LOUIEVA'S POV
MABILIS kong iniligpit ang mga gamit ko sa bag saka dali-daling lumabas sa room.
Tang'na.
Andrea, ano na naman ba ang pinasok mong gulo?!
Di ko ba nabanggit na ng dahil sa Clesenteng yun ay naging war freak na ang best friend ko?!
Argh!
Inaaway nya kasi ang kung sino man ang mangbash sa shokoy'ng yun!
Psh...as if naman 'worth it' ang laway nya sa pakikipagtalakan para lang maipaglaban ang shokoy'ng yun.
Ewan ko ba. Misan over din tong si Andrea eh!Kala mo naman jowa! Pwe!
Naging lakad ang takbo ko ng makita ko sa di kalayuan si Andrea na pulang-pula na sa kakasigaw si nerd na kaharap nya.
Psh..nerd talaga ang kinalaban nya?
Baliw na tong babaeng to!
"Andrea!"
Nilingon nya ako.
Halata sa mukha nya ang matinding galit, pulang-pula sya at halata na rin ugat nya sa mukha.
Tama, galit nga sya.
Ano naman kayang sinabi ng nerd na to sa kanya at ganto sya kagalit?
"Tama na yan."
Mabilis ang paghinga nya.
Habang ang nerd naman nakayuko lang.
Tsk..kawawa, napagdiskitahan ni Andrea.
"Kalma, kala ko naman kung napano at sino ang kaaway mo."
Napairap ako.
OA din tong babaeng to eh.
"KALMA?! Ako kakalma?! Alam mo ba kung ano ang sinabi ng nerd nato tungkol kay Clent mahloves ko?!"
Nanlalaki ang mga mata nya habang tinuturo ang nerd na halos maiyak na.
"Hindi, malamang kakarating ko lang diba?"
Napairap ulit ako.
Asan na ba ang utak ng babaeng to?
"Wag mo akong pinipilosopo at galit ako!"
Siya naman ang napairap.
"Sabi ng nerd na'to! Hindi daw ganun ka gwapo si Clent mahloves! Alam mo ba kung gaano ako nainsulto ng dahil sa sinabi ng nerd na to?! TO THE HIGHEST LEVEL! I mean...bulag ba sya?! Ang gwapo gwapo gwapoo...kaya ni Clent mahloves ko!"
Nanggigigil na sabi ni Andrea sakin na halos lumuwa na ang eye balls.
Tss...Yun lang? Yun lang ang kinakagalit nya?!
Psh...ang babaw.
Tinaasan ko lang sya ng kilay sabay cross arms.
"Ano?! Di ka man lang magrereact?!Besh, galit ako oh!Hello?!" sabi nya with ano-na-look.
"Oh tapos?"
"Arghh! UNBELIEVABLE!" napasabunot sya sa buhok nya.
Inarapan ko sya saka bumaling sa nerd na umiiyak na.
"Tumahan ka na, baliw lang talaga yan." sabi ko habang hinihimas ang likod nya.
Kakawang nerd.
"Ano bang pangalan mo?"
"L-lia." sagot nya habang pinipigilang humikbi.
Parang piniga ang puso ko.
Naalala ko sa kanya ang iyakin kong kapatid na si Claire.
Hays.
"Lia, pwede ka nang umalis. Sorry talaga ha? Baliw kasi yang best friend ko sa shokoy'ng yun"
"Abat---!" magpoprotesta na sana si Andrea ng pinanglakihan ko sya ng mata.
Agad pinunasan ni Lia ang mga luha nya sa pisnge saka lumuhod para pulutin ang mga libro nya.
Bakas sa mga libro nya ang putik sa sapatos ni Andrea. Inapakan ata ng bruha.
Agad ko syang tinulungan.
Habang si Andrea naman, alam kong nakokonsensya na pero ayaw nya ipakita. Nakacross arms lang sya habang nakatingin sa malayo.
"Okay na?" tanong ko kay Lia matapos pulutin ang mga libro nya.
Tumango lang sya sa naglakad na paalis.
Bumaling ako kay Andrea.
Tinaasan ko sya ng kilay.
"Happy?"
Minsan nakakainis din tong si Andrea eh.
Inirapan ko sya saka naglakad palayo.
Agad naman syang sumunod.
"Uy besh, sorry na" sabi nya habang nakasunod at pilit kumapit sa braso ko
Agad ko itong iniwaksi.
"Mag-isip ka. Oa ka rin eh." cold pa sa ice kong sabi sa kanya sa naglakad ulit.
Alam kong napatigil sya sa pagsunod sakin. Masyado ko na syang kilala, mag-iisip yun saka magsosorry.
Naalala ko si Lia.
Kawawa sya. Di ko masyadong naaninag ang mukha nya dahil sa buhok nyang napakakapal.
Halata sa boses nya ang hiya at takot kay Andrea. Baliw kasi talaga yun eh!
Ipahiya ba naman! Buti nalang walang masyadong estudyante sa lugar na yun, kundi mapapahiya pa talaga lalo si Lia.
Kawawang Li---
"Aray!" napahawak ako sa ulo na binato ng kung ano man.
Galit kong pinulot ang maliit na batong iniwrap sa papel.
Tss...childish!
Agad kong binasa ang papel.
Eva,
Rooftop.5 pm.
I need to tell you something.
-VLuminga-linga ako sa paligid.
Wala namang tao. Actually, meron pero lahat busy sa kanilang ginagawa.
Tsaka ang hand writing bai! Parang lasing ang sumulat. Gusto ko tuloy tumawa.
Tss..baka prank lang to ng kung sino mang walang magawa sa buhay.
Hay...drugs pa more!
Pinunit ko ang papel saka itinapon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Tss...mga walang kwentang tao."
"Kasama ba ako sa mga walang kwentang yun?"
Napatingin ako sa kung sino man ang nasa likod ko.
Pagminamalas ka nga naman!
"Syempre hindi"
Agad itong napangiti.
"Shokoy ka eh,hindi ka tao."
I smiked...
**********Vivoree Esclito as Andrea Mendoza
BINABASA MO ANG
That Girl Guitarist [MayWard]
Fanfic"I hate music." "So does that mean...you hate me too?" "Why? Music ka ba?" --__-- "Sabi ko nga hindi na ako magtatanong eh." Bwisit na poging nilalang na music hater kuno! --- Another 'MayWard' Fanfic