Kabanata VIII (Epic!)

115 4 1
                                    

Maid Slash Love| Kabanata VIII

Freak!

Makapagpacute kay Daisuke kulang maglupasay na sa sahig para lang mapansin siya. Argh!

Kung nakakamatay lang ang titig, kanina pa comatose yang babaeng yan! -____- I'm tellling you.

Andito kami ngayon sa living room kasama yung magiging bagong katulong ni Ryuuji. Ayaw kasi ni Ryu yung dati niyang maid dahil masungit daw kaya nagpa-apply uli sila ng mga maids.

Kaya ako nandito ay dahil ako daw yung pipili ng bagong katulong ni RYuuji. Pero sa ngayon pa lang ay wala pang pumasa sa panlasa ko. Eh, paano ba naman. Imbes na si Ryuuji yung askasuhin, eh si Daisuke pa yung gustong mag-utos sa kanila! Like duh! Ako kaya katulong ng isang yan. Ito namang Daisuke, utos din ng utos. Yung mga malalanding katulong naman pumupunta. Tss!

"Next." Sabi ko habang nakapangalumbabang binabasa ang mga bio-data ng nag-aapply ng Maid.

"Tanggap na ako? Ha? Thank you! Ang gwapo talaga ni Sir!" Habang nakatingin kay Daisuke at todo kilig. Maihi ka sana! =____=

"Sorry Miss. Hindi ka tanggap eh. Base kasi sa pagmumukha mo, hindi ka katiwa-tiwalang katulong. Marape pa ng di-oras yung amo ko. Next!"

Tinaasan ba ako ng kilay? Wow ha. Tss. Totoo naman eh. Mukhang rapist, kababaeng tao. Eww.

"H..hi. Good morning po." Bati sakin nung kakaupong babae.

"Hey you. Look at me." Nakayuko eh. "Wait, you look familiar." Nakita ko na siya before eh. Hindi ko lang maalala.

"Po? Ako?"

"Yes you. Ah! Naalala ko na, ikaw yung nerd girl sa DU diba? Bakit ka pala nag-aapply ng trabaho dito?"

"Ah eh.. Ako nga po yun. Working student din po kasi ako eh. Nagresign po ako dun sa dati kong trabaho bilang waitress dahil mababa lang po yung sweldo at kung minsan ay hindi na po binibigay yung sweldo ko." Nakayuko niyang sabi.

"Well." Inabot ko sa kanya yung application form niya. "You can now start tomorrow."

Nagliwanag yung mukha niya tapos niyakap ako. Omg. "Thank you po! Thank you! Hindi niyo po alam kung gaano ako kasaya dahil tinanggap niyo ako sa trabahong ito. Promise po! Pagbubutihin ko. Salamat po talaga!" Kumalas siya sa pagkakayakap at tumakbo palabas.

*Booghs*

Tinanaw ko siya sa may gate, at ayun, nadapa -___-

"O..okay lang po ako! Thank you po uli!"

How clumsy =____= First nung nabunggo niya ako sa hall way, ngayon naman nadapa. Oh, great.

Buti at meron pa ding matinong nag-apply kahit papaano. Yung nerd girl na yun mukha namang mapagkakatiwalaan. Kahit napakaclumsy ng isang yun, I know she can do better.

"Bakit yun? Don't tell me siya yung napili mong katulong ni Ryuuji?"

"Ohh. Yes sir siya nga! Don't worry, she's nice naman. Siya na ang pinakamatinong nag-apply bukod sa mga malalandi kanina."

"Sana nga you made the right decision. Kung ikaw na lang din kaya sana ang maging katulong ni Ryu diba?"

"Ha?!" Ano naman kaya yun? Ayoko ng multi-tasking noh! =____=

"Wala nevermind." pinatay niya yung tv at umakyat na.

Tsss! Tamo mo yun, ang bilis magbago ng mood =____=

Pumasok ako sa loob ng kwarto at nagshower na. Pagkatapos kong magshower ay naghanda na ako ng dinner.

Sa araw na ito, wala pa akong nagagawang utos galing kay Daisuke =__= Wagas makautos sa mga nag-aapply kanina eh.

Maid Slash LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon