Kung anu anong pose na yung naisipan namin ni James. Kasi naman eh. Anu bang alam namin sa mga gawain ng mga normal na mag asawa noh, Chos.
"Anu kaya kung mahiga na lang tayo dito sa couch, then you'll kiss me on my cheeks tapos ngingiti ako ng pagkalaki laki" suggest nya
"geh geh kahit ano" sagut ko sa kanya
Pinagkasya namin yung mga sarili namin sa couch kasi naman eh, wala bang mas malaking upuan sa mundo?
Kiniss ko yung pisngi nya tapos nag smile sya ng very big sa tapos nag snap na yung camera.
Pinost ko na sa twitter with caption pang "having a lazy day with my husband" Yuck kakasukang sabihin na asawa ko yung lokong nasa tabi ko.
"isa pa" sabi ko tapos tumingin sya sakin na parang labing isa yung butas ng ilong ko.
"talaga? siguro itatago mu lang yung mga pictures natin para pag nagdivorce na tayo, nanamnamin mo yung muka ko noh?" sabi nya tapos nag pacute pa.
"sira! para kaya toh sa instagram anu ka?" pagtataray ko sa kanya tapos nilagay ko yung kamay ko sa bewang ko at pakiramdam ko isa kong mataray ng nanay na sinesermunan yung baliw nyang anak.
"ganun po ba, sorry po" sabi nya.
Ganun na ba ko katanda at kailangan pang mag po? Hayyyy life parang buhay.
Pumunta kami sa balcony ng bahay kung saan kitang kita yung view ng beach. Nakaakbay sakin si James tapos ako waley lang, di naman kasi kita yung lower part ng katawan namin sa picture eh, hanggang balikat lang.
Habang nakaakbay sya sakin, ako naman nilagay ko yung ulo ko sa dibdib nya sa malaki nyang chest. Grabe ang tigas. Ganu katagal na kaya syang nagwo-eork out? Laki ng muscles nya eh.
This time, phone naman nya yung ginamit namin nag snap na yung camera tapos pinost na nya sa insta with a corny caption.
"Ganda ng view no? pero mas maganda yung nasa tabi ko. Lalu na at Mrs. Reid nya sya ngayon" Seriously?! Parang hindi naman bagay yung Nadine Reid. Mas bagay pa yung Nadine Styles. Ayineh! Kapales ng fes.
Wala pang isang minuto vibrate na ng vibrate yung phone ko. Punong puno ng notification, ang damin nag fe-favorite ng picture namin ni James. Grabe, nakakakilig ba? Ambabaw naman.
Mga 15 minutes pa, nagtext si Ate Vicky.
From: Ate Vicky
Good job Nadine, mamayang 8pm ng gabi may date kayo ni James ok? Papadala ko na lang yung isusot ny mamaya. Nagpatawag na din ako ng mga paps para makunan kayo ng video. Wag kayong sasagot sa mga tanong nila ok? -Vickyxx
I swear sa lahat ng mga publicity stunts na nagawa ko na noon, ito yung pinaka ayaw ko.
"Nadine!" sigaw ni James
"James! nawawala ka?" tanung ko sa kanya parang yung pagkakatanung lang din nya sakin kanina.
"halika dito bilis!" sigaw ulit nya kaya lumakad ako papunta sa kanya. Nung nakarating na ko sa sala, nakita ko si James na nanunuod ng music video nya sa MYX. Epal na to' eh sya din naman pala eh, pinapanauod yung sarili sa TV.
"oh ano? GGSS ka na din?" tanung ko sa kanya
"anung GGSS?" tanung din nya
"Gwapung-gwapo sa sarili" sagot ko tapos umupo ako sa couch malayo sa kanya
"Eh ikaw din kaya, GGSS" sabi nya tapos naka smirk sya sakin
"ha, I know. Gandang-ganda sila sakin" sagut ko tapos hinawi ko yung buhok ko.
BINABASA MO ANG
Bride For Hire (Nadine Lustre and James Reid fanfic)
FanfictionAnu kaya ang pakiramdam ng magpapakasal ka sa taong hindi mu naman kilala? Kasama mo sya ng halos isang taon. At pagkatapos ng isng taon na yon, magdidivorce na kayo. Puppet sila sa paningin ng management. Pero panu kaya kung talagang mauwi sa toto...