Ang walang hiyang hinayupak na ito ang sarap ulit ibalik sa loob ng banyo at saka ingudngud sa inudoro, kung makatawa wagas.
Pasalamat ka at gwupo, macho, at mayron kang six pack abs, kaya di ko na itutuloy ang nasa isip ko.
Oh my god, did I praised this jerk, kung sabagay nasa kanya naman talaga ang lahat ng katangiang yun.
" Ha ha ha ha ha ha ".sige tawa pa sumakit sana tiyan mo.
Ng nakita nyang di man lang ako mangiti sa reaksyon nya kaya tumigil sya sa pagtawa, pumunta sya sa may couch at umupo na parang hari na ang suot lang ay tuwalya.
" I'm sorry miss, naghahanap nga ako ng bagong bedspacer dito, pero wala sa plano ko na babae ang makakasama ko". mayabang nyang sagot at tuloy pa rin ang pagpupunas nya ng buhok nya gamit ang extra nya pang tuwalya." Kung mageestay man ang babae dito over night lang , of course you know what I mean". pahabol nya pa.
Of course I know what the meaning of that, di naman ako inosente no, kaya kailangang ingatan ang puri.
Pero sa face ko ngayon imposibleng patulan ako nang isang katulad ni'to.
Pero talagang nakakadistract ang katawan." Hampas lupa ka ba?". tanong ko out of the blue.
" Why?". simple nyang sagot with matching salubong na kilay.
" Kase naman po bat di ka pa magbihis baka mapulmunya ka na nyan"?". sagot ko.
" Uyy concern". sagot nya at sabay kindat ulit, pero di parin nag effort na magbihis.
Ano ba yan anong akala nya sa akin naaakit sa kindat nya.
" Di naman nakakadistract lang". pabulong kong sagot.
" What did you say?". nakakunot nito nyang tanong ulit.
" Wala! sabi ko kung ayaw mo rin lang na makasama ako dito ibalik mo na lang yung binayad ko?". sagot ko.
" Sorry wala e!". sagot nya na walang kabuhay- buhay.
"What do you mean about that?".takang tanong ko.
" Wala na nagastos ko na". parang baliwala lang nyang sagot .
" Aba!, di pwedeng yan, kung di mo maibabalik ang pinauna ko, wala ka ring karapatang paalisin ako dito". sagot ko.
Di ako mayaman para lang magbigay sa kanya nang ganun halaga ng pera, pinaghirapan ko kaya yun sa part time job ko." Where's my room?". tanong ko.
Mukhang wala na syang choice, kase kahit anong sabihin nya kung wala naman sa akin ang pera ko, di ako aalis dito.
Nagkamot sya ng batok nya at halatang suko na." To the left". sabay turo nya sa isang pinto.
Di ko na sya tiningnan, hinila ko na lahat ng bags ko at pumunta na sa tinuro nyang room.