2

366 27 2
                                    

LOUIEVA'S POV

"KYAHHH! Paparating na siya! KYAHHH!MEGED! I'M GONNA DIE! I'M GONNA---Aray ko naman Eva!"

Tch.

Napa-irap ako sa best friend kong si Andrea.

Eh pa'no ba naman? Ang landi!

Ilang oras na kaming nakatayo sa harap ng gate ng school habang hinihintay ang Ultimate Crush (Eww) niyang si Clesente!

Pssh! Bagay lang sa damuhong shokoy na yun ang pangalang 'Clesente' !

Pa-Clent Clent pa ng pangalan! Pwe! 'Kala mo kung sinong desente at malinis na lalaki, yun pala sangkatutak na babae na ang natik--napaiyak!

Eww...gwapo lang siya!bEwan ko nga ba kung ano ang nakita ng timang kong best friend sa Clesenteng yun, mukha lang naman ang panlaban nun.Pwe!

"Huy! Yung kilay mo magkadugtong na oh tsaka yang nguso mo umabot na hanggang dun oh"

"Wag mo akong iniinis Andrea at nanggigil ako! Umabsent na ako sa first period ko para lang masamahan ka sa walang kwentang bagay na to, tapos ang tagal pang dumating ng damuhong yun!Argh!" napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok

Nanggigigil na talaga ako! Makakapatay na talaga ako ng tao ngayon din!

"Uy beshie sorry na...baka na-traffic lang yun o ano. Wag ka ng magalit, ililibre naman kita mamaya eh" pilit akong niyayakap ni Andrea habang tinatampal ko naman ang kamay niya.

"Tigilan mo ko! Anong tingin mo sakin mukhang pagkain? Ha? HA?! Alam mo makakapatay talaga ako ng tao pag di mo ako bibilhan ng large pizza mamaya!Tsaka samahan mo na rin ng milk tea!Grabe ka makapagsalita, nakakainsulto!Hmmp!" masungit kong sabi sa kanya habang nakacross arms.

Agad siyang napangiti sakin saka mahigpit akong niyakap kahit nakacross arms ako.

"Yiee...Sabi ko na nga ba, pagkain lang ang katapat mo!"

"Abat----!"

"OMGEE!! PAPARATING NA SIYA!" kilig na sigaw ng kung sino man sa kabilang grupo na nasa kabilang parte ng gate.

Si Andrea naman parang nabuhusan ng malamig na tubig at agad humiwalay sakin at parang baliw na nagtitili sa papalapit na kotse.

"Peeep! Peeep!"

Napatingin ako sa kotseng paparating.

Binaba nito ang salamin saka iniluwa nun ang pinaka asungot na mukha ng shokoy'ng si Clesente.

Parang manyak itong nag wave sa mga babaeng nag aantay sa kanya.

Tss..YABANG.

Muntik pa akong masuka ng may pa flying kiss effect pa siya.

Tang'na lang!

Habang ang babae naman (kabilang si Andrea -_- ) ay di magkamayaw, may hinimatay pa nga.

Tss...OA.

As if naman bababa si Clesente para tulungan siya.

Tsk. Babae nga naman!

Swerte ko at di ako kabilang sa mga baliw na babaeng to. Dahil kung Oo, baka matagal na akong nagsuicide.

Napairap ako.

Nauubos ang oras ko sa mga walang kwentang bagay na'to!

Padabog akong lumapit kay Andrea saka sinenyasan na mauna na ako.

Tss...di man lang ako tinapunan ng tingin.

At yung gaga! Halos maiyak na. Pwe!

Baka naiyak dahil narealized na niya na di worth it ang shokoy'ng yun.

Napangiti ako sa naisip ko.

Sana nga.

Agad kong isinampak sa tenga ko ang head set ko pagkaupo ko sa bench sa garden ng school, di naman masyadong malayo mula sa gate.

Kawawang Andrea Mendoza. Nabaliw sa maling lalaki.

Tsk tsk tsk!

By the way high way...

I'm Loiueva 'The Bitter' Cortez.
At Oo, kabilang ako sa mga babaeng di naniniwala sa forever.

Kasi totoo naman talagang...

WALANG POREBERRRR!

Walang permanenteng bagay sa mundo. Lahat lumilipas! Lahat natatapos!Maging ang relasyon niyo!

Masaya lang yan sa umpisa tapos iyak sa dulo.

Tsk!

Kaya ako, never akong mamabaliw sa isang lalaki. As in NEVER! Dahil sisiguraduhin kong, SILA ang mababaliw sakin.

Yung tipong handa silang magpakamatay para sakin.cYung tipong dead na dead na DEADDDD sakin.

In my 17 years of existence, wala pa akong nakilalang lalaking matino maliban sa lolo ko.

Lahat manloloko! Lahat walang kwenta!

Lalong lalo na ang Clesente'ng yun! Pwe!Pwe lang talaga!

Napairap ako.

Irap na ako ng irap dito baka malaglag na ang eye balls ko.

Psh.

Kung alam ko lang na a-absent ako sa first period ko ngayon edi sana nasa kwarto ko ako ngayon tumutugtog ng gitara ko.

Yep, gitarista ko.

Pero tinatago ko lang, maliban kay Andrea. Psh, alam nya na naman lahat sakin eh.

Natuto akong tumugtog ng gitara dahil sa lolo ko. Instrument lover kasi si lolo. Kahit anong instrument man ang ibigay mo sa kanya, alam nya kung paano tugtugin. Kung hindi man ay mabilis nya itong natututonang tugtugin.

Hays...those old days.

Kung maibabalik ko lang ang panahon na kasama ko pa ang lolo't lola ko na payak at payapang namumuhay sa Camiguin, gagawin ko.

Pero alam ko sa sarili ko na, di na pwede. Kailangan ko ng tanggapin na wala na sila.

At dahil yun sa walang kwenta kong ama!

Agad kong pinunasan ang luhang lumandas sa pingi ko.

Galit ako. Galit na galit ako sa papa ko. Nang dahil sa kanya, nawala ang mga mahal ko sa buhay.

Una, si Mama at ang mga kapatid ko. Tapos sunod naman sina lolo't lola.

Tang'na lang!

Oo na! Mag-isa na ako ngayon oh!

Ano pa bang gusto nya?!

Nangigigil kong pinalitan ang kasalukuyang music sa rap music.

Gusto kong maging bayolente!Tang'na.Gusto kong pumatay!



Arghh!









I want Revenge!








---

Edited. [12/07/20]



[Marydale "Maymay" Entrata as Louieva Cortez]

That Girl Guitarist [MayWard]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon