Chapter: 8

0 0 0
                                    

Chapter: 8

Lumapat na ang aking mga paa sa Empiryo ng mga angel (Angelous Empire)

"Pwente ima uste sekto" nawala ang aking mga pak pak at ang mga usok na bumabalot sa akin nag balik ang aking katawang tao.

Sumalubong sa amin ang mga kawal at dali dali nilang kinuha ang Prinsesa na nakahiga nakita ko ang galit sa mga mata ng Hari.

"Mahal na ha---" natigilan ako sa pagsasalita ng i angat ng mahal na hari ang kanyang kamay.

"Alam ko ang lahat! Maraming salamat sa pag pro-protekta sa aking kapatid. Mag bihis ka na hindi nakaka ayang tignan sa isang babae ang madumi." Wlang emosyon na sabi ng Hari.

Pumunta na ako sa aking silid o silid na ipinagkaloob sa silid na ibinigay ng Hari sa akin.

Dali dali akong pumunta sa paliguan at sinubsob ko ang aking katawan.

Hinawakan ko ang aking leeg at nararamadaman ko parin ang labi ng Mahal na prinsipe. Hindi ko namalayan na naka ngiti na pala ako?

Ang bawat pag galaw ng kanyang mga labi ang bawat pag inom nya sa aking dugo matatawag ko ng langit.

Napa ahon na lamang ako ng may isang katanungan ang kumalawa sa aking isipan.

Tumanaw ako sa libro at punyal na nasa  lamisa.

"Bakit parang bihasang bihasa na ako sa kapangyarihan na yun?"

Hinawakan ko ang aking dib dib.

" kaya kong tumawag ng Dyosa?" Di makapaniwalang sabi ko.

Kakampi ng mga Angel ang babaylan na si Esmeralda ngunit bakit kaya nyang makita ang Prinsesa ng mga Angel na hawak ng isa sa mga kalaban at sugatan?

Biglang na agaw ang aking atensyon ng may kumatok sa aking silid.

"Pasok" sabi ko.

"Paumanhin babaylan ngunit pinapapunta ka ng Hari sa hapagkainan."

"Susunod na ako."

Umalis na ang taga sunod at sinimulan ko ng tumayo at mag bihis.

***

"Samahan mo ako sa hapagkainan, Kelly." Sabi ng Hari.

"Ikinilulugod ko Mahal na Hari" tinanaw ko ang buong Lamesa ibat ibang putahi at kung ano pa ang nakahain.

Umupo na ako at ilang minuto ang nakalipas ay nanataling tahimik ang mahal na Hari. Mas nanaisin ko pang kumain sa aking kwarto kaysa sumabay sa Mahal na hari nato.

"Alam ko na kung paano ka makaka balik sa iyong mundo, Kelly." Sabi ng Hari tumingin ako sa kanya at ngumiti. Ngunit ayaw ko pang bumalik sa mundong yun! Isa pa wla na naman akong babalikan.

"Mahal na Hari, Gusto ko sanang wag muna natin iyon pag usapan Ang pagbalik ko sa aming mundo dahil ayaw ko pang balikan ang mundong nag pa-pasakit sa akin."

Natigilan ang mahal na Hari sa pagkain at sa halip ay kinuha ang kulay Asul na inumin.

"Kung iyon ang iyong pasya." Sabi ng mahal na Hari at tumayo.

"Maraming salamat sa pag dalo sa akin, Kelly." Akmang aalis na sya ng may salitang bumitaw sa aking bibig.

"Mahal na Hari, Ano po ba ang Posisyon ni Esmeralda sa iyong empiryo?" Lumingon ang Hari at ngumiti.

"Si Esmeralda ay ang babaylan na pinagkakatiwalaan naming lahat ngunit nag tangka syang paibigin ako. Nalaman iyon ng aking ina kaya tumutol sya. Pinalayas sya sa aming Emperyo ngunit ngayon ang sumpa ni Esmeralda ay nararamdaman na ng mga mamayan ng Angelous kaya pinababalik namin sya at Gusto ko sana sa pag balik nya ay bawiin na ang sumpa ngunit alam ko na hindi nya iyong babawain kaya napag pasyahan ng konseho na ang Hari ng Angelous Empire ay ikakasal sa pinaka malakas na babaylan na nabubuhay rito." Mahabang sabi ng Hari.

DimensionWhere stories live. Discover now