24HOURS

0 0 0
                                    

Prologue
----

naalala mo pa ba yung first  letter na ibinigay ko sayo?
yun yung unang beses na sumulat ako ng sobrang haba para lang ibigay ko sayo.
ngumiti ka pa nung time na yun eh. sabi mo pa "Ang galing mo naman gumawa ng tula nuh?" halos manlumo ako kasi Hindi mo na gets ang mga tulang yun eh.

after 3 days had passed, nag laro tayo ng 24 hours na mag jowa right? tuwang tuwa ako nun and sometimes, nanlulumo kasi pangarap Kong maging babae mo na mamahalin panghabangbuhay.

you told me that time na first time mo yung gawin  diba? you told me na baka ma fall ka sakin at matalo tayo? nagpilit ako ng ngiti kahit parang naluluha nako sa sobrang sakit. pinilit kong huwag maging insecure para Hindi ka ma-turn-off.

12:00 pm tayo nag start ng date sa mall, naglaro pa tayo ng games at kumain sa isang fast food resto eh. tuwang tuwa ka pa habang nakikita mo si pikachu na kayakap ni Nash.

sumagi sa isip ko na sana tayo nalang yun kahit Manika man ay habang buhay silang magkayakap.
pangarap Kong mayakap moko at hagkan Pero alam kong hanggang sa illusyon ko lang yun...

1:02 pm naman tayo nanood ng sine, tuwang tuwa ka pang nanonood ng frozen kahit lalaki ka. Pero I found it cute.
kung ibang tao siguro ang nasa position ko ay ikakahiya ka Pero bakit ako? parang proud ako sa sarili ko kasi parang napakasaya ng puso ko pag nakikita kitang masaya?

2:09 pm tayo nag biyahe papunta sa batanes para doon naman mamasyal. nagkuwentuhan pa tayo habang nasa biyahe diba? parang natutunaw ako sa mga ngiti at parang musika naman sa pandinig ko ang iyong tawa. minsan nga ay iniisip Kong sana ako nalang yung taong makakasama mo habang buhay.

3:12pm tayo nagpahinga sa pinaka malapit na hotel dito sa batanes. tuwang tuwa ka pa nung humiga ka sa malapad at malambot na higaan diba? nagreklamo ka pang nagugutom kana kaya agad naman ako ng order ng kakainin mo. and 12 minutes had passed, dumating na yun staff.
masaya pa tayong kumain nun eh.

4:01pm tayo dumating sa isang resort. naglaro pa tayo ng buhangin at tubig ng dagat? you told me na allergy ka sa pusit at natawa ako ng malakas kasi takot ka sa gold fish?

5:06 pm nakaupo tayo sa buhanginan habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw sa karagatan diba? nakangiti ka pa nun habang kinukuwento mo ang childhood memories mo. nakakatuwa ka kasing pagmasdan kesa sa papalubog na araw.

6:02pm tayo kumain ng halo halo kasi sabi mo gusto mo yung mais doon. natatawa pa nga sayo yung dalagitang tindera dahil sa pagiging isip bata mo. umakbay ka pa sakin nun at sinabi pa ng tindera na bagay na bagay tayo tapos tinanong nya na kung girlfriend mo daw ako Pero sinagot mo ay kaibigan mo lang ako. halos madurog ang puso ko nun.

7:04pm. iniiwasan na kita. Pero alam Kong alam mo yun. di kana tumitingin sakin at ngumingiti man lang. nagkulong ako sa kabilang kuwarto at humagalapak ng iyak. ang sakit sakit dahil Hindi mo naman napapansin na gustong gusto kita – mali… mahal na mahal na kita.

8:34pm ako lumabas ng kuwarto at madilim ang sala kaya naisip kong tulog kana. lumabas ako ng room natin at pumunta sa isang malapit na convenience store.

9:21pm ako nakarating sa isang madilim na park at tanging ang mga bituin at buwan lang ang nagliliwanag. humahampas pa sa mukha ko ang malamig na hangin...

10:00pm ako nakabalik sa resort Pero Hindi ako pumasok sa room natin. umupo ako sa buhanginan at pinapakinggan ang hangin at ang hampas ng alon. tumulo pa ang Luha ko dahil hanggang dito lang siguro tutungo ang pangarap ko. ang maglaro...

11:00 pm tatayo sana ako nang makita kitang nakatayo sa di kalayuan. nakatitig ka sa mga mata ko Pero seryoso ang expression mo. pasimple ko pang pinunasan ang Luha ko Pero nagulat ako nang bigla ka nalang lumapit sakin at hilahin ako palapit sayo kasabay ng pagyakap mo sakin ng sobrang higpit. medyo naririnig ko pa ang mahina mong paghihikbi.

12:00am. hinalikan moko sa labi at sinabing mahal moko. sobrang saya ko nun. eto na pala ang sinasabi nilang ‘when the game begins, there's you win ’ naiiyak ako sa sobrang saya dahil natupad na ang hiling ko… ang maging iyo ako…

My suggest storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon