=Louieva's POV=
Hingal na hingal akong napasandal sa pinto ng isang cubicle sa CR ng mga babae.
Kanina pa kasi ako hinahabol ng mga bwisit na fans ng Clesenteng yun!
Including Andrea!
Ang bwisit na babaeng yun,kahit best friend niya hindi niya papalampasin para lang sa bwisit na shokoy na yun!
Argh!Nakakainis!
Pagnakita ko talaga yung bwisit na'yun,kakatayin ko talaga!
Nakakainis!
NAKAKAINISSS!
Gusto ko ng suntukin ang pintong sinasandalan ko sa inis na nararamdaman.
Ayaw kong maging kriminal pero kung siya lang din naman ang papatayin,ayos na ayos lang!
Kakatayin ko talaga ang bwisit na yun!
"I think she's here."
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ng isa sa mga babaeng humahabol sakin kanina mula sa pinto ng CR.
Agad akong pumasok sa isang cubicle at nilock yun saka sinara ang toilet bowl saka naupo dun.
Tang'na!Para naman akong may pinagkakautangan sa kakatago ko nito!
Rinig ko ang mga yabag nila saka ang pagbukas-sara ng mga pinto ng ibang cubicle.
May narinig akong mabilis na yabag na mukhang kakapasok lang ng CR.
"Why are you here?!Kami ang nauna dito,dun kayo sa iba maghanap!"inis na sabi nung isa na palagay ko ay pinaparating niya sa kakarating lang.
"Pake mo?!Sayo tong school?!"
Sh't si Andrea!
Napapikit ako ng mariin dahil sa nagsimula na namang mabuo ang inis ko sa dibdib.
Ang bwisit na lalaking yun,naging traydor ang best friend ko dahil sa kanya!
Bwisit!
"Besssh?Beshy ko!Labas na dyan!"rinig kong tawag ni Andrea sakin mula sa labas.
Na sa pinakadulong cubicle kasi ako ngayon,marami ang mga cubicle sa loob dahil malaki itong banyo ng mga babae.
"Louieva mah friend,labas naaa!"rinig kong sigaw nung isa na lumiliit na ang pisi ng pasensya.
Well,pasensya sila!Dahil kahit na maging sinulid na yung pasensya nila,WALA AKONG PAKE!
"Anong mah friend?!Ako lang kaibigan nun,bitch!Wag kang feeling close!"inis na sigaw dun ni Andrea,naiimagine ko ang nakataas niyang kilay habang nakacross ang mga kamay sa dibdib.
"Okay fineee!Whatever!Sa iba na nga lang tayo maghanap,girls.May bwisit dito eh,uunahan pa ata tayo.Hmp!"rinig kong sabi nung isa na mukhang leader nila nung naunang pumasok.
"Anong bwisit?!Ikaw yung bwisit!Lumayas na nga kayo,nakakairita ang mukha n'yong puno ng kolorete!"inis na sabi ni Andrea dun sa mga babae.
Nakarinig ulit ako ng pagbukas-sara ng pinto ng cubicle,mukhang naghanap na ulit si Andrea.
"At least,hindi kasing plain ng mukha mo!"inis na sabi naman nung isa.
Uh-oh.
Mukhang dito pa ata mag-aaway.
"HOY!Ako,maganda ako kahit plain ang mukha ko at walang kolorete!Eh kayo?!Maghilamos kayo ngayon din at ng makita niyo kung gaano ka chaka ang mga pagmu-mukha niyo pag wala yang mga make-up niyo!Ang fefeeling!"inis na sigaw ni Andrea na mukhang beast mode na talaga.
BINABASA MO ANG
That Girl Guitarist [MayWard]
Fanfiction"I hate music." "So does that mean...you hate me too?" "Why? Music ka ba?" --__-- "Sabi ko nga hindi na ako magtatanong eh." Bwisit na poging nilalang na music hater kuno! --- Another 'MayWard' Fanfic
![That Girl Guitarist [MayWard]](https://img.wattpad.com/cover/204367433-64-k370844.jpg)