Chapter 3

875 19 0
                                    

Chapter 3! Here it goes. :)) 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kyena's POV

Dumating ang araw na nagtapat sa akin si Nathan. Isang araw habang kami’y naglalakad pauwi ng tahanan, pinagtapan niya ang kanyang nararamdaman.

“Kyena” wika niya

“Alam ko hindi ito tama, ngunit noong unang beses palang kitang nakita ay napaibig mo na ako.”

Wala akong ibang naisagot kundi isang tuwang aking naramdaman. “Ha? Bakit? Baka ika’y nagugulat lamang”

“Hindi” wika niya kung papaya kang ika’y maging aking kasintahan ako’y lubhang matutuwa at sisiguraduhin ko sa iyo na ika’y sasaya”

Bigla nalang lamang niyang hinawakan ang aking mga kamay, tinitigan ang aking mga mata at parang nagmamakaawa.

Dahil sa matagal ko na din siyang kakilala at mahal ko na din siya, hindi ko napigilan ang aking sarili na sabihing “oo, pumapayag ako” sa kanyang pagkatuwa, hindi niya napigilang ako’y yakapin.

“Maramaming salamat, huwag kang magalala pinapangako ko sa iyo na hinding hindi kita sasaktan” wika niya.

Buong tiwala akong nagtiwala sa kanya na hindi niya ako sasaktan. Buwan ng Setyembre ng napagpasahan ko ng ipikilala siya sa aking mga magulang. Siya ay nakasuot na pulang damit at nakapantalon.

Napakadisente niya noong araw na iyon. “Ah, Mahal ko, ako’y lubhang kinakabahan magugustuhan kaya ako ng iyong mga magulang?”

“Ah. Hindi ko rin alam.”

Sa isang iglap, dumating na ang aking mga magulang at para kausapin itong si Nathan, wika niya

“Huwag po kayong mag-alala aalagaan kop o ang inyong anak at hinding hindi ko siya sasaktan.”

Tinanggap nila ng buong puso si Nathan at ang sabi ng aking Ama “Iho, inuulit ko sa iyo na huwag mong sasaktan ang aking anak, alagaan mo siya at huwag na huwag mong pababayaan” at sa ilang sandal pa’y umalis na siya.

 ----------------------------------------------------------------------------------

Nathan's POV

Araw ng martes, buwan ng Agosto ng napagdesisyonan kong sabihin kay Kyena ang aking nararamdaman.

Ako’y lubhang kinakabahan dahil baka sa araw na ito mawala ang aking kaybigan at minamahal.

Habang kami’y naglalakad lakad, ako’y huminto, tinitigan ko ang kanyang mga mata at sabay sabi “Alam ko hindi ito tama, ngunit noong unang beses palang kitang nakita ay napaibig mo na ako”.

Pagkatapos kong sinabi iyon, ako’y lubusang namutla nanlamig ang aking katawan ngunit nakaramdaman naman ako ng kasiyahan dahil sa waks nasabi ko na rin sa kanya ang aking nararamdaman.

Nais kong malaman ang kanyang isasagot hinintay ko siyang magsalita at ang sabi’y “Ha? Bakit? Baka ika’y nagugulat lamang.”

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay, tinitigan ang ko ang kanyang mga mata at sabay sabing…

“Mahal kita” hindi ko lubos maisip kung bakit ko nagawa ang mga bagay na iyon dahil siguro sa lubhang mahal ko siya o nangungulila ako sa dati kang kasintahan.

Narinig ko ang sabi ni Kyena ng sandaling iyon, “oo pumapayag ako.” Iyon ba’y totoo?

Dahil sa lubha akong nasiyahan hindi ko napigilan ang aking sarili na siya’y yakapin at sabay sabing “Maraming salamat”  patawarin mo ako sa aking kapangahasan at ika’y nayakap ko.

Ang Mahiwagang PamburaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon