Chapter 2 napo. Yaaaaay ;)
-----------------------------------------------------------------------
Nathan's POV
Linggo ng umaga at napagpasyahan kong maglibot muna sa bayan. Sa aking pagmamadali hindi ko namalayan ang isang babae sa aking daanan. Siya ay napakaganda at napakaamo ng mukha kaya nama’y hindi ko siya maalis sa aking isipan.
“Ay, pasensya na binibini, hindi ko sadyang ika’y banggain sadyang ako’y nagmamadali lamang” ang aking nasabi. Ako’y lubhang nanghinayang dahil sa konting sandali hindi ko man lang naitanong ang kanyang pangalan. Dumating ang gabi at hindi parin siya mawaglit sa aking isipan.
Kinaumagahan, unang araw ng aming klasi, ako’y masaya at nagbabakasakali na siya’y muling masilayan.
Bagamat ako’y bago pa lamang sa paaralang iyon, sinikap ko paring mahanap angaming silid aralan. At ayon nga, sa ilang sandali ito’y aking natagpuan.
Pagkapasok ko’y kaagad agad ay aming guro na ipakilala angaming sarili sa harapan.
Tinawag niya ang isang babaeng nagngangalang Kyena. Ako’y nagulat ng Makita na ang babaeng aking nakabangga ay siya. Patuloy na tumibok itong aking puso, Nang ako’y nasa harap na upang magpakilala, hindi ko mapigilang tumingin sa kanya.
Siya’y napakagaling at kahanga-hanga pagdakay nagkrus ang aming mga mata at doon ko naramdaman ang aking pagkasaya.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kyena's POV
Martes ng umaga at napakaganda parin ng panahon, ako’y nakaramdam ng pagkasabik sa pagpasok, tinulungan ko ang aking Ina sa pagaayos ngaming pagkain at pagkatapos noo’y ako’y nagmadali sa pagpunta sa paaralan.
Ako’y nagulat sa kadahilanang siya’y nakatayo sa harap ng pintuan at tila siya’y may inaantay. Pumasok ako sa aming silid aralan na parang walang nakit biglang isang malamig na boses ang aking narinig.
“Kyena” ang bulong nito, kapag kita’y si Nathan ang tumawag sa aking pangalan.
“Aba, bakit ako tinawag ng lalaking iyon? Ano ang kanyang kailangan?” Nakita ko si Rose sa tabi at ang sabi’y “Tinatawag ka ni Nathan. Parang may gusto siyang sabihin sa iyo”. “O sige, ako’y pupunta na”. nagmadali akong magpunta kung saan siya naroroon, ako’y lubang kinakabahan, “Uhm, magandang umaga ginoo!
Ano ang aiyong pakay at ipinatawag mo ako?” “gusto ko lang humingi ng tawag sa aking nagawa noong isang araw sa bayan, hindi koi yon sinasadya” ika niya. “Iyon ba?
Huwag kang magalala ayos lang sakin iyon”. Mabilis akong lumayo sa kanyang landas at tila ako’y nakabalot ng yelo sa aking sobrang panlalamig.
Pagkatapos ng aming klasi, dali dali akong umuwi at biglang may sumigaw na “Kyena! Sandal!” alam kong si Nathan iyon at ako’y biglang napatigil. Lubhang napagod si Nathan sa paghabol sa akin.
“Maaari ba kitang maging kaybigan” ika niya.
“Oo naman, hindi naman ako namimili ng magiging kaybigan” Ang sabi ko
“Maraming salamat magandang binibini” ang kanyang bulalas.
“Dahil sa pumayag kang maging magkaybigan tayo, maariba kitang ihatid sa inyong tahanan upang masiguro ang iyong kaligtasan”? ang sabi niya.
Ako’y lubhang nagulat sa kanyang sinambit, hindi ko alam ang aking sasabihin, kaya nama’y sinabi ko nalang na
“Ah, eh sige kung iyan ang iyong nais”.
Sabay kaming naglakad at nagkwentuhan tungkol sa aming unang pagkikita, siya’y talagang kahanga hanga at napakaganda ng kanyang mukha.
Sa sandaling kami’y nagkausap para bang abot langit ang aking kasiyahan.
--------------------------------------------------------------------------
Nathans's POV
Ikalawang araw ng pagpasok sa paaralan at aking masisilayan si Kyena. Inagahan kong pumasok dahil gusto kong sabihin sa kanya ang aking nararamdaman.
Tumayo ako sa tabi ng pinto n gaming silid aralan upang siya’y makausap at ng Makita kong siya ay paparating, ang tanging salita na aking nasambit ay “Kyena” ako’y sadyang napakaistupido at pinanghinaan ng loob na sabihin sa kanya ang aking nararamdaman.
Kinausap ko ang kanyang kaibigan na si Rose upang sabihin na nais ko siyang makausap, inalok niya ang aking pakiusa.
Bigla bigla’y nakita ko ang napakagandang si Kyena na papunta sa aking kinaroroonan.
Siya ay talagang napaganda; mamula mula ang kanyang pisngi, ang kanyang mga mapupungay na mata, talaga naming siya’y nakakahalina…
“Tinawag mod aw ako” tugon niya. “oo nais ko lamang humingi ng tawad sa nangyari noong nabangga kita sa bayan” “Iyon ba?
Huwag kang magalala ayos lang sakin iyon”. Biglang tumigil ang aking puso, ako’y galit nag alit sa aking nasabi, hindi ko man lang maipagtapat ang nararamdaman ko tungkol sa kanya.
Siya’y lubhang napakabait at napakamaintindihin. Siya’y umalis na sa aking harapan nais kong sabihin ang aking nararamdaman ngunit hindi koi to masabi.
Uwian ng napagpasyahan kong habulin si Kyena at sabihin ang aking nararamdaman.
Tinawag ko siya “Kyena! Sandal lang” wika ko. “Ano iyon ang kanyang tugon” Walang ano ano’y nasabi kong “Maari ba kitang maging kaybigan?”
“oo naman sige, hindi naman ako namimili ng kaybigan” wika niya.
Sa ikalawang pagkakataon ako’y pinanghanian muli ng loob. Dahil doon napagpasyahan ko na ihatid na lamang si Kyena sa kanilang tahanan upang masiguro ang kanyang kaligtasan.
Ng araw na iyon, ako’y lubhang napakasaya dahil sa unang pagkakataon nakita ko siyang ngumiti, kami’y nagkwentuhan tungkol sa una naming pagkikita.
----------------------------------------------------------------------------------
Awww. What's next kaya? Hahahaha :)
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Pambura
Historia Corta“Sa isang malayong lugar sa bayan ng Pinacpinacan, may isang babaing nagngangalang Kyena. Siya ay masipag, mabait, maganda ang kalooban at higit sa lahat malapit sa Panginoong may kapal. Dahil sa di inaasahang pangyayari na kanyang naranasan, biglan...