Makikita naba niya ang mahiwagang pambura dito? Enjoy reading. :)
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nathan's POV
Ito na ang panahon n gaming pagtatapos ngunit isang balita ang dumating sa akin na si Sandie, ang dati kong kasinatahan ay umuwi na galling Amerika.
Ng panahong iyong ako’y gulong gulo at hindi ko alam ang aking gagawin. Mahal ko na si Kyena ngunit mhal ko rin naman si Sandie.
Sa aking pagiisip kung ano ang dapat gawin, biglang may kumatok sa aking pinto, ng ito’y buksan ko, nakita ko sa Sandie na nakatayo sa aking harapan, niyakap niya ako ng mahigpit at sabay sabing “Nandito na ako Nathan, wala ng dahilan para malungkot kapa”
“Ngunit ako’y may kasintahan na at mahal ko na siya” ”Hindi ba’t ako ang totoong mhal mo? Nandito na ako Nathan ano pa ba ang gusto mo?” wika niya.
Hindi ko alam ang aking sasabihin, dapat bang balikan ko si Sandie o manatili kay Kyena?
Awang awa ako kay Sandie ng mga panahong iyon dahil sa kanyang lubusang pag iyak, ayaw ko siyang makitang lumuluha.
Nagkausap kami ni Sandie na ano ba dapat ang gawin,pagkaraan ng ilang minutong pag uusap napagdesisyonan kong sabihin kay Kyena ang totoo na bumalik na ang aking mahal, si Sandie.
Kinabukasan, nalaman na ni Kyena ang pagdating sa Pilipinas ni Sandie, nagtanong siya tungkol ditto ngunit hindi ko mapigilang umiyak sa kanyang harapan.
“Patawarin mo ako Kyena” ang lagging sinasambit ng aking bibig.
Para bang nagkakaroon na siya ng ideya tungkol sa kung anong nais kong iparating.
Pinilit niya akong sabihin ang aking problema at dahilan ng aking pagiyak kaya naman nagkaroon na ako ng lakas ng loob upang magtapat sakanya.
“Mahal ko, mahal kita, pero mahal ko pa rin siya. Pinuntahan niya ako kagabe sa aming tahanan upang makipagayos muli. Patawarin mo ko dahil sa inalok ko ang kanyang pakiusap”.
Pagkatapos kong sinabi iyon, ang aking mahal na si Kyena ay umalis at umiyak.
Wla siyang sinabing masakit na salita tungkol sa akin, tumakbo siya papalayo, gusto ko siyang habulin at sabihin kung gaano ko siya kamahal ngunit ako’y gulong gulo, sadyang napakabait tlaga niya, naawa rin ako sa kanyang sinapit, hindi ko gustong mangyari ang mga bagay na ito.
Mapatawad mosana ako Kyena.
Hindi pa rin ako mapanatag sa kasalanang nagawa ko.
Nakokonsensya ako, hindi ako makatulog sa gabi at gulong gulo pa rin ang isip ko.
Kaya naman kinausap ko si Sandie at sinabing makikipaghiwalay na ako sa kanya at babalik na kay Kyena, hindi ko maatim na gawin ito sa babaing nagbalik ng kasiyahan at nagpatibok ng puso ko.
Kinombinse ko si Sandie na kung maaari hayaan nalang ako, siya rin lang nagawa niya akong iwan sa mahabang panahon, makakaya rin niyang gawin ulit iyon.
Walang kahirap hirap at nakumbinse ko siyang iwan nalang ako, kaya nama’y ako’y lubhang nanghinayang kung bakit mas pinili ko ang tulad niya kesa kay Kyena
Tuwing nakikita ko si Kyena, ako’y nalulungkot, kaya nama’y tuwing na sa paaralan kami, lage ko siyang hinahanap at gustong kausapin.
Gusto ko ring sabihin sa kanya na tinaggihan ko ang alok sa akin ni Sandie na pakasalan siya at nakumbinseng iwan na ako, gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang mawala sa kanya, ngunit sa tuwing gagawin ko iyon, patuloy ang pag iwas niya sa akin.
Ang sakit isipin pero wala akong magawa. Napakatanga ko at sinaktan ko siya ng ganito.
-----------------------------------------------------------------------------
Kyena's POV
Sa aking panaginip nakakita ako ng isang anghel na nakatayo sa aking harapan.
Siya ay napakaganda, napakaamo ng mukha at tila’y nangungusap sa akin.
“Kaya kong hilumin ang lahat ng sakit na iyong nararamdaman, tutuparin ko ang iyong kahilingan, tutulungan kita kung paano ko buburahin ang iyong mga masasaya at masasakit na alaala, basta manalig ka lang” wika niya.
Nagpatuloy pa ang aking panaginip ng may iniabot siya sa aking isang mahiwagang gamit, isang pambura.
“Para saan po ito at binigyan ninyo ako ng pambura?”
“iyan ang magagamit mo para mabura lahat ng mga alaala mo sa kanya”
“ngunit, papaano po?” wika ko.
Ipinakita niya sa akin kung paano gamitin ang mahiwagang pambura.
“Isipin mo lang siya, ang lahat ng kasiyahan at kalungkutan mo at pagkatapos ipahid mo ito sa iyong ulo sinisigurado kong matatanggal lahat nag ala-ala mo sa kanya bsta magtiwala ka lng."
Pagkatapos niyang magsalita ay bigla akong nagising.
Pagkamulat ko, nakita ko ang mahiwagang pambura sa aking mga kamay.
“Dininig yata ako ng Panginoon” wika ko, pinagisipan ko ng mabuti kung gagawin ko ba ito o hindi?
Ngunit dahil sa sobrang galit at poot na nararamdaman ko, sa kakahiyang binigay niya sa akin, sa aking mga kaybigan at lalo na ang aking mga magulang, napadesisyonan kong gawin ang bagay na ito.
Gaya ng iniutos ng anghel, inisip ko lahat ng mga masasaya at malulungkot na alaalang binigay niya sa akin.
Umaasa ako na sa susunod na paggising ko, hindi ko na siya kalian man maaaalala.
Pinahid ko ang pambura sa aking noo at sa isang iglap, nakaramdam ako ng panghihilo, para bang ako’y ipinaikot ng paulit ulit at tuluyang bumagsak sa aking kinatatayuan.
Pagkaraan ng ilang sandali, ako’y nagising…
“Anong nangyari sa akin bakit ako’y nakahiga sa sahig?”…
Gaya ng aking ginagwa sa araw-araw tinutulungan ko ang aking mga magulang sa paghahain ng aming kakanin sa araw araw at pagka tapos ay papasok sa paaralan.
Pumasok ako sa paaralan at nakarinig ako ng isang tinig na “Kyena!”, tinawag ang aking pangalan at nakita ko si Rose, “bakit kaybigan?
Ano ang iyong nais?”
“Si Nathan, hinihintay ka sa ating silid aralan”
Nagtaka ako at sabay sabing “Sinong Nathan ang tinutukoy mo?”
“Si Nathan, and nobyo mo”
Nagulat ako ng sabihin niyang nobyo”
“Ah, eh wala akong nobyo, at wala akong kilalang Nathan pasensya na, Halika na mahuhuli na tayo sa ating klasi” ang wika ko.
Kapagpunta ko doon nakita ko ang isang lalaking nakatitig sa akin. Binulungan ako ni Rose “Kyena, hindi mo ba siya natatandaan?
Siya si Nathan ang iyong nobyo” bigla akong nabigla sa aking narinig, siya pala ang tinutukoy niyang nobyo ko.
Di pa rin ako makapaniwala.
Ilang linggo rin ang nakaraan.
Ang mga tao sa paligid ko, ang aking pamilya, mga kaybigan at maliban si Nathan sinasabing siya daw ay nobyo ko, Hindi ko alam ang kanilang sinasabi, isang araw na lang nakita ko siya sa aming tahanan kausap ang aking mga magulang.
Nagulat nalang ako ng sinabi niya sa aking....
“Maari bang manligaw magandang binibini?”
natigilan ako at parang tumibok muli ang puso ko, hindi ko akalaing may isang lalaking magkakagusto sa katulad ko.
----------------------------------------------------------------------------
Ha;a grabe? Whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaat? Abangan ang last chapter. ;))
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Pambura
Short Story“Sa isang malayong lugar sa bayan ng Pinacpinacan, may isang babaing nagngangalang Kyena. Siya ay masipag, mabait, maganda ang kalooban at higit sa lahat malapit sa Panginoong may kapal. Dahil sa di inaasahang pangyayari na kanyang naranasan, biglan...