Chapter 15

8K 181 0
                                    


Sumalubong saming dalawa ang maingay na hall. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan. Ang ganda!

Naunang maglakad si Keirro kaya sumunod nakang ako. Halos nagtitilian ang lahat nang i-mention ng Student Council ang pagdating nya. Mawawala pa ba yan? eh sya kaya ang hari sa campus.

Nakagat ko ang labi ko nang nakita ko si Cara papunta sa direksyon ni Keirro.

Saan ako lulugar ngayon?

Umatras ako at nagtungo sa table nina Loren at Caroll.

"Nasan sila Caroll at Loren?" Tanong ko sa president nila sa classroom

Sandali nya akong sinuri bago sumagot. Weird

"Ayun oh"

Agad ako naglakad papunta sa tinuro nya. Napaawang ang labi ko nang makita si Caroll.

"C-caroll? Ikaw ba yan?" Gulat kong tanong

"Correction, It's Carlos" tuluyang nalaglag ang panga ko. Lalaking lalaki ang porma nya ngayon!

"Hoy! Lalaki ka na?"

Sumama naman ang timpla ng mukha nito,
"Emeged di ko keri, gurl"

Nagtawanan naman kaming dalawa. Pinuntahan namin si Loren na nakaupo na ngayon sa table for 3

"Nagpareserve ng table ang mama mo, dai" tumawa nalang ako sa sinabi ni Caroll

Lumapit kami sa table at nagtama ang paningin namin ni Loren. Agad ako yumakap sa kanya pero nanatili s'yang nakatunganga

"You okay, gurl?" Tanong ni Caroll sa kanya

" O-my-god! Is that you Akiya?!"

Kumunot naman ang noo ko.

"Oo naman"

Tumawa ng malakas si Caroll sa reaksyon ni Loren. Natawa nalang din ako.

"Mas gumanda ka!"

Nahiya naman ako sa sinabi ni Loren. Medyo malakas ang boses nya kaya mapalingon ang iba samin

"Transferee?"
"Pinsan ata ni Loren"
"Wala si Akiya? Diba silang tatlo ang magkasama?"

Napuno ng bulungan ang hall. Yumuko nalang ako sa hiya. Hindi ba nila ako kilala?

Umupo kaming dalawa ni Caroll sa table at nagsimulang uminom ng wine na suitable para sa edad namin

Maya-maya pa ay umalingawngaw ang malakas na boses ni Avery

"Akiyaaaa!!"

Sinalubong nya ako nang mahigpit na yakap.

"Ang ganda mo ngayon ah!" Sabi pa nito

"Wag moko lokohin" tumawa ako

"Omayghad! Gumanda ka nga, sweetie" Giit pa nito

"Si Akiya yan?"
"Pre, ang ganda nya"
"Shit, gumanda sya!"

Tumawa lang ako sa sinabi nya. Ngayon lang ako nakarinig ng papuri mula sa iba. First time ko din ata magsuot ng ganito kaikli na dress

Mas lalong lumitaw ang ganda ni Avery ngayon sa suot nyang Gray gown. Fitted ito kaya kita ang magandang kurba ng kanyang katawan

Dinugtungan ang table namin ng isa pa kaya dun umupo si Avery sa gilid ko. Nagulat ako nang dumating si Ace at umupo sa katapat ni Avery

"Anong ginagawa mo dito" may bahid na inis na tanong ni Avery

Teka, magkakilala sila?

"Chill, Avy"

Marrying a Heartless GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon