Pagpasok namin sa bar umiindak na si Miyo sa music na wiggle, wiggle.
Magaling sumayaw si Miyo dahil dati syang member ng isang dance group"Ooooohhh dance tayo babes". hiyaw ni Miyo, sabay hila kay Seb.
Paglingon ko sa isa pang epal namin kasama nakatayo pa rin sya sa tabi ko, pero may bigla na lang may tumabi sa kanyang dalawang babae at pareho syang hinalikan sa lips......eewwww, ang laki ng ngiti ng kumag.
Hinila sya ng dalawang babae papunta din sa dance floor at nag sayaw din ng sexy tulad din ng lovebirds na Seb at Miyo, kumindat pa ito sa akin bago nagpahila sa mga babae nya.
Medyo nag-init naman ang pisngi ko at umabot yata hanggang bunbunan ko, blush ba ang tawag dun....goodness.
Dedma na lang sino ba sya..tsk, di ako apektado.
Tapos ako naman, as usual straight patungong bar counter, lagi namang ganun ang nangyayari pag nagpupunta kami sa bar, sila nageenjoy samantalang ako sa bar counter ang bagsak.
" What's you're drink beautiful?". tanong ng bartender.
Beautiful?! Hambalusin ko kaya itong bartender ng malaki kong salamin at mahaba kong bangs, bulag yata itong bartender na'to, sya dapat ang magsuot ng eyeglasses eh.
Pero Umorder na rin ako." Beer". sagot ko, napatingin pa sa akin yung bartender kung tama yung rinig nya, e bakit?!, sa yun ang gusto kong inumin e , mahina ako pagdating sa alak, pulang kabayo lang ang madalas kong inumin kase yun lang kaya ng budget ko.
Umorder na rin ako ng mani di pa kase ako kumakain iba na rin kung may laman yun tiyan ko kahit Mani lang, pangpawala ng boredom habang ang mga hinayupak kong kasama e sobrang nageenjoy at nakalimutang kasama nila ako.
May lumapit sa aking lalake, siguro gustong makipag Kilala o kaya makipagsayaw o what ever." Hi miss". tanong nito.
Humarap naman ako dahil di naman ako bastos no." Hello". sagot ko, pero pagharap ko ang walanghiya mabilis pa sa kidlat ng nagtatakbo akala mo nakakita ng multo, nagsmile pa nga ako, kase sabi ni Miyo be friendly, pero bakit nagtatakbo pa rin?.
Bakit sya natakot dahil ba sa mahaba kong bangs o sa malaki kong eyeglasses or maybe sa up and down kong braises. Loko yun ah.
Mula nun wala na ulit lumapit sa akin, pero okay lang mas sanay ako sa ganitong mag-isa.
" Friendship, c'mon let's dance". aya ni Miyo, at halatang nakainom na dahil may pahiyaw-hiyaw na at tawa ng tawa at kahit nandito na sya counter tuloy pa rin ang sayaw, ganito kase ito pag lasing na.
"Oo nga naman insan, let's enjoy". ani Seb at pati ito ay lasing na dahil may hawak pa rin itong alak.
" Pwede ba, wag nyo na akong ayain pa dahil di ako pupunta sa dancefloor na yan at magsasayaw na parang baliw". sabi ko, para lang matakpan lang ang pagkaasar ko.
" Wag na kayang mag aksaya ng oras na magenjoy yan, kuntento na sya dito, di ba Max?". singit naman ng epal, na gulat pa nga ako dahil di ko namalayan na nasa tabi ko na pala sya at kumindat ulit may sakit yatang kindat ito e.
Inirapan ko na lang ulit sya, grabe ang dami ko ng irap sa araw na ito, mukhang magiging sakit ko na din dahil sa lalakeng ito and take note sa iisang tao pa lang yan ah."Bartender beer pa nga". order ko.
Pagbigay sa akin ng bartender yun beer, inistraight ko syang ininum di bale ng malasing kasya sa kausapin ang kurimaw na Lennard na'to.
Nakita ko rin na ininum nya yung alak na hawak nya at umupo rin sa barcounter sa tabi ko, as in sa tabi ko.
Tapos bigla na namang may humalik sa lips nya tatlo naman ngayon, imagine kanina dalawa ngayon naman tatlo, nakakadiri na sya puro na sya laway.
Inaaya ulit syang sumayaw pero tumanggi sya, anong problema ni'to kanina excited ngayon parang wala sa mood at ang nakakaasar pa tingin ng tingin sa akin, may dumi ba ako sa mukha?.
At ang nakakaasar pa pagnahuhuli ko sya nakatingin sa akin ibabaling nya naman sa iba ang tingin nya tapos ngingiti ng nakaloko di ba nakakapikon lang.
Hay nakuha bahala ka nga sa buhay mo.....PLAYBOY.