PROJECT LAMANG PO

0 0 0
                                    

"Azalea Serrano is in a relationship with Miko Sanchez"

Napangiti ako ng makita ko yung kabaliwan ko

Nag-set kase ako ng status na 'in a relationship' with my crush hehe buti nalang hindi pa online

Maraming nagreacts at comment

Illog-out ko na sana ang fb ko ng may mag notif sa notification ko

"Miko Sanchez comment on your post"

Hala ambilis naman n'ya mag online >.<

Dali dali kong tinignan ang comment n'ya

"Wth?" comment n'ya

Maya maya ay PM din s'ya sa akin

"Para saan yun? Bakit may ganon?"

Ano naman isasagot ko???

Shet...

Ahaaaa!

"Sorry Miko, project lang"

Kunyare project hehe

"Project? Seriously Azalea? Anong Subject? Baka nakakalimutan mo na magkaklase tayo?" reply n'ya

Holy sh*t! Kaklase ko nga pala s'ya!

"Sinabi ni Ma'am Arellano 'yan nung nag-cr  ka kaya siguro hindi mo alam hehe" pagsisinungaling ko

Nagreply naman agad ito

"Burahin mo"

"Bakit ko naman gagawin yun?"

"Burahin mo sabi!" reply ulit n'ya

Wala naman akong nagawa kundi burahin

"Ayan na okay na!" chat ko sa kanya

Nakita kong nagreply ito pero hindi ko muna binasa ang message at tinignan ko muna yung notifications ko kase may nag notif dito ngayon ngayon lang

"Miko Sanchez tagged you in a post"
"Miko Sanchez listed that you two are in a relationship..."

Hala?

Wala sa sariling binasa ko ang message at at napanganga ako sa nabasa

"Alam ko naman na hindi talaga project yun, pinabura ko kase dapat kaming lalaki yung maglalagay no'n. By the way, are you free tonight babe?"

My suggest storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon