6

218 15 0
                                        

=Clent's POV=

Wala sa sarili kong ipinark ang kotse ko sa parking space ng school.

Inaalala ko kasi yung mga pangyayari kagabi.

Wooo!Katakot na babae!

Dahil tuloy sa mga nangyari kagabi ay binangungot ako.

Tsk.

Sa tinagal-tagal mula nung bata pa ako, kagabi lang ulit ako binangungot.

Dahil kasi sa babaeng yun eh!

Bwisit!

Imbis na dapat gumulong gulong ako sa sahig sa sobrang tuwa,napatago tuloy ako sa damuhan para hindi ako patayin nun.

Tsk!

Naalala ko tuloy yung tanod kagabi.

Kawawa talaga si manong,napagkamalan pang aswang si Eva.

Sabagay,mukha naman talaga siyang aswang.Tsk!

Paika-ika akong naglakad papunta ng classroom.

Masakit kasi pa rin kasi yung tama ko kagabi.

Actually,maliit lang naman yung sugat,parang galos lang,pero ewan ko ba kung ano yung inilagay ng babaeng yun sa kutsilyo at sobrang hapdi ng sugat ko!

Paano kung may kung anong lason ang ipinahid ng babaeng yun sa kutsilyo?!

Agad akong napatigil sa paglalakad dahil sa naisip ko.

Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko,panlalamig ng kamay ko,at ang bilis ng tibok ng puso ko.

Sh't!Paano kung nilagyan niya nga?!

Anong mangyayari sakin?!

AM I GONNA DIE?!

MAGKAKACANCER BA AKO?!

MAGTATAE?!

MAGKAKABRAIN TUMOR?!

SH'T!

ANONG GAGAWIN KO?!

Akmang tatakbo na ako pabalik sa kotse para pumunta sa hospital ng may biglang nagsalita sa likod ko.

"Tabi."

Nanlalaki ang mga mata ko habang paunti-unti siyang hinarap.

Nakablack hoddie siya ngayon,buhaghag ang buhok na para sinabunutan ng limang adik,at nangingitim ang malaki niyang eyebags.

Sh't!Mukha siyang mangkukulam!

Paano nga kung mangkukulam siya?!

Papangitin niya ba yung handsome face ko?!

NOOO!

Patatabain niya ba ang sexy at yummy kong abs?!

WAGGG!

Tutubuan niya ba ng malalaking pimples ang clear skin ko?!

SH'T!

Gagawin niya ba ang palaka?!

NO FUDGING WAY!!

Paiitimin niya ba ang makinis at mapaputi kong bal---

"Pwede bang tumabi ka?!"

Sh't!Andito pa pala ang mangkukulam na to?!

Sasagot na sana ako ng makarinig ako ng nakakarinding tili na papalapit sa kinaroroonan namin.

Wow!Nakakarindi?Hindi ko na ata kilala ang sarili ko.

Napatingin ako sa paligid hanggang may nakita akong kumpol-kumpol na mga kababaihan na may dalang malalaking banner na may mukha ko,mukha silang nagrarally pero ang pagkakaiba lang ay hindi sila nagsisigaw kundi nagtititili habang matatamis na nakangiti.

That Girl Guitarist [MayWard]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon