Sana po magustuhan niyo yung story. Abangan niyo po ha. Slamat ;)
-----------------------------------------------------------------------------------------------------
Kyena's POV
“Isang pinagpala at napakagandang araw sa inyong lahat!” Salamat sa Panginoon at pinagkalooban niya uli ako ng panibagong araw. Pagkadilat ng aking mga mata, nagmadali akong bumangon sa aking kinahihigaan. Dumeretso agad ako sa kusina upang magluto ngaming agahan, nakita ko ang aking Inay doon, “magandang umaga Inay” sabay halik sa kanyang mga pisngi, ako na po diyan, “salamat anak,” wika niya. Kumuha ako ng tatlong itlog at tuyo upang magluto.“Napakasarap naman nito, tiyak mabubusog na naman ang aking mga kapatid at magulang sa aming agahan.”
“Napakabait talaga ng aking anak, kaya nama’y palagi ang papuri sa kanya ng kanyang mga kapatid”.Wika ng kanyang Ina’y.Habang nagpapahinga ako, pinuntahan niya ako “Anak, maari ka bang magpunta sa bayan upang bumili ng gamit panahi?Kailangan ko na kasing tahiinangating mga punda” “Sige po, wala pong problema.” Pagkatapos kong magpahinga, dumeretso na agad ako sa bayan.
“Ina’y aalis napo ako at doon pupunta sa bayan upang bilhin ang mga gamit panahi”.“Mag-iingat ka anak, huwag kang magpapagabi sa daan”.“Opo nay, wag po kayong magalala”
“Kinakailangan kong maglakad upang makatipid si Inay sa aming gastusin”. Sa kahabaan ng aking paglalakad, may nakita akong isang aleng natisod sa daan, itinayo ko siya at doon binigyan ng kaunting barya pandagdag sa pambili ng kanyang pagkain. “Ayos lang po ba kayo ale?, heto po ang kaunting barya, tanggapin ninyo para pandagdag sa pambili ng inyong pagkain” “Maraming salamat iha, napakabuti mo” “Walang anuman po, handa po akong tumulong sa mga taong nangangailangan”. Inabot ako ng apatnaput limang minuto sa paglalakad bago ko marating ang bilihan ng mga gamit panahi.
Alas kwatro na ng hapon ngunit hindi parin ako nakakabili ng gamit, “Ano ba iyan, maggagabe na, tiyak nagaalala na ang aking Inay. Inabot na ako ng dilim at hindi parin ako makaalis dito”.
Maya maya pa’y may nakita akong lalaking nagmamadali, hindi ako nakaiwas at ako’y nabangga niya “Aray! Wika ko”
“Ay! Pasensya ka na binibini, hindi ko sadyang ika’y banggain, sadyang ako’y nagmamadali lamang”. “walang ano man ginoo, sige ako’y aalis na.” Pagkatapos ng sandaling iyon, napaisip ako. “…
“Sino kaya ang lalaking iyon? bakit parang napakagaan ng loob ko sakanya kahit na ako’y nabangga niya? Sana magkaroon ulit ako ng pagkakataon na makasalubong siya”.
Makauwi na nga.
Makalipas ang matagal na paglalakad, sa wakas nakarating din ako ng maayos at ligtas sa aming tahanan.
“Inay nandito na po ako!” sabay mano at halik sa pisngi ng aking Ina.
“Salamat naman sa Dyos at nakarating ka ng maayos anak, pinagalala mo kami ng mga kapatid mo ng husto” “patawad po kung natagalan ako, may tinulungan lang po kasi akong isang matandang babae sa daan”.
“Talaga ba anak?sadyang napakabuti mo talaga”..
Pagkatapos naming magsalo salo, nagkaroon kami ng maikling kwentuhan at pagkatapos noon ay nahiga na ako at doon patuloy na inisip ang misteryosong lalaking bumangga sa akin kanina sa bilihan ng mga gamit panahi.
Umagang kay ganda… Sinimulan koang aking araw sa pamamagitan ng isang panalangin. Dumungaw akosaaming bintana at nilanghap ang sariwang simoy ng hangin.
“Uuuuhhmmha, unang araw sa pagpasok sa iskwelahan, masaya ako at ako’y nasa ikaapat na taon na sa kolehiyo”.
At sabay ngiti. Nagmadali akong magpunta saaming kusina upang mag ahin ng aming agahan.
“Inay, Itay, Ana, Baten!halina kayo at nakahanda na ang ating agahan!”…
“Mukhang nasasabik ka sa unang pasok mo sa paaralan anak” wika ng kanyang Ina.“Opo Inay, sa totoo po gusto ko sanang maging maaga ako ngayon at para mahanap ko ang aking mga kaybigan”.
“Ganon ba anak? O sige hala, maligo ka na at ako na ang bahala sa ligpitan dito sa kusina”.
“Salamat po Inay!”
Dali dali kong inayos ang aking sarili, bagamat gabi palang ay nakaayos na ang aking mga gamit, madali akong nagpaalam sa aking Inay. Iniabot niya sa akin ang aking kakaunting baon. “Salamat po! Ingat po kayo” “Ikaw din nak, wag kang magpapabaya sa paaralan”
Pagkalipas ng ilang minuto, nakarating narin ako sa paaralan at doon nahanap ang aking mga kaybigan. “Kyena! Tagal na nating di nagkikita, kamusta ka na?” sabay yakap sa kaibigan. “Mabuti lang naman ako, huwag kayong magalala.”Sabay ngiti. Ilang sandali pa ng aming paguusap, napagpasyahan na naming pumunta sa silid aralan.
“Kyena!wika ni Rose, may mga bago tayong kamag-aral ngayon mula sa ibang paaralan. Ang balita kogaling raw sa may kayang angkan ang isa. “Ano bayan Rose, Ano naman ngayon kung may kaya sila?, hay hayaan nalang natin siya.”
Walang anu-ano ako’y biglang napatingin sa labas ng pinto at ako’y mistulang nagulat sa aking nakita, hindi maalis ang aking tingin dito. Bigla kong naisip “siya ba ang nakabanggaan ko sa bayan? Anong ginagawa niya sa lugar na ito?”At biglang tumibok ang kanyang puso.”Anong problema? May bumabagabag ba sa iyo?” wika ni Rose,
“Ah, wala may naalala lang ako.” “Kilala mo ba iyong nakatayo malapit sa pinto? Siya ang sinasabi ko Kyena, ang kaklasi nating galing Maynila. Biglang tumibok ang aking puso ng malaman ko ang bagay na iyon. Pumasok angaming guro ng araw na iyon at inatasan niya kaming ipakilala angaming sarili. “Magandang umaga mga mag-aaral! Kinagagalak ko kayong makita, bago natin simulan ang ating talakayan, magkakaroon muna tayo ng isang maikling pagpapakilala. Umpisahan natin kay Bb. Kyena”.
“Ha? Ako ba ang tinawag ngaming guro?’ ako’y lubhang kinakabahan, hindi ako nakapaghanda ng aking sasabihin…
“Magandang umaga mga kamag-aral! Ako si Kyena Cruz, ikinagagalak ko kayong Makita”. Pagkaraan ng ilang mga studyante, sa wakas ay magpapakilala narin ang pinakahihintay ng lahat. Si Nathan… Habang nagpapakilala ang binata,
Nakita niya si Kyena at doon na muli nagkrus ang landas ng dalawa.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Hayyyyy. Ano kaya ang mangyayare? Wahahahaha, XD
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Pambura
Storie brevi“Sa isang malayong lugar sa bayan ng Pinacpinacan, may isang babaing nagngangalang Kyena. Siya ay masipag, mabait, maganda ang kalooban at higit sa lahat malapit sa Panginoong may kapal. Dahil sa di inaasahang pangyayari na kanyang naranasan, biglan...