Kabanata 38

80 4 0
                                    

Kabanata 38

Attack







Liza’s POV

“Traydor kayo. Mga traydor,” Nanghihinang sabi ko.

Duon ko lang napansin na halos wala na akong boses. Paniguradong hindi nila ako pinakain at pinainom ng kahit ano sa loob ng isang buwan.

‘It is really surprising that I’m still alive’

Ngumisi si Orteya at bahagyang umirap. Bigla namang sumulpot sa tabi niya si Portia. Agad na nangunot ang noo ko nang makitang katulad ni Orteya na ngayon ang itsura niya.

Gone with the creepy black eyes and black vines.

‘Did I really saw it right or I’m just hallucinating that night?’

“Kasalanan ba naming madali kayong mauto?” Natatawang tanong ni Portia.

Sabay silang natawa. Tuwang-tuwa sa kanilang ginawa, mukhang proud pa nga sila, eh!

Pinili ko nalang na huwag magsalita. Dahil bukod sa wala na akong lakas, hindi ko masikmura na tignan ang mga mukha ng mga traydor.

“Leave her alone. You still need to prepare their food because they’ll probably wake up anytime soon,” Rinig kong malamig na boses ni Eyphah.

Muli kong inangat ang aking paningin at nakita ko si Eyphah na nakatayo sa hindi kalayuan sa amin ngayon. Ngunit hindi gaya nung gabing ‘yon, nakatalukbong na ang hood ng cloak niya sa kaniyang mukha dahilan para matakpan ang buo niyang mukha.

“We still need to show the other side their failure students,” Malamig na sabi ni Eyphah.

Natawa muli sila Orteya at Portia bago ako tinalikuran para sundin ang sinabi ni Eyphah. Napaismid ako at piniling yumuko nalang.

I can’t feel my hands now, they’re really numb. Buong katawan ko ay masakit at ang ibang parte ay namamanhid na.

‘Ikaw ba naman isampay ng isang buwan’

“Akiza?” Tawag ko sa aking alaga gamit ang isip.

“Master,” Agad niyang sagot.

Nilibot ko ang paningin ko at hindi naman nagtagal ay nakita ko siya. She’s placed in a dark cage, together with the other elemental pets. They look so tired and worn out. Mukhang naapektuhan sila ng dark cage na iyon.

Hindi din naman sila makatakas dahil sa labas ay nandoon si Kayle na binabantayan silang lahat.

“Are you okay?” Tanong ko sa kaniya.

“Ayos lang po ako, Master. Kaya ko pa po,” Sagot niya sa akin.

Wala na ang boses niyang masiyahin nuon. Napabuntong hininga ako at iniwas ang paningin sa kaniya. Hindi naman inaasahan na napatingin ako sa kuweba ng phoenix.

Ngayon ay wala nang nga niyebeng nakapalibot sa labas ng kaniyang kweba. I don‘t know how they manage to do it but they made a gate to secure the phoenix inside.

They made a camp in the middle. Nanduon ang mga kawal nila Eyphah. Ang mga Darkians ay nakasuot ng cloak, gaya ni Eyphah ay tago ang mga mukha. That was weird because only Orteya and Portia shows their faces.

Mayroon din akong nakikitang mga dark elfs at faeries. May mga witch na nag-uusap sa sarili nilang wika at kung makatawa ay wagas.

Sinubukan kong hanapin ang mga kasama ko at nakita kong nakatali rin sila sa bawat isang puno. Isang puno ay isang tao, pare-pareho kaming nakasampay.

Darkness the New Light | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon