Maid Slash Lover| Kabanata IX
Huminto ako sa isang bench sa park para inumin yung dala kong tubig. Mag-iisang oras na din akong nagjojogging. Hindi ko maiwasang hindi maisip yung nangyari kaninang umaga.
Paano napunta yun sa kwarto ko?
Ako pa talaga sinisi kung bakit siya nandun sa kwarto ko. Tsk. Anong malay ko dun. Mga palusot nga naman oh. Tss.
Tuwing naririnig ko ang pangalang Ysha, naaalala ko siya.
Patrisha Suarez Navalta.
Her friends call her Pat. Pero ako, I call her Ysha. Gusto ko ng naiiba eh, magagawa ba nila?
Dahil bilang bestfriend niya, pumayag siyang yun ang itawag ko sa kanya.
Oo, besfriend ko siya.
**Flashback
Grade 5 ako nun.
Tumakbo ako papalapit sa mama ko pagkauwi ko ng school. Nakita kong may mga bisita kami sa living room kaya naman pinalabas muna niya ako at pinaglaro muna sa labas.
Dating lugar pa din ako, sympre sa tambayan ko sa may silong ng puno di kalayuan sa garden ni mama. Pagkaupo ko may nakita akong hairclip na kulay pink. Lumingon-lingon ako sa paligid baka may ibang tao. At yun nga. Hindi ako nagkamali, may nakita akong isang batang babae na nakahiga sa damuhan at mukhang tulog.
May naapakan akong sanga ng puno kaya bigla siyang nagising ng di oras. Sa gulat niya ng makita ako tumakbo siya sa likod ng malaking puno.
"Nakakita ka ba ng multo?" tanong ko habang siya nakasilip lang siya sa may puno. "Sayo ata ito." Iniabot ko yung hairclip na napulot ko kanina. Lumapit naman siya at kinuha niya.
"Sino ka? Bakit andito sa garden ng mama ko? Magnanakaw ka noh!" Pambibintang ko.
"H-hindi po! Sorry po, sorry po! Hindi na mauulit. Sorry po talaga!" Dirediretso siyang yumuko.
"Itigil mo nga yan, hindi ka ba nahihilo sa ginagawa mo? Sino ka?"
"H-Ha.. Eh, a-ako si Patrisha. S-Sabi kasi ng mommy mo hintayin daw kita dito para maglaro tayo."
"Hindi ako nakikipaglaro. Maglaro ka na lang mag-isa. Isa pa tinatamad ako."
"A-Alam ko na! Gusto mo ba ng cookies? Ito oh! Kuha ka lang. Madami pa ako niyan." Habang inaabot niya yung isang pirasong cookies.
"Ayoko."
"G-ganun ba? Sayang naman. Masarap ito, si mama nagbake niyan. Tikman mo lang dali. Ito oh." Inaabot niya sakin yung cookies habang nakangiti.
Ang cute pala niya kapag nakangiti. Hindi ko namalayan kumakain na din ako ng cookies. At hndi lang isa. "Meron pa bang cookies?"
"Gusto mo pa? Sabi sayo eh! Masarap diba? kaso wala na eh. Wag kang mag-alala, magdadala uli ako dito bukas kapag namasyal kami ng mommy ko magpapabake uli ako kay mommy." Ngumiti lang ako.
"Waaaaaah!"
"Bakit?"
"Ang cute mo palang magsmile. Dapat lagi kang nagssmile para hindi ka magmukhang masungit, tumatanda ka pa tuloy." Tumawa lang ako at siya nakitawa lang din.
"Ano pa lang pangalan mo?"
"Daisuke." Matipid kong sagot.
"Nice meeting you Daisuke!" Hinawakan niya yung kamay ko tapos ishinake niya sa kamay niya. Ngiti lang sinagot ko.
Kinaumagahan nun, may dala-dala uli siyang cookies na sobrang dami. Isang basket nga yun eh. Sabay namin kinain lahat.
Tawanan, kwentuhan, kulitan.
BINABASA MO ANG
Maid Slash Lover
Teen FictionIsa siyang Mayaman, Maldita. Mapapasok sa isang arrange marriage na gawa ng mga magulang niya. Magpapanggap siyang mabait na katulong ng kanyang fiancee at papaibigin nito sa iba niyang katauhan bilang Ysha. Pagpapanggap nga lang din ba ang pag-ibig...