Chapter 28

6.8K 158 5
                                    


"G-good Evening po" kinakabahan kong sabi

"Ma! Anong ginagawa nyo rito?" Sabi ni Keirro at agad tinakpan ang katawan ko ng kumot.

Napapikit ako dahil sa kahihiyan. Pahamak ang clip na yon! Yumuko ako at mahigpit na hinawakan ang kumot na nasa katawan ko

"Are you really planning to make love with her?" Hindi makapaniwala na saad ng mommy ni Keirro

"No, ma. It was just an accident. Nahulog ang clip na naka ipit sa boxers kaya nalaglag" saad ni Keirro at hinawakan ang baywang ko.

Huminga nang malalim ang mommy ni Keirro bago nagsalita ulit.

"I'm relieved. Gagraduate pa sya, anak"

Kinagat ko ang labi ko. Akala ba talaga ng mommy ni Keirro na may mangyayari sa amin? Nakakahiya talaga

Nang umalis ang mommy ni Keirro ay agad kong kinuha ang clip at muling sinuot ang boxers. This time sinigurado ko na hindi na iyon matatanggal o mahuhulog

"Hello, dear. I'm sorry kanina. I was just surprised" tumatawang ani mommy ni Keirro nang nasa hapag na kami

"Ok lang po, mam" saad ko

"You can call me Tita, dear. Tita Josephine"

"S-sige po tita Josephine" nakangiti kong sabi

Nakahinga naman ako dahil hindi pala ito strikta. Kanina kasi pakiramdam ko nangangain ng tao si Tita.

Sinerve ng mga katulong nila ang mga pagkain. Halos puno na ang mesa sa dami ng pagkain. Kadalasan sa mga iyon ay pagkain ng mga japanese.

Nagsimula kaming kumain habang patuloy parin sa pag-uusap. Maraming na-ikuwento si Tita Josephine tungkol kay Keirro. Sya ang panganay sa kanilang magkapatid. Kasama ng papa nya ang bunso ni Keirro dahil may inasikaso daw ito.

"Ma, magkasing-edad lang si Akiya at Kyden" angal ni Keirro kay Tita

"Oh? 3rd year college? Ayy oo nga pala" humalakhak si Tita

Napuno ng tawanan ang hapag dahil sa pagiging talkative ni Tita. Nang matapos na kami sa pagkain ay tumulong ako sa pagligpit.

"Sabi na eh! Bagay kayo ni Keirro" nakangisi na sabi ni Tita

Mahina naman akong natawa.

"You know, ginawa ko ang arrange marriage kasi alam ko in the near future kayo parin para sa isa't isa" dagdag na sabi ni Tita

"N-nagkita na po tayo dati?" Naguguluhan kong tanong

Sa pagkakaalam ko, ngayon lang kami nagkita ng parents ni Keirro. Pero bakit dati? Hindi naman ako sumasama kila mommy sa mga business meetings

"I saw you before! You were 15 that time. Kasama mo pa ang mga triplets "

Mas lalo akong naguluhan. Wala akong naaalala. M-may kuya ako? Sa pagkakaalam ko ako lang isa ang anak nila

"P-po?"

"Ikamusta mo nalang ako sa mga kapatid mo, dear. Siguro ang laki na nila" nakangiti nyang sabi

Tumango ako sa sinabi ni Tita at ngumiti ng pilit.

"Ihahatid na kita. It's already 11" bulong ni Keirro sabay yakap mula sa likuran ko.

Halos mapaigtad ako sa ginawa ni Keirro. Nakakahiya kay Tita!

"Dear, you can sleep here naman! I will tell your parents" tumatanongong sabi ni Tita at akmang tatawagan na sina mommy

"Ah eh. Tita may gagawin pa po kase ako sa bahay. Tsaka, maaga po kaming magpapalaundry bukas" nahihiya kong sabi

"Is that so? Sayang naman"

Marrying a Heartless GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon