Kabanta 36

82 4 0
                                    

Kabanata 36

Tornado








Liza’s POV

Nagpasya kaming kumain dahil nagsisimula na kaming magutom. Nang matapos ang umagahan namin ay nagpatuloy kami sa paglalakbay.

Hindi ko alam kung magiging masaya ako o maiinis dahil sa ginagawa nila. Paano ba naman kasi, habang naglalakad kami ay hindi nila ako pinapayagang umalis sa gitna nila.

Literal nila akong pinapalibutan—well except from Judith of course. Kailangan daw kasing maging maingat dahil baka may biglang umatake sa amin at ‘kuhain’ ulit ako.

‘Tama bang sabihin kong napaka-OA nila sa sitwasyong ito?’

Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa unahan. We’re still walking to reach the center of Morculus Forest.

Hindi pa man namin nakakalahati ang paglalakbay namin ngunit nakaramdam na kami ng pagod. Mataas na rin ang sikat ng araw at sa tingin ko ay magtatanghali na.

Bakas na ang pagod sa mukha naming mga babae ngunit ang dalawang lalaki ay nanatiling tahimik at seryosong naglalakad. Kahit malamig ang panahon namin ngayon ay ramdam ko ang pawis na namumuo sa nuo ko.

Napakapit ako kay Martin sa tabi ko dahilan para napatingin siya sa akin.

“What?” Tanong niya.

Ngunit imbis na magsalita ay huminto ako sa paglalakad. Dahil duon ay napahinto rin sila sa paglalakad at napatingin sa akin.

“Bakit ka huminto?” Nagtatakang tanong ni Gray sa akin.

Binalingan ko siya nang may matalim na mata at bahagya pang hinahabol ang hininga. Kanina pa kami naglalakad at hindi na ulit nagpahinga. Sumasakit na ang paa ko kakalakad.

‘Bakit kasi wala kaming sasakyan?’

“Napapagod na ako,” Reklamo ko.

Napatingin sa akin ang mga kasama naming babae at tumango bilang sang-ayon sa nararamdaman namin ngayon.

“Oo nga,” Reklamo rin ni Ivy.

“At nagugutom na rin ako,” Nakangusong sabi ni Aby.

Napatingin sa paligid si Gray na parang naghahanap ng hihintuan namin. Ngunit dahil ang lugar na ito at maraming nalikom na niyebe at kakaonti lang ang mga puno ay halatang wala kaming mapaghihintuan.

“This is not a safe place to stop by,” sabi ni Gray.

Napanguso ako at humalukipkip. Hindi pa nga kami nagtatagal ng isang araw ay parang gusto ko nang tumalikod at umatras sa misyon.

Ngunit dahil kailangan namin ito ay hindi pwede.

‘Pero gusto ko nalang na mahiga sa kama!’

“Bakit kasi hindi nalang tayo lumipad!” Nakangusong angal ko.

“Hindi pa nga alam ng iba lumipad, Liza. Maiiwan pa rin ang iba,” sabi ni Gray.

Palihim akong napa-irap dahil isa rin iyon sa problema. Hindi kami lahat marunong lumipad.

“What about our pets?” Tanong ni Katie.

Napatingin kaming lahat sa kaniya at nangunot ang noo.

“Anong kinalaman nila dito?” Tanong ni Judith.

“Bren is a dragon! We can ride on him and we can easily arrive at the heart of Morculus Forest,” Nakangiting suhestiyon niya.

Para kaming nakakita ng liwanag at awtomatikong napangiti.

Darkness the New Light | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon