Chapter 3.

78 1 0
                                    

MARGIE' S POV

HAHAHAHAHAHHAHAHAHA. ewan ko kung matatawa ako.. maiinis.. iiyak.. magagalit. ano ba ang nagawa ko at may parusa akong ganito. di ko type ang nursing pero.. sinunod ko si mama.. mabait akong anak. bakit may adan pero mukhang asong walang modo sa tabi ko??

"Ms. Santos, tutal.. President ka ng Student Body at sabi nila mabait at popular ka naman.. ikaw na ang bahala sa bago nyong classmate. itatabi ko sya sayo"

gumuho ang buhay ko. nawalan ng haligi ang buhay ko. 

tumatawa lang sya.. titingnan ko lang xa.. ewan ko.. ang bigat sa pakiramdam ang lalaking to.

"bakit ganyan kayo magtinginan? kilala nyo ang isa't isa?" tanong ng kaibigan kong si Sara..

"di ka na dapat magtaka ms. ganyan talaga pag may crush ka sa isang tao.. di mo mapigilang tumitig."

nag.hiyawan mga classmates ko. nagugustuhan ba nila ang stranger na to? masyadong feeling. umuusok na ang ilong ko.. " pwede rin namang titingnan kita.. kasi namamangha ako at nkapasok ang mga aso sa eskwelahang to.. akala ko.. no pets allowed eh"

nagtawanan sila ulit.. tinaas ko ang kilay ko.. iniisip ko na dapat lang iyon sa kanya... mamatay ka sa hiya.. nkayuko lang xa.. tapos biglang tumawa rin sya nang malakas.. ano to?? nakak.frustrate. makipag-away ka sa akin! i love arguing! forte ko iyan!!!!

"matalino ka pala talaga.. akala ko joke lang iyong mga narinig ko kanina.. isa ka sa few people na napatawa ako. salamat. SA SUSUNOD.. MAG-ISIP KA NAMAN NG MAS BAGAY SA AKIN NA HAYOP. SA PAGKAKATANDA KO.. YUNG MGA ASO IYONG KUNG SAAN UMUUPO AT TUTIHAYA. " KININDATAN NYA AKO.

okay.. nagpasalamat siya. at pinaalala nya yung scene sa simbahan. lang hiya! engot. baliw. psychotic. nainis akong lalo.. buong klase ko siyang tinitingnan.. nakikinig ako ky prof pero mas tinititigan ko siya.. tao ba to? masyado siyang nkakainis at bastos eh.. nag-iisip ako ng tactics. war to! WAR!

"wag mo kong masyadong titigan" nagsalita sya habang tinitingnan pa rin si Prof. tapos humarap sa kin. lumapit sa mukha ko (lub-dub) "kinkabahan ba ako??"at sinabing.. "NANDITO PA RIN NAMAN AKO BUKAS EH"

"nganga"

di to totoo. grrrrrrrr.

nag.spiritual nursing kami.. umalis na ako sa tabi ng bwisit kong seatmate.. nakita ko si albert. tinitingnan nya ba ako?? imagination ko? tsssssk. "bert, kung mahal mo pa ako.. bumalik ka.. tatanggapin ko." di pa nagsisimula ang mga touching videos pero naluluha na ako..  pilit ko mang magpanngap na okay. na hindi ako nasasaktan. sa tuwing makikita ko si albert.. umiiyak ako. sumisikip ang dibdib ko.  NGUMITI si albert sa akin. tapos iniwasan na akong tingnan. mas lalong masakit. naiyaka na talaga ako. at sa taray ko.. di ko kayang makita nila akong umiiyak dahil naagawan ng pag-ibig! pinilit kung ngumiti. nakining ako sa mga verses at nagdasal. Ipinagdasal ko si Bert. si Mama at Papa. Pati na rin si Joseph Dog. pssssh. 

labasan na.. nakangiti pa rin ako.. dapat magmukha akong masaya.. di ako magpapatalo..

nasa may locker na ako nang.. "sabi mo.. ako ang mukhang aso.. pero ikaw.. NGITING ASO. plastik". "

"umalis ka nga aso ka.. sino ka para pangunahan ang muscles ng mukha ko? ngingiti ako kung gusto k0. at kahit paulit.ulit akong umiyak at madapa sa simbahan.. wala kang pakialam." ang gulo ng taong to... hirap na hirap na nga ako sa diguise kong pa. saya.sayahan eh >.<

"ikaw bhala.. naisip ko lang kasing.. maganda ka nangang tingnan kahit plastic yung mga ngiti mo.. paano na lang kung totohanan?"

BOOM. nagugulat ako sa taong to. inaasar ka kanina.. ngayon parang PINAPAKILIG o pinapagaan ang dibdib mo.. tssssssssssssk.

binigyan ko sya ng piso.. "eto Sep.. maghanap ka ng kausap mo"

iniwan ko xa dun ng nkatanga.. nkanga- nga rin ata sya. GANTIHAN TO!  hahahahahha. humanda ka bukas Joseph Dog! hahahhahahahaha.

it started with a pic :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon