=Louieva's POV=
ANG sarap pagmasdan ng mukha ng shokoy'ng yun ng iwan ko.
Parang natatae na ewan.
Ha!Buti nga sayo.
Para ipaalala ko lang,di lahat ng babae mabibihag mo.
"Uy!Nakangiti ka jan?"tanong ni Stella sakin,isa ko pang friend sa school maliban kay Andrea
"Wala,may ginawa kasi akong kahit kailan man ay di ko pagsisisihan"sagot ko sabay evil smirked
"Hmm...mukhang something yan ah.Ikaw ha?Pumapag-ibig kana huh?"tukso ni Stella
"Huy!Isarado mo yang bibig mo,baka may makarinig pa sayo.Kung ano-ano ang sinasabi mo"
"Sess...if I know kinikilig kana dyan.Ano ba kasi yan,isplok mo na!"
Inirapan ko sya.
Mahirap kumbinsihin ang isang taong isa lang ang paniniwala.
"Tss...akin na nga yang libro ko at uuwi na ako"sabi ko sabay tayo sa upuan.
Nasa mini-park kasi kami ng Uni,nakaupo sa may bench.Nagaadvance study para sa quiz bukas.
"Uy grabe sya!Nagtatanong lang naman eh!Tsaka gagamitin ko pa tong book mo,di pa ako tapos"nakangusong sabi ni Stella
Bumuntong hininga ako.
Eh pano ba yan,gusto ko ng umuwi.Uwian na rin naman kasi.
"Sayo na muna yan,pagod na ako eh.Uwi na ako,bye!"sabi ko sabay lakad palayo
***
NAKAUPO ako ngayon malapit sa may bintana ng kwarto ko habang tumtugtog ng paburito kong musika.
Nobela by Join the Club
Theme song kasi yan nina lolo't lola.
Oo,masyadong modern para sa love story nila.Pero ng ilabas ang kantang yan ay naging paborito ito nina lolo at ginawa nilang theme song.
Bawat paglipat ko ng chords ay syang pagflashback sa utak ko nang panahon na kasama ko pa sina lolo.
Hay...miss ko na talaga sila.
Napatigil ako sa pagtugtug ng nagsiunahan na sa pagtulo ang mag luha ko.
Akala ko kaya ko na...
3 years na ang nakakalipas eh!Pero masakit parin.
Inilagay ko ang gitara na minana ko pa kay lolo sa kama ko,saka pumunta sa picture frame na nakasabit sa pader.
Ako yun habang karga karga ni lolo sa balikat,habang si lola naman nakahawak sa bewang ni lolo.
Nakangiti kaming tatlo na para bang walang prinoproblema.Yung ngiting malaya,ngiting walang sakit.
Pero lingid sa kaalaman ko may dinadamdam na pala si lolo ng panahong yun.
Di ko na napigilan pang humikbi.
Agad kong niyakap ang picture frame.
"Miss ko na kayo lo,la.Bumalik na kayo please..."
Diko namalayang nakatulugan ko na pala ang pag iyak.
NAGISING ako na nakaupo sa sahig habang nakasandal sa pader na yakap yakap ng picture frame.

BINABASA MO ANG
That Girl Guitarist [MayWard]
Fanfiction"I hate music." "So does that mean...you hate me too?" "Why? Music ka ba?" --__-- "Sabi ko nga hindi na ako magtatanong eh." Bwisit na poging nilalang na music hater kuno! --- Another 'MayWard' Fanfic