Chapter 5
Nilingon ko sya "bakit ko na man gagawin yun? Lalaki?"
Biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi kong salita, binitawan nya ang kanyang hawak na bulaklak at dahan dahang lumapit sa akin.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya hindi ko pinahalata na kinakabahan na ako ang bawat pag lapit nya ay parang sinsabayan ng pag ihip ng hangin. Ang kanyang maamong mukha ay parang kinikilatis ang aking buong pagka tao.
Napasinghap na lamang ako na aking naoagtanto nandoon na pala sya sa likod ko. Vampire! Naramdaman ko na lamang ang kanyang mainit na katawan at ang kanyang pusong banayad kung tumibok.
"Sino ka babae? Saan ka nag mula?" Tanong nya sa akin.
Bigla akong lumayo sa kanya at tumingin. Naging seryoso ang kanyang mukha. Hindi sya naka tingin sa akin at tila iniiwasan ng lalaking ito ang aking mga tingin.
"Ako ay isang babaylan!" Diin kong sabi.
"Marahil ay ikaw ang kasama ni Prinsesa Zebiana." Ngnumiti sya sa akin. Bakit parang may kung ano ang gumalaw sa dib dib ko? Tumitibok ba ito?
"Hindi mo ba ako nakikilala? Babae?" Hindi ako sumagot. Kaya lumapit sya at hinawakan ang aking kamay.
"Im Moizhen Mc Harthie, your Handsome 3rd prince." Sabay halik sa aking kamay.
Madali kong kinuha ang aking kamay. Iniwas ko ang aking tingin ng Biglang nag init ang aking mga mukha sa kanyang ginawa.
"Hindi ba at sabi mo ay may kapareha ka na? Bakit mo hinahalikan basta basta ang mga babae na hindi mo pa kilala?"
"Hindi ko pa sya nahahanap babae, hinalikan ko ang kamay mo dahil yun ang pag rerespeto namin sa mga babae na nandito. My mate! She suddenly disappear"
"Mate?" Narinig ko na tong sabi ni Zebaiana ngunit hindi ko pa rin alam ang kahulugan.
"Mate, ito ang yung Itinakdang maging kapariha at makakasama mo habang buhay." Ngumiti sya sa akin.
"Ngunit sabi sa akin ng isang babaylan nandito na raw ang aking kapariha ngunit dumaan ang mga araw hindi na nila maramdaman ang presenya nito." Biglang lumungkot ang tono ng boses nya tumingin sya sa nag liliwanag na buwan.
"Paumanhin Principe ngunit ano ba ang yung kapariha?" Tanong ko sakanya nag tataka na rin ako.
"Isa syang ta-" biglang naputol ang kanyang pagkakasabi ng may sumulpot na isang kawal.
"Paumanhin, Mahal na principe pinapapunta ka ni Haring Leviticus sa punong bulwagan." Lumingon ako sa prinsipe at nawala ang kanyang emosyon na kanina nya pa ipinakita sa akin wla syang habas na umalis at hindi ako nilingon.
"Ahhhh--" bigla akong napaluhod sabay hawak sa aking dib dib!
Biglang may lumitaw na mga paa sa aking harapan. Tumingala ako upang makita ko ang kanyang mukha.
"Ako ay dyosa ng oras, wag kang matakot."
***
Habang binabaybay ko ang napaka lawak na Hall way ay nakita ko si Prinsesa Zebiana, naka suot na ito ng isang napaka gandang puting kasuotan.
"Kelly" tawag nya sa akin.
"Prinsesa"
"Bilisan mona, ano pa ang ginagawa mo dito?" Tanong nya sa akin at hinawakan nya ang aking kamay. Binabaybay na namin ang daan papunta sa lugar kung saan magaganap ang kasiyahan, Maharlikang kasiyahan ang aming pupuntuhan kaya naka bihis kami ng magagarang damit.

YOU ARE READING
Dimension
RandomThis is not a fairytale you hoping for! Prepare your self for so much more.