Prologue
📃Mine_black20"Alfaro"
Tawag ni Ma'am sa pangalan ko at saka inabot ang report card ko
Dahan dahan kong binuksan ito at napabagsak ang balikat ko sa nakita ko...
84.32 ang average ko ngayon, bumaba dahil ang average ko ng first sem ay 95.63, ang laki ng binaba
Agad ko nalang itong inilagay sa bag at nakinig muli kay Ma'am
Pagka-uwi ko ay inilagay ko ang bag ko sa kwarto at kinuha ang report card ko atsaka bumaba
Kinakabahan ako sa magiging reaction ni Mama at Papa
From kinder to junior high ang tataas ng grades ko, ngayon lang bumaba
"Ma, Ito na po card ko, binigay na kanina"
Agad naman itong kinuha ni Mama at pinakita rin kay Papa
Ilang saglit pa ay tumingin silang pareho sa akin kaya ako napayuko
This is it...Papagalitan na ako
"Ballpen" biglang sabi ni Papa kaya napatungo ako sa kanila
"Ha?"
"Ballpen daw, di ba pipirmahan 'to?" Sabi ni Mama kaya dali dali kong binigay ang ballpen na hawak ko din
Pagtapos pirmahan ay agad nilang binalik iyon sa akin pati na ang card, nanatili lang akong nakatayo at yumuko muli habang nag aantay na pagalitan nila ako
"Ano pang inaantay mo? Umakyat kana doon" Sabi ni Papa na ikinagulat ko
Luh?Yun na iyon? Di nila ako papagalitan?
"H-hindi n'yo po a-ako p-papagalitan?" Utal utal kong tanong
"Bakit ka naman namin papagalitan?"Tanong naman ni Mama
"Bumaba po grades ko, ang laki po ng binaba" Sagot ko
"Oo nga, nakita namin" Sagot naman ni Papa
"Hindi na rin ako makakasama sa Honors" Sabi ko parin
"Oo nga, halata naman" Sagot naman ni Mama
"Hindi n'yo po ako papagalitan?Bumaba na po grades ko at hindi na ako makakasama sa Honors di tulad ng dati" Sabi ko ngunit ngumiti sila at saka nagsalita si Mama
"Pagpinagalitan kaba namin mababago yang grades mo?Hindi naman diba?Pagpinagalitan ka namin mappressure ka lang, pinag aral ka nami para matuto at hindi para ipressure na makakuha ng mataas na grades, kahit nga 80 ka lang jan okay lang sa amin kase nakapasa ka, okay lang kahit bumaba average mo, ang mahalaga ay nakapasa ka, alam naman namin na mahirap na ang mga gawain ngayon kaya bumaba ang grades mo kaya bakit ka namin papagalitan?Tsaka napagdaanan na namin yan, walang mali kung nakakuha ka ng mababang marka, ang mahalaga ay natuto ka. Oh s'ya umakyat kana sa kwarto mo at may gagawin pa kami ng Mama mo" Sabi ni Papa atsaka sila pumasok ni Mama sa kwarto nila
Agad naman akong napangiti dahil sa narinig ko
Ako lang pala nagppressure sa sarili ko, they know what's the best for me.
"ANTHONIA! GET UP!" Napabalikwas ako sa sigaw ni Mama habang nasa likod n'ya si papa
"B-bakit po?"Sabi ko saka umalis sa kama
"Anong bakit?!Ano 'tong report card mo?! 84.32 ang average?! Ang laki halos ng ibinaba tapos mawawala ka pa sa Honors! Nabobo kana ba?! Mula kinder hanggang junior high ang tataas ng grades mo!Ano bang pinaggagagawa mo sa buhay mo?Lumalandi kana siguro no?O naiimpluwensyahan ka ng mga kaibigan mo?The hell Anthonia! Wala ka talagang kwenta!" Sabi naman ni papa
Yan, yan talaga s'ya...I was just imagining things kanina para naman kahit manlang sa pag iimagine ko matanggap nila kung ano ang nakuha kong grado.

BINABASA MO ANG
My suggest story
Fiction généraleitong storyang ito ay actually gagawin ko palang but gusto kong malaman nyo yung Progolue ~actually dalawa kami ng ate zodeb ko ang nagimbento neto so yung ibang story eh ilalagay ko ang name nya para tie pero mas madami po ang akin. ❤diko po malala...