Chapter 29

6.8K 169 10
                                    


Sumibol ang kaba sa dibdib ko nang pumasok kami sa bahay nila Keirro. Kagaya ng dati ay marami paring gwardya at mga katulong na bumati sa amin. Napatingin ako kay Keirro nang bigla nya akong hinawakan sa kamay at marahang hinila papunta sa salas nila. Doon ko nakita ang mommy ni Keirro na nakangiti. Kasama ni Tita ang asawa nito at ang k-kapatid ni Keirro? Bakit parang kambal sila?

"Good evening po" nahihiya kong bati at yumuko ng konti

"Oh, dear. You're here! Hali ka dito. Upo ka." Lumapit sa amin si Tita at iginiya ako paupo

Ngumiti ako sa dad ni Keirro. Ngumisi lamang sya sa akin at ang kapatid naman ni Keirro ay ngumiti.

"Dad." Tawag ni Keirro sa ama. "I want you to meet, Akiya. My Girlfriend"

Nagsimulang magharumintado ang puso ko sa sinabi ni Keirro. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Keirro. Sigurado akong mukha ng kamatis ang pisngi ko

Kinabahan ako nang humalakhak ang dad ni Keirro samantala si Tita naman ay pumalakpak sa tuwa.

"Hindi ako nagkamali" halakhak ng dad ni Keirro

"I told you! They're perfect for each other!" Nakangiting saad ni Tita

"Congratulations, son. I'm proud of you! We'll plan the wedding after Akiya's graduation"

Uminit ang pisngi ko sa sinabi ng dad nya. Wedding? Hindi ko alam kung ano dapat ang mararamdaman ko. Kakabahan ba ako o matutuwa. Kakabahan kasi ikakasal na ako. Matutuwa dahil kay Keirro talaga ang bagsak ko

"Congrats bro. Paano si Cara?"

Natigilan ako nang magsalita ang kapatid nya. Paano nga si Cara? Binalot ng lungkot ang sistema ko.

"I don't like her anymore" mabilis na sagot ni Keirro at hinapit ang baywang ko

Napayuko nalang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Who's Cara?" Seryosong Tanong ng Dad nya

"His ex" tipid na sagot ng kapatid nya

Nanliit ako. His brother probably knows everything about them.

"You have Akiya. Why look for other girls?" Mahinang tanong ni Tita at tinabihan ako

"Ma, hindi ko na sya mahal" saad ni Keirro

"Good." Baritonong boses ng dad ni Keirro. "Don't ever hurt a girl's heart. Sometimes, we can't take back the things we once lost."

Masayang kasama ang parents ni Keirro. Napuno ang hapag nila ng tawanan. Kahit may istrikta at istriktong mukha sila ay masayahin parin. Their smiles made my heart flutter and sad at the same time. Masyado ko nang namiss ang parents ko.

"Are you sleepy?" Tanong ni Keirro sa kalagitnaan ng aming panonood ng movie sa kwarto nya

Umiling ako at ngumiti. We are watching a Hollywood Movie. Nakadapa kaming dalawa sa kama nya habang nakatingin sa TV.

"I... forgot to tell you about your siblings"

Bahagya akong natigilan sa sinabi ni Keirro. Hindi maproseso ng utak ko ang sinabi nya. Totoo nga na may kapatid ako?

"M-may kapatid ako?" Mahina kong tanong nang hindi sya nililigon

"They are my bestfriends back then... I mean your two brother"

Gusto ko maiyak. May kapatid nga ako pero bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko sila maalala? Nakakapanghina.

"Hey." Aniya at hinapit ako papalapit sa kanya at mabilis na niyakap. Doon ako nagsimulang maiyak. "I'm sorry. I thought you already knew about them"

Marrying a Heartless GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon