Chapter 23

7.8K 193 14
                                    

Tulala ako habang nakatingin sa wallpaper ng phone ko. Picture namin iyon dalawa ni Keirro. Hanggang ngayon ay malakas parin ang tibok ng puso ko. It's already midnight pero masigla parin ang mga mata ko.

Nagpagulong-gulong ako sa kama habang iniisip ang nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala! Pakiramdam ko nasa panaginip lang ako pero hindi. Totoo ito!

"I'm starting to like you"

Napatili ako nang maalala ko ang sinabi nya. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan. Hindi parin ako maka-get over sa sinabi nya.

Kinabukasan ay matagal ako nagising dahil napuyat kagabi. Nakangiti kong ginawa ang morning rituals ko bago bumaba. Sumalubong sakin ang topless na si Keirro.

Napanganga ako dahil hawak nya ang isang sandok. Pakiramdam ko ay nagluto sya dahil pawis na pawis ito. Nagtama ang paningin namin. Naging balisa ako. Ngumiti ako sa kanya at tumakbo papunta sa kusina.

Tiningnan ko ang stove. Tama nga ang hinala ko. Nagluto sya ng Adobo? Naningkit ang mata ko. May naaamoy akong kakaiba. Lumingon ako kay Keirro. Nag-iwas sya ng tingin nang magtama ang mata namin. Agad kong kinuha ang sandok para tikman ang luto nya

Halos mabilaukan ako dahil sa alat. Idagdag mo pa ang sunog na parte sa karne.  Pinatay ko ang stove at uminom ng tubig

"Is it bad?" Nahihiyang tanong ni Keirro na nakaupo na ngayon sa bar counter

"M-maalat tapos sunog" saad ko

Napakamot sya sa ulo nya. Natawa nalang ako dahil ang cute nya tignan. Itinabi ko ang niluto ni Keirro. Naghanda ako ng boiled egg at gulay para sa breakfast. Naningkit ang mata nito nang makita kung ano ang ulam namin.

"B-boiled egg and...vegetables?" Hindi makapaniwala nyang tanong

"Uhuh"

Nilagyan ko ang plato nya ng kanin at ulam. Tahimik akong kumain samantala si Keirro naman ay parang nandidiri sa gulay

Sabado ngayon kaya walang pasok. Mag-go-grocery din kami mamaya dahil wala ng stock ang bahay.

Pagkatapos namin kumain ay agad ko niligpit ang pinagkainan at nagbihis. Simpleng jogging pants at fitted shirt ang suot ko. Kinuha ko ang sling bag ko bago bumaba.

"Where are you going?" Kunot noong tanong ni Keirro habang pinapasadahan ako ng tingin

"Tara, grocery" nakangiti kong sabi

"What?!"

"Bihis ka na" nakangisi kong sabi

Padabog umakyat si Keirro papunta sa kwarto nya. Humagalpak ako ng tawa dahil nasira ko ang mood nya.

Hay, Keirro. Pikunin masyado

Umupo ako sa sofa at naglaro ng dinner dash. Sinulyapan ko ang wrist watch ko. Sampung minuto na ang nakalipas pero wala parin sya.

Umakyat ako sa taas. Dumiretso ako sa kwarto ni Keirro. Nang buksan ko iyon ay halos matunaw ako.

Muntik ko na mahalikan si Keirro

Amoy na amoy ko ang bango nya. Wala sa sarili ko syang natulak. Malakas ang tibok ng puso ko. Dapat hindi na ako umakyat dito

"S-sorry. Hala, masakit ba ang katawan mo?" Nag-aalala kong tanong

Sinamaan nya ako ng tingin at tumayo. Kinagat ko ang labi ko dahil sa kahihiyan. Natulak ko sya, jusko. Naglakad sya papalabas samantala ako naman ay naiwan. Naglakad ako papunta sa baba at dumiretso sa parking lot. Agad ako sumakay nang umandar na ang sasakyan niya

Marrying a Heartless GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon