Kabanata 3
Bitten Again
Beatrix Aubrey's POV
"Naku! Napakakulit niya! Tuloy ay natagalan pa kami!" Kunot noong sabi ni Mr. Reihl dahil sa inis.
"Tsk! Dad! Ikaw ang nagpatagal sa atin! Huwg mo akong sisihin!" Mataray na sabi ng bunso.
"Haist! 'Wag na kayong magtalo! Nakakahiya sa bisita," suway ni Mrs. Reihl sa mag-ama niya.
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko at mukhang ganoon din sila Liza at ang pinsan niya.
Nasa iisang hapag lang naman kami ng isang pamilya na mukhang malapit kay Lola at ngayon lang namin nakita.
"Lola, sino po sila?" Mahinang tanong ni Liza pero narinig ng bisita.
"Liza..." Nagbabantang suway ni Lola kay Liza.
Napanguso si Liza ngunit narinig naman naming natawa si Mrs. Reihl kaya napatingin kami sa kaniya.
"How rude of us! Sorry, nakalimutan namin magpakilala" natatawang paumanhin ni Mr. Reihl. "I'm Arthuro Reihl. The father"
"I'm Antonette Reihl. The mother" pakilala ni Mrs. Reihl.
"Ranica Reihl," Masungit na pakilala ng bunsong babae.
Tumingin kami sa lalaking kasalukuyang busy sa kakalaro ng ewan sa ilalim ng mesa.
"Gray.." mahinang tawag ng nanay niya sa kanya nang hindi ito umimik.
Nag-angat siya ng paningin at nagtatakang nagtanong ang mga mata niya saka binuka ang bibig at sinabing 'what?' ng walang boses.
"Magpakilala ka," utos ni Mrs. Reihl.
Bahagyang umawang ang labi niya at tumango.
"I'm Gray Reihl. First born," pakilala niya at saka muling tinuon ang paningin sa ilalim ng mesa.
Tuloy nacu-curious ako kung anong meron duon.
Ngumiti si Mr. Reihl at bumaling muling sa amin nang matapos silang magpakilala.
"And who are these beautiful ladies?" Nakangiting tanong ni Mr. Reihl.
"Ako po si Portia Buenavista at ang kapatid ko na si Orteya Bueanavista" Pakilala ni Portia sa kanilang dalawa.
Tinuro niya pa gamit ng kamay ang kapatid na nasa tabi niya na siyang kumaway naman.
"Ako po si Liza Buenavista," pakilala ni Liza.
Ngayon ay natuon ang paningin sa akin kaya naman aligaga akong nagpakilala.
"I-I'm Beatrix Aubrey, " nauutal na pakilala ko dahil sa kaba at gulat.
Duon lang nag-angat ng tingin si Gray at tumingin sa akin kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin.
Sakto namang tumama sa mag-asawa ang aking paningin na ngayon ay nakakunot na ang noo nila.
"Your last name is Aubrey?" Naguguluhang tanong ni Mrs. Reihl at hilaw akong tumawa."U-uhm...no," sabi ko at pilit na ngumiti.
"Then, what is it?" Naguguluhan ring tanon ni Mr. Reihl.
Pilit ang tumawa ng mahina at sinulyapan si Liza. Nanlaki naman agad ang mata niya at tumiwid ang likod.
"U-uhm, she's a Buenavista too. Ayaw niya lang bangitin dahil masyado daw mahaba," natatawa pang palusot ni Liza.
"Oh! I see," tatango-tangong sabi ni Mrs. Reihl.
Bumungtong hininga ako saka nagbaba ng tingin sa kamay kong nasa hita ko.
BINABASA MO ANG
Darkness the New Light | ✓
FantasyDo you believe in magic? In fairies? In pegasus and any other extraordinary, magical creatures? What if I tell you that there is a world like that? A world that full of mysteries and surprises. A world that was beyond your imagination. What if you...