Kabanata VII (The Past *Meg's POV)

117 5 0
                                    

Maid Slash Lover| Kabanata VII

Hinigpitan ko ung pagkakahawak ko sa palayok.

Huminga muna ako ng malalim at pumikit.

Lord, Ikaw ng bahala sakin. Sa heaven po sana ako makapunta.

I opened the door.

"Yaaaaaaaaah!"

"Woah! Woah!" napastop ako at yung palayok sa mukha nung nagsalita.

Ito nanaman yung feeling. Bumibilis yung tibok ng puso ko.

"J..Jared?!" Nagblink-blink pa yung mata ko habang tinitingnan ko siya.

I missed his face.

"Yeap. The one and only." sabi niya habang nakangiti.

I missed his smile.

"A..anong ginagawa mo dito? Teka. Paano mo nalaman na dito ako nakatira? At k..kelan ka pa dumating?"

Sa pagkakaalam ko, nasa Hawaii siya para sa business nila. Dun na din kasi siya nag-aral mula ng umalis siya dito sa pilipinas.

"Wait, bago ko sagutin yang mga tanong mo. Pwedeng pakibaba muna yang palayok  mo? Mamaya makatulog ako ng di oras dito oh."

"Che! Kahit kelan hindi ka pa din nagbabago Jared. Pasok ka muna dahil madami talaga akong itatanong sayo." 

Iniwan ko muna siya sa sala para kumuha ng pagkain.

Btw, He's Vince Jared Rillafuerte.

My childhood bestfriend slash first love.

Yes. He's my one and only first love. At hanggang ngayon.

May dalawang dahilan sa akin si Jared bago siya pumunta ng Hawaii. Nung una, ayaw niyang pumunta dahil ayaw niya akong iwan. Pero for the sake sa business nila, sumama siya kahit ayaw niya. The second reason is, dahil din sa girlfriend niya.

Naalala ko nanaman dati nung una kong nalaman na may girlfriend siya.

**Flashback

1 years ago...

Nasa may garden kami ng mansion nun. Nandun kami sa tambayan namin.

Ito yung pinakamahalagang place para sakin. Dito kasi ako nagconfess sa kanya.

Nakaupo ako at nakasandig sa puno, siya naman nakahiga sa lap ko.

"Ella.."

"Hmm?" sagot ko habang nakapikit.

"Bukas na ang alis ko."

"I know that. Wag mo munang ipaalala, mamaya maiyak pa 'ko niyan. Sige ka, gusto mo ba yun?" naiiyak na din ako that time. Dahil aalis na yung bestfriend mo... ung mahal mo.

"Ella... I'll miss you."

Ngumiti ako kahit nakapikit.

"I'll miss you more, Jared."

"Sumama ka bukas pag ihahatid na kami sa airport Ella. I want you to meet my...girlfriend."

Girlfriend

Girlfriend

Girlfriend

"G..Girlfriend? T..talaga?" Pinunasan ko yung mata ko. Letseng luha oh. Dire-diretso ba namang tumulo. Buti na lang hindi natuluan ng luha yung mukha niya.

Maid Slash LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon