Kabanata 2
What?
Beatrix Aubrey's POV
Matapos kong magpagamot ang sugat ko ay dali-dali akong lumabas duon. Paniguradong nag-aalala o naiinip na 'yong babaitang iyon sa akin.
Hinihingal ako nang makabalik sa may store na pinasukan niya kanina at sakto namang nag-ring ang phone ko.
Tinignan ko ang screen at nakita ko ang pangalan ni Liza kaya naman agad ko itong sinagot.
[Thank god, Beatrix! Kanina pa kita tinatawagan! You are out of coverage! Saan ka ba nagpupunta?! Sabi ko ay hintayin mo ako at pupunta tayo ng pharmacy! Hindi iyong nag-gagala-gala ka diyan!] Bungad niya nang masagot ko ang tawag.
Bahagya ko pang nailayo ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa biglaang pagsigaw niya.
'P-pero? Out of coverage? Nasa likod lang naman ako ng mall, eh'
"N-nasaan ka?" Tanong ko.
[Nasa kotse na ako! Bilisan mo at pasara na yang mall!] Sigaw niya pa at nanlaki ang mata ko.
As if on cue, narinig ko na ang babala sa speaker na magsasarado na ang mall ng fifteen minutes.
"S-sige! Papunta na diyan!" sabi ko at pinatay ang tawag.
Tumakbo ulit ako papunta sa parking lot. Mabuti nalang at wala akong nabangga dahil lutang na naman ang utak ko
'Papaanong ganoon ka tagal akong nawala? Para kinse minuto lang naman ako nanduon sa loob ng unknown place na iyon'
Nang makita ko ang kotse ni Liza ay agad akong sumakay sa tabi niya at nakita ko ang pagka-kunot ng noo niya.
"L-look. Bago mo ako pagalitan, hindi ko rin alam kung bakit ganoon ako katagal nawala at kung saan ako galing," pangunguna ko sa kanya.
"Alam mo ba na hindi ako kumain ng gabihan dahil kanina pa kita hinahanap? Anong oras na po? Alas-dies na at baka nag-aalala na sila Daddy duon!" Paniniremon niya sa akin.
"Sorry na nga, eh! Saka na gamot ko naman na iyong sugat ko at tara na para makapag-pahinga na tayo at maagang magising at bumyahe," nakangusong sabi ko.
Nang marinig niya ang salitang 'byahe' ay agad naman nagliwanag ang mukha niya.
"Oo nga pala! Then off we go!" sabi niya at pinaandar ang makina.
Napailing ako at napabuntong hininga bago nagsuot ng seat belt ko. Hindi naman na siya matigil kakadada kung anong gagawin namin duon ng makarating kami.
Ako naman ay parang ngayon lang naramdaman iyong pagod ko kaya pinili ko nalang ipikit ang mata ko.
'Bahala siya kumausap sa sarili niya'
Nagising ako nang may marahan na tumatapik sa pisngi ko at halos atakihin ako sa puso nang bumungad sa akin ang isang nakakadiring halimaw.
'What the hell!?'
"Ahhhhh!!!!" Buong lakas na sigaw ko habang mariin na nakapikit.
"B-bakit?! Bakit?!" Muli akong napadilat at nakita ko si Liza duon.
'T-teka? Si Liza ba iyon? Siya ba iyong halimaw? N-no! Hindi!'
Tumingin ko sa paligid namin at wala namang bakas ng halimaw na iyon.
'Namalikmata yata ako. Tsk! Ma-tautrauma yata ako duon sa bilog na iyon!'
"Okay ka lang? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya.
BINABASA MO ANG
Darkness the New Light | ✓
FantasyDo you believe in magic? In fairies? In pegasus and any other extraordinary, magical creatures? What if I tell you that there is a world like that? A world that full of mysteries and surprises. A world that was beyond your imagination. What if you...