DEAL THAT BREAKS MY HEART, HEARTS THAT BREAKS THE DEAL"

0 0 0
                                    

"Eh kasi nga hiniwalayan n'ya nalang ako ng basta basta! Wala s'yang binigay na kahit anong dahilan!" sabi ko sabay iyak sa lalaking kaharap ko ngayon

"Shhh tahan na, okay lang 'yan" pag aalo sa akin nito

"Hindi okay 'yun! Iniwanan n'ya ako kahit na wala naman kaming pinagtatalunan! Wala rin naman akong ginawang mali!"

"Baka naman may matindi lang s'yang dahilan kaya hindi n'ya masabi sa'yo, tahan kana"

----------

"Dito tayo kain Meys, masasarap mga pagkain dito!" sabi ng lalaki sa harap ko

Dalawang buwan na mula ng makilala ko itong lalaking ito sa isang park kung saan nakita n'ya akong umiiyak dahil sa ex boyfriend ko. Nang mga panahong iyon ay nakita ko rin s'ya na umiiyak pero inalo n'ya ako at pinatahan ng makita n'ya ako. Pagkatapos noon ay naging magkasunod kami at naging magkaibigan

"Sige, siguraduhin mo na masarap talaga d'yan ah! Kundi tatamaan ka sa'kin Dylan!"

"Bakit ka nga pala umiiyak nung makita mo ako sa park? Nung una tayong magkita," tanong ko sa kalagitnaan ng pagkakain namin

Tumahimik ito saglit at nakita ko ang lungkot at lumbay sa mga mata nito

"Yung babae kase na mahalaga sa buhay ko ay iniwanan na ako"

"Sobrang sakit ng nararamdaman ko noon pero nang makita kita na umiiyak ay mas pinili ko nalang na tabihan ka kase alam ko yung pakiramdam na walang kasama sa mga ganoong pangyayari" dugtong n'ya

So iniwanan din s'ya ng girlfriend n'ya that time? Tapos imbes na mag emo s'ya ay mas pinili n'ya nalang na pakinggan yung mga hinanakit ko tungkol sa ex boyfriend ko

"By the way, wala ka parin bang balita sa boyfriend mo?" pangingiba nito ng topic

"Wala, pinutol n'ya na kung koneksyon namin" sagot ko at tumahimik lang s'ya

"I miss him..."

"Okay lang 'yan, ubusin na natin itong pagkain dahil lalamig na ito" sinunod ko naman s'ya at kumain

Nang matapos ako kumain ay pinagmasdan ko lang s'yang sumusubo ng mga pagkain dahil hindi pa ito tapos. Tinignan ko ang kabuuan n'ya at masasabi kong maayos naman s'ya. May mahabang pilik mata, matangos na ilong, mapulang labi, maputi at malusog na pangangatawan. Kung ugali rin ang titignan mo rito ay wala kang masasabi dahil mabait naman ito at understanding. Bakit naman kaya s'ya iniwanan ng girlfriend n'ya

"Tayo nalang kaya? What do you think?" wala sa sarili kong tanong

Bigla itong nasamid kaya inabot ko ang tubig

"H-ha? Ano bang sinasabi mo d'yan? Haha"

"Iniisip ko lang, bakit hindi nalang maging tayo? Pareho namang tayo na iniwanan? Ganto nalang, maging tayo for the mean time pero once na bumalik yung isa sa ex natin at mahal parin natin magbbreak na tayo, kung baga magiging tayo para makalimutan natin sila" suhestiyon ko

"Eh paano naman kung yung isa sa atin ay mafall? Paano yung ma fall tayo sa isa't isa?" tanong nito

"Edi ituloy lang natin, ano? deal?"

"DEAL"

----------

Almost a month na ng simulan namin ang deal namin na magiging kami unless bumalik yung ex namin at mahal pa namin. Kasalukuyan kaming nasa mall para manood ng cine.

"Ano papanoodin natin? Comedy nalang!" nakangiti kong sabi

"Sige, saglit lang at bibili lang ako ng ticket, umupo ka lang muna d'yan habang naghihintay"

Ilang minuto lang ang lumipas at bumalik s'ya na may dalang dalawang ticket at bumili naman kami ng makakain at maiinom sa loob ng sinehan.

Pagkapasok namin sa loob ay pumwesto kami sa pinakagitna

Sa kalagitnaan ng panonood namin ay pinagkukukurot ko s'ya sa tagiliran dahil horror pala ang pinili nito

"Sabi ko comedy eh! Hindi tuloy ako makapanood!"

"Ayaw mo no'n? Kapag nakita ka ng nakakatakot bigla kang yayakap sa akin tapos makakatsansing kana? Hahahaha" kinurot ko muli ito sa tagiliran

"Ang sabihin mo gusto mo lang na yakapin kita pag natakot ako d'yan! Pwes hindi ako manood hmpk!" kinurot ko ulit s'ya sa tagiliran at ng mapansin ko ang wallet nito sa bulsa n'ya ay kinuha ko ito at binuksan

Wow sana all madaming pera :>

Isasarado ko na sana ito ng mahagip ng mata ko ang nakausling papel sa gilid ng wallet n'ya kaya kinuha ko ito pero binalik ko rin ng makita ko na ito

Natapos ang pinanonood namin ng s'ya lang naman ang nakaintindi

"H'wag na magtampo tara dito bibili kita ng paborito mong stitch na stuff toy" nagliwanag mga mata ko dahil na narinig ko

"Tara na tara na daliiiiiii!!!!" excited na sabi ko at hinila s'ya sa parte ng mall na puro stuff toy

----------

Kinabukasan ay hinihintay ko ang tawag at text n'ya pero wala akong natanggap kaya naisip ko na baka tulog pa s'ya

Pero lumipas ang gabi at hindi n'ya parin ako kinocontact at hindi n'ya rin ako pinuntahan dito sa bahay kaya nagtaka na ako

Napagdesisyonan ko na pumunta nalang ako ng condo n'ya

Nasa labas na ako ng condo ng mapansin kong nakabuksan ng konti ang pinto nito kaya sumilip muna ako doon kesa kumatok

Parang tinamaan ako ng kidlat dahil sa nakita ko

May kayakap s'yang babae, pamilyarang mukha nito. Nanlaki ang mata ko ng marealize ko na s'ya yung nakita ko na nasa picture na kasama ni Dylan na nakita ko sa wallet n'ya

So, s'ya yung ex n'ya? Nagbalik na?

Umalis ako ng condo n'ya ng umiiyak at saka tumakbo nalang kung saan. Naabutan ko ang mga paa ko na tumutungo sa lugar kung saan kami unang nagkita

Bakit ba ako umiiyak? Ako naman ang may kagustuhan no'n. Ako naman ang nagsabi na magiging kami pero magbbreak rin pag bumalik na yung ex namin

--

Naglalakad akong tulala pauwi sa amin pero ng nasa tapat na ako ng bahay ay may napansin akong isang tao

"Meys"

Si Dylan.

Siguro sasabihin n'ya na nagkabalikan na sila ng ex n'ya at makikipaghiwalay na s'ya sa akin

"Alam ko na, bumalik na yung ex mo kaya wala na tayo" tumingin naman ito sa akin na nakakunot ang noo

"Ayon lang naman ang sasabihin mo diba? Sige na, wala na tayo kaya makakaalis kana" sabi ko at akmang papasok na sa loob ng bahay ng hilahin ako nito at niyakap mula sa likuran at nagsalita

"Ano bang hiwalay ang sinasabi mo, Meys? Ano yung sinasabi mo na bumalik na yung ex ko?" tanong nito habang nakayakap parin

"Pumunta ako sa condo mo kanina at nakita ko na kayakap mo s'ya, s'ya yung kasama sa picture doon sa wallet mo na nakita ko noong nanonood tayo ng sine, di ba s'ya yung ex mo? Yung nang iwan sayo? Tapos ngayong bumalik na s'ya ay wala na akong halaga sa 'yo" sagot ko, napansin kong napahinto ito pero nakabawi din agad

"Mali ka naman ei, yung babaeng nang iwan sa akin na sinasabi ko ay yung Mama ko, namatay s'ya noong isang linggo bago kita makita at nung araw na iyon ang libing n'ya" sabi nito na ikinatigil ko

"Yung kaninang babae na s'yang kasama ko sa picture dito sa wallet ko ay hindi ko rin ex dahil kapatid ko s'ya, lumuwas s'ya ng bansa ng mailibing ang Mama namin at kakahatid ko lang sa kanya noon ng makita natin ang isa't isa na umiiyak tapos ngayon lang ulit s'ya umuwi kaya hindi kita nacontact whole day tsaka isa pa wala akong ex 'no, you're my first girlfriend kaya wala kang makikitang dahilan para hiwalayan kita"

" Let's break the deal baby, we'll make it official"

My suggest storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon