Chapter: 3

1 0 0
                                    

Dali daling pumasok si Zebiana sa silid na eto.

"Kelly pi-pinayagan na tayo! Pinayagan na tayo ng kapatid ko"

Bigla akong napatayo at yumakap sa kanya.

Sabay kaming tumalon na parang bata.

"Makakalabas na ako sa kwartong to." Masayang saad ko.

"Makakalabas na rin ako sa palasyong to" nawala ang aking ngiti ng marinig ko ang sabi Zebiana.

"Hindi ka pa bah nakakalabas sa palasyong eto? Zebiana?"

Umupo si Zebiana at mariing naka duko.

"Ng mamatay ang aking mga magulang ay hindi na ako naka labas pa sa palasyong eto. Wlang kalayaan kong ganun." Hinawakan ko ang kamay nya at simula na ring lumuha ang aking mga mata.

"Zebiana naiintindihan kita, naranasan ko rin ang mga naranasan ko" pilit akong ngumiti sa kanya.

"Mag handa ka na Kelly, lalabas tayo sa palasyong eto. Napaka saya ko ngayon Kelly ng makita kita sa hardin ng aming plasyo ay alam kong ikaw ang magiging susi sa pagkakakulong ko dito." Napangiti ako sa sinabi ni Zebaiana.

"Napaka saya ko rin ng makilala kita Zebiana para na kitang kapatid." Ngiting sabi ko.

"Sabi ng aking kapatid na hari mga dalawang araw tayo sa empiryo ng mga Mc Harthie" saad nya na nag iimpaki na ng mga gamit

Ngumiti lamang ako. Bakit ba ang saya saya ko sa mga oras na eto para akong tinatawang ng lugar ng mga bampira parang may hinahanap ang katawan ko na hindi ko mawari.

Maka lipas ang ilang oras ay may 5 kawal ang sumundo sa amin kinuha nila ang mga bagahi na inihanda namin sa malayo naming pag lalakabay.

"Makakalabas na tayo Zebiana." Masayang wika ko sakanya.

Lumabas na kami ng kwarto at dahan dahang binaybay ang napaka lawak na Daanan.

Makalipas ang ilang minuto ay nakita na namin ang engrandeng hagdan napaka ganda nito dahil napapalibutan ito ng mga bulaklak na kulay puti at ang carpet na man nito ay may mga dyamante na parang nag katag lamang.

Ng makita ko na ang baba ay nakikita ko na ang Hari hindi ito ngumingiti ngunit nakikita ko sa kanyang mga mata ang kasiyahan, kasiyahan na binigyan nya ng pansamantalang kalayaan ang kapatid nya.

Dahan dahang nag lakad si Zebiana layong layo ang kanyang personalidad sa labas ng kwarto ko. Kung sa kwarto ay para syang makulit at parang hindi na uubusan ng salita ngunit kapag sya ay naka labas na ng kwarto na yun ay bihasang bihasa na sya sa pag lakad at pag arte ng isang tunay na prinsesa.

Yumakap sya sa kanyang kapatid na hari at hinalikan ng Hari ang kanyang noo.

Napaka swerte ni Zebaiana dahil meron syang kapatid na makapaglinga.

Yumuko ako ng bahagya tanda ng pag galang sa Hari ng Angelous.

"Mag-iingat kayo" malamig na sabi ng Hari bago sya tumalikod.

Tatlong gintong karwahe ang nag hihintay sa labas sa gitna pumasok si Zebiana at doon na rin ako.

Ang tatlong kawal na man ay nasa harapan ng karwahe ang ang mga tagasunod ni Zebaiana ay nasa likuran.

Napaka marangya ng pamumuhay nila Zebiana sabay isa syang Maharlika.

"Bakit ganyan ka maka tingin sa Kelly"

"Humahanga lang ako sayo Pinsesa Zebiana" sabi ko.

"Wag kang humanga sa akin kelly humanga ka sa mga Dyosa na nasa taas sila ang mas nakakalamang sa mga nilalang na nandito."

Hindi ko napiligilan ang mag tanong kaya tumikhim ako at naagaw ko na man ang attensyon nya.

"Kapag ba ang Dyosa ay isinumpa? Magiging mababang uri ba sila?"

"Meron ng dyosa ang isinumpa na patuloy pa ring nabubuhay sa mundong eto Kelly"

"Naging mababang uri ba sya?"

"Wlang nakakapag sabi, ngunit saad sa aklat ang mga isinumpang nilalang ay magiging mababa kahit ano ka pa dyosa ka man o bampira." Patuloy pa rin akong humahanga sa kanya hindi lang sya maganda ngunit matalino rin.

"Mas mabuting matulog ka kelly masyadong mahaba ang ating lalakbayin" saad nya sa akin.

"Ngunit prinsesa, paano mo napapayag ang Hari na pupunta tayo sa Lugar ng mga bampira"

"Dahil susunduin natin ang pinaka mahusay na Babaylan, si Esmeralda"

Tumango na lamang ako.

"Pasensya na kong napaka rami kong katanungan mahal na prinsesa"

"Kaibigan kita, wag kang mahihiya sa Akin Kelly"

Hindi ko lubos maisip ngunit naka tulog na lamang ako na may ngiti sa aking labi. Nagagalak ako na may kaibigan akong prinsesa.

***

Nagising na lamang ako ng makarinig ako ng malakas na musika.

Tumingin ako sa bintana ng karwahe at nakikita kong nagsisiyahan ang mga bampira at napaka raming mga bampira ang namimili ng mga kung ano ano.

"Kelly?" Tawag sa akin ni Zebiana.

"Bakit?"  Tanong ko, may kinuha sya ng kung ano at ng mailabas na nya eto ay nakita ko ang kwentas na may itim na bato.

"Ang mga bampira ay nakaka amoy ng sariwang dugo, ang dugo ng mga tao ay nag bibigay ng wlang hanggang Buhay kung ito ay iinumin ng isang bampira." Iniabot ni Zebiana ang isang kwentas na may itim na bato.

"Ang kwentas na ito ang mag kukubli sa iyong presensya hindi ka mararamdaman ng kahit sino mang nilalang ang, Ang Cyberious ay pinamumunuan ni King Leviticus at ang kanyang Reyna na man ay Si Queen Elizabeth Mc Harthie."

Tumango lang ako at pilit na pinapasok ang mga sinasabi ni prinsesa Zebiana.

"Ang mga bampira ay may napaka gandang kakayahan, katulad ng lalaking yan" itinuro nya sa akin ang kawal na nakikipag usap sa mga hayop.

"Sya ay may kapangyarihang makipag usap ng hayop, meron rin silang pang bihirang kakayahan bilis at liksi." Dadag dag nya pa.

"Prinsesa? Bakit napaka rami mong ka alaman sa mga bampira?" Tanong ko sa kanya.

"I found my mate, my mate is not a Angel Kelly he is A vampire."

"Mate?"

Biglang may kumatok sa pintuan at madaling isinuot ng Prinsesa ang kwentas na may itim na bato.

Lumabas na ang prinsesa at nasa likod nya ako ang mga taga sunod na man ay nasa aking likod at ang mga kawal na naka suot ng puting damit ay nasa likod ng mga taga sunod.

"Maligayang pag dating sa Empiryo ng Cyberious Prinsesa Zebiana Amor Verande" sabi ng General basi na rin sa napaka kapal ng kanyang suot.

Nag lakad na si Zebiana at nagulat ako ng hilahin nya ako.

Iniabot nya sa akin ang isang maskara.

"Bakit may ganito pa prinsesa?"

"Itakip mo iyan Kelly upang sa panahon na mag papalit na tayo, wlang sabagal."

"Sabagal?"

"King Leviticus Mc Harthie" yumuko si Zebiana at ganun na rin ako nasa trono si King Leviticus at nasa kanan na man nya ang kanyang magaganda at makikisig na anak.

Arnelbacor4

Dedicated To: Jamelaa Pelayre





DimensionWhere stories live. Discover now