Tiyanak, Tiyanak Pa'No Ka Ginawa?

2.5K 71 25
                                    

Busy day na naman for Lea dahil kindergarten graduation na kanyang bunsong junakis na si Maya.

In fact, busy sa ka-ka praktis ng graduation speech itong si Maya-

"Dear Parents, Titsers, Classmates and Prens! Welcome to the Super Mababang Paaralan ni Binay Elementary Daycare Iskul!"

Yada, yada! so ingay ni Maya. It is however her day. Todo ayos sa kanya ni Lea- binilhan pa niya ito ng P800 na Santacruzan style gown sa Divisoria na puno ng sequins at glitters. Talo pa si Kuya Germs! Sobrang sabog sa glitters na for sure may glitter lung na si Maya.

Dahil dito mega-tantrums na si Ojie, ang tween son ni Lea. Almost bigotilyo dahil naglalabasan na ang mga buhok nito sa kilikili at singets, at amoy klorox na rin ang kanyang kwarto. Dahil nagbibinata na ito, ayaw na niya mag laro ng Adbentyur Time with Finn at Jinggoy sa kanyang PSPVita at gusto talaga nya ay maglaro ng Call of Duty. Feeling ng paslit, anytime now tutubuan sha ng bigote na sing labong ng balbas saradong niyang video game hero na si Soap MacTavish. Wish lang nya!

Pero nakatikim lang na ito ng mura mula sa kanyang ina, "Pakshets mo bata ka! Puro patayan inaatupag mo! Magbihis ka na dahil graduation na ni Maya at trapik sa EDSA!"

Kever na lang si Ojie at sinuot na lang ang kanya headphones. Sanay na ito sa pagwawarla ng mudrabels na si Lea.

Oo nga pala, si Lea ay siyam na buwang buntis. She has been nine months pregnant the last six years. Yezz anezz, six years na nagdadalantao at hindi pa rin ito nanganganak. Maybe not even this year, who knows?  Kahit si Enrile hindi awares na nilayasan na sha ng kerida niya na si Gigi! Ganun levels bah!

Ito din ang ang reason kung bakit sila palipat lipat ng tirahan. Minsan nga hatinggabi pa sila kung maglipat. Pero alam ni Ojie ang totoo, mas mahal ng kanyang ina ang kanilang bagong bunso, si Igi Boy.

Kever na lang si Ojie dahil simula ng dumating si Baby Igi Boy sa kanilang life ay guminhawa ang kanilang buhay. Kung dati naka tsinelas lang ito pumasok ngayon Adidas na ang kicks. Ang nanay dati Secosana ang bag ngayon mala-Janet Napoles ang peg, naka Prada na si Mama. Ang tinatagong swerte ni Lea ay ang namumuong dalubyo na nasa loob ng kanyang tyan.

Tiyanak, Tiyanak Pa'No Ka Ginawa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon