafeHaven. "Alicer, plis dalhin mo na ako sa ospital. Parang awa mo na."

Napansin ng ladyguard ang dami ng tagos ng dugo na nagmumula kay Lea. Nag radyo na agad si Alicer.

Tiyanak, Tiyanak Pa'No Ka Ginawa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon