Chapter 2

915 30 1
                                    

Kinabukasan, pinilit kami ni Ate Vicky na magstay muna kami dun sa resthouse malapi sa beach. Para kunyari nasa honeymoon kami pero hinde. 

Nakahiga ako ngayun sa malaking kama at nakatitig sa kisame, nanunuod kung pano umikot yung ceiling fan. Joke.

Syempre naman hindi ko katabi si James. Nandun sya sa living room, dun sya natulog sa sofa kasi pag magkatabi kami sa kama, baka kung panu pa magawa ko sa kanya. Baka masuntok ko sya kaya wag na lang.

Tumayo ako at nagpunta dun sa banyo para maghilamos ng muka ko. Pinadala na rin ni Ate Vicky at Ate Dary yung mga damit namin kasi magiistay daw kami dito for 1 week.

Kumuha na ko ng damit ko. Dahil wala naman siguro kaming pupuntahan, t-shirt na lang tsaka sweatpants.

Pagkatapos kong maligo nagbihis na ko tapos hinayaan ko na lang na kusang matuyo yung buhok ko.

Lumabas na ako sa kwarto at himala, amoy bacon sa kusina. Pagpasok ko ng kusina nakita ko si James nagluluto. Naka boxers lang sya kaya nagulat ako.

"Ay pusang kinalbo!" sigaw ko tapos tinakpan ko yung mata ko tsaka ako tumako sa sal at nanuod ng TV.

Puro balita naman yung palabas sa TV kaya naisipan ko na manuod na lang ng MYX.

"At ang number 1 sa ating Pinoy Myx countdown ay ang napakagandang si Nadine Lustre with her song Paligoy-ligoy" sabi ni VJ Chino na nasa TV

Nagulat naman ako, syempre nakakatuwa kasi bagong labas pa lang nung music video ko, tapos nag number 1 pa.(kunyari lang. Matagal na yung video na yun) 

Habang nagpe-play yung video, pinanuod ko yung sarili ko. Ganun pala ko kaweird (pero ganda nya dun) Nakikanta na din ako sa ibang lyrics. 

"Hangang hanga sa sarili?" tanung nung epal sa likod ko. Humarap ako sa kanya, at thankfully. Nakadamit na sya.

"masama bang panuorin ang sarili sa TV?" tanung ko rin sa kanya tapos yung isang kilay ko, nakataas. Taray ng peg.

"hindi naman. Eh kasi, kanina ka pa dyan nakangiti habang pinapanuod mo yung kabaliwan mo sa TV" sabi nya tapos natawa pa ang loko.

Inirapan ko lang sya tapos pinanuod ko pa yung iba pang mga ipinapalabas na videos.

"Baka himatayin ka dyan, kain na" Tumayo ako tsaka nagpunta sa kusina. Akalain mo, marunong pala talaga syang magluto. Kala ko masusunog nya yung bacon at itlog eh.

Inabutan nya na ko ng plato tapos kumain na kami.

"Marunong ka palang magluto" sabi ko sa kanya habang sumusubo ako ng madami. Alam ko, matakaw ako.

"Oo, tinuruan ako nung lola ko nung bata pa ko" sabi nya tapos sumubo sya ng matino. Parang yung mga sobrang susyal. Grabe, pogi nya pala. Nung tinitinignan ko sya, parang slow-mo yung nangyayari.

"Huy, Nadine. Nadine Hello, hi" sabi nya tapos kumakaway kaway pa sya.

"Bakit?" maikling tanug ko

"Gwapo ko no?" tanung nya tapos nagwink pa.

Nilayu ko na lang yung mata ko sa kanya tapos sinumpak ko yung bacon sa bibig ko.

"Alam mo, mas gusto ko sa babae yung katulad mo. Wala kang arte sa sarili. Tulad nya, kumakain ka ng totoo hindi ka nagdadahan dahan" sabi nya tapos naka smile sya sakin ng bongga.

"Salamat" maikling sagut ko.

"May dusing ka dyan" tapos tinuro nya yung dulo nung lips ko.

Hinanap ko naman, este kinapa ko kung nasan pero di ko nakita.

"Here, let me" sabi nya tapos pinunasan nya ng thumb nya yung corner nung lips ko.

I swear, may mga dragon sa tyan ko, nagwawala may kasama pang butterflies tsaka lion.

Pagkatapos namaing kumain, ako na yung naghugas ng pinggan na pinagkainan namin. Kasi sya yung nagluto diba? Kaya aku naman maglilinis.

Habang pinupunasan ko yung lamesa, tumunog yung cellphone ko, may text.

From: Ate Vicky

       Nadine, magpost kayo ng picture nyo ni James kahit ano. Bilis. Tapos ipost nyo sa instagram at twitter. -Vickyxx 

"James!" sigaw ko sa kanya.

"Nadine! nawawala ka?" tanung nya tapos tumawa sya.

'iiihhh, bwisit na to' sabi ko sa sarili ko.

Ako na lang yung pumunta sa kanya kasi alam ko naman na sobrang tamad nya.

"Picture tayo" utos ko sa kanya.

"Bakit? hanga ka sa muka ng asawa mo?" tanung nya tapos nag pose pa sya ng pogi pose. Yung parang pa chck yung sign.

"ha, sinung nagsabi? At tsaka hindi kita asawa noh, peke kaya yung kasal" sabi ko with rolling eyes pa.

"eh bakit nga gusto mo ng picture?" tanung nya

"Kasi nagtext si Ate Vicky, gusto nyang mag post tayo ng picture natin sa instagram at twitter" paliwanag ko sa kanya

"wehhhhh?" maka weh naman toh

"sige ayan o, kahit basahin mo pa" sabi ko tapos pinakita ko sa kanya yung text. Binasa nya ng malakas yung text na halos marinig na ng mga isda dun sa dagat.

"Okey dokey," sagut nya tapos tumabi sya sakin. Iba ibang pose na yung ginawa namin pero hindi namin alam kung anu yng normal na gawain ng mga mag-asawa.

Bride For Hire (Nadine Lustre and James Reid fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon