EPEKTO NG PAGIGING SINGLE 💜

0 0 0
                                    

Prologue
📝Zodeb Sanbarra💕
-
-
"A-aray!" Nasubsob ako sa lupa. Anak ng! Taena naman o! Ang epic ng bagsak ko brad kasi na una yung mukha ko kaya pumutok ang ilong ko at bibig. Huhuhuhuhuhu.
"Ayan! 'Yan ang sinasabi kong mag-ingat ka e! Tsk. Ang lampa mo talaga bebe ko." Lumapit saakin ang pinakamamahal ko na lalake at tinulungan niya akong makatayo. Napanguso tuloy ako kasi binebaby niya nanaman ako.
"Ambad mo ihhhh. Kasalanan yon ng bato! Ang tanga kasi! Puta!" Nagulat ako ng halikan niya ako. Aba!
"Sige magmura ka pa! Diba pudpud yang bibig mo sa halik ko. Lumapit ka nga!" Sumunod na lang ako. Inilapit ko yung mukha ko sa kaniya at nilagyan niya ng bandage ang sugat ko.  Maingat niyang inilalagay yon kaya napangiti ako.
"Sa susunod mag-ingat ka na bebe ko ah kasi hindi ko kaya pag mawala ka saakin." Napangiti naman ako kasi ang swerte ko sa kaniya.
"E kung sa ayaw ko? May magagawa ka ba?" Nanghahamon na tiningnan ko siya.
"Tsk. Oo na, ikaw na ang panalo. Sus, kung 'di lang talaga kita lab e!" Kinilig naman ako sa sinabi niya.
Nagulat ako ng buhatin niya ako. Napansin niya siguro na may sugat yung tuhod ko. Ahehehehe, ang sweet talaga ng bebe ko.
Naglalakad na kami ngayon papasok sa bahay namin habang binubuhat niya parin ako. Ay tama! May tanong pala ako!
"Bebe ko, kilala mo ba si Starla?" Nilingon niya naman ako.
"Sinong lalake yan ah!" Natawa naman ako sa sinabi niya kaya piningot ko yung ilong niya.
"Tubol! Hindi yun lalake, 'tong lalakeng 'to talaga! Star yun ano ka ba!" Natatawang sabi ko.
"Star? Ay may ganon pala na star? Isang star lang kasi ang kilala ko e."
"Sino?" Ngnitian niya naman ako.
"Ikaw. Ikaw ang star ng buhay ko kasi ikaw ang nagsisilbing liwanag sa madilim kong mundo. iK4w L4N6 zH4PaT nH4." Nahalikan ko siya tuloy sa ilong dahil sa kilig.
"Enekebe, pere keng tenge." Natawa siya sa sinabi ko kaya natawa rin ako kasi para akong tanga dito sa kwarto kakaimagine. Taena! Wala nga pala akong jowa.

My suggest storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon